Wattpad Original
There are 2 more free parts

Chapter 5. Meeting with the Heir

1K 64 4
                                    


Nakatanggap ako ng tawag mula sa isang hindi kilalang numero. Inisip kong baka pulis na naman ito kaya takot akong sagutin. Pero nang hindi tumigil ang ring, napilitan akong tanggapin ag tawag. "Hello?"

"Ms. Eva Alcaraz?" It was a man on the other line. His cold baritone voice filled my ears.

"Sino 'to?"

"Azazel Del Cuevo."

Lumukso ang dugo ko sa malamig na tinig na iyon. Nahirapan akong ibuka ang bibig ko para sumagot. "Mr. Del Cuevo. H-how can I help you?"

"I need to talk to you."

"Bakit?"

"Malalaman mo," maikli niyang sagot sa seryoso at malamig na tinig. Nanginig ang kalamnan ko at parang dinaluyan ng yelo ang spinal cord ko sa lamig ng rehistro ng boses niya sa telepono. Wala akong naisagot kundi ang maikling 'okay'.

He texted me the place where we can meet. Isa itong tagong fancy restaurant kung saan may kanya-kanyang kwarto ang mga guest.

***

Maaga akong dumating pero mas maaga siya. Hindi ko inaasahan na naroon na siya sa reserved room na tinukoy ng waiter sa akin. Naubos lahat ng inipon kong lakas ng loob. I only speak to a few people. Takot nga ako na makisalamuha sa mga ordinaryong tao, takot akong mapahiya, takot akong ma-reject. Kaya naman hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko habang papalapit ako sa kwarto kung saan naroon ang taong ilang araw na lang ay magiging asawa ko na.

I wore a white dress and flat shoes this morning. Nakatali ng lace na kulay pink ang buhok ko at sinubukan ko ring maglagay ng kaunting pressed powder sa mukha at lip tint sa mga labi. This was not my usual get-up kaya naman sobrang conscious ako sa nakalitaw na bahagi ng legs ko. I should have worn my favorite trousers.

I slid open the shoji door. Sinalubong ako ng mas malamig na temperatura sa loob. It was spacious inside with a huge wooden table in the middle. Napapalibutan ng naggagandahang vintage Japanese painting ang bawat sulok ng kwarto. Dalawa lamang ang upuan na naroon at ang isa ay okupado na ng lalaking katagpo ko.

Azazel Del Cuevo in flesh himself. Bago ako pumunta sa lugar na ito, I tried to gather as much information about him as I can from the internet. Tama ang lahat ng sinabi ni River; he has quite the reputation of a ruthless businessman. Ilag ang mga tao sa kanya dahil kilala itong maiksi ang pasensya at napaka-intimidating. Hindi kami bagay na magkaharap sa table. Habang siya mukhang hari ang anyo kulang na lang ay korona, ako naman ay parang halamang makahiya na malapit nang kumipot sa lalim ng mga titig niya. I knew that look in his eyes right now. Rage. Disgust. Hindi niya ako gusto.

Nagbaba ako ng tingin. Kakarating ko lang pero parang gusto ko nang magpaalam na pupunta ako ng restroom. I wanted to study his face pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang tagalan na makipagtitigan sa kanya ng kahit na ilang segundo lang. I gathered all the strength in my body to just directly ask him and be done with this as soon as possible. "Ano'ng pag-uusapan natin, Mr. Del Cuevo?"

"My name is Azazel. We're gonna be husband and wife soon. Mr. Del Cuevo pa rin ba talaga ang gusto mong itawag sa akin?"

"Ha?" Damn! Sa unang limang minuto pa lamang ng pagkikita namin, nakakahiya na ang mga inaakto ko.

Nagkibit-balikat siya. "Nevermind. Do you want to order something?"

"Busog pa ako."

Kahit na sinabi ko iyon, nag-order pa rin siya ng pasta at mango juice para sa akin. Bakit niya ako kailangang tanungin kung hindi niya lang din susundin? This man was an alpha-type. Commanding and dominating. He's born with the silver spoon in his mouth kaya sanay na siya ang nasusunod lagi at hindi iniintindi ang nararamdaman ng iba. Why would he care when he has the power to do anything he wanted anyway?

The Dark Side of EveWhere stories live. Discover now