Wattpad Original
There are 5 more free parts

Chapter 2. Serial Killer

1.7K 88 7
                                    


Police Officer Ana Rodriguez was a tall and slender woman in her late twenties. She looked smart and competent in her regular white shirt and faded fitted jeans. Pinakita niya sa akin ang ID niya bago ngumiti at nakipagkamay. Base sa kislap ng kanyang mga mata at kung paano niya ipresenta ang kanyang tsapa, isa siyang proud at dedicated na pulis na punong-puno pa ng prinsipyo at pangarap sa napiling propesyon.

"Thank you so much, Ms. Eva, for meeting me. I promise you I'll make this quick."

The way she talks, she came from an affluent family. She smelled like lavender and vanilla. I knew the scent; it was a limited-edition designer perfume. For a police officer who's always on the run, she takes care of herself well. Naka-ponytail ang buhok niya pero halatang alagang-alaga ito. I bet she's not the type to fix her hair often, so others were doing it for her. This girl was a princess. The question was, what is she doing in the force when she can easily be a model or an influencer socialite? Was she a rebellious daughter? Galit sa magulang? May kailangang patunayan? Hmm.

Ilang segundo pagkatapos niyang bitiwan ang kamay ko nakatitig pa rin siya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa nakikita. "Walang anuman. Kanina ka pa nakatitig sa akin," puna ko.

Sa totoo lang, nagsisimula na naman akong magkaroon ng mga paranoid thoughts na baka sa likod ng utak ng taong kaharap ay hinuhushagan na ako. Baka kilala niya ako. Baka alam niya ang lihim ko. Paano kung patibong ang meeting na ito?

Napakurap siya. Saka tumawa. "Pasensya na po. Hindi lang ako makapaniwala na makikilala ko kayo at pagbibigyan niyo ang imbitasyon ko."

She's a fan. I knew it! I bet she's been reading my novels since my first book. And I knew because I have a beyond-normal perception. I have the ability to see what others can't. Madali lamang sa akin ang magbasa ng tao, ng kilos at takbo ng utak ng mga ito. It's a gift I was truly grateful I have. Natutulungan ako nito sa maraming bagay.

Ngumiti ako pabalik sa kanya. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. "Mukhang importante ang itatanong mo. I don't usually give my private contact information to anybody so you must have made an effort to obtain it. May maitutulong ba ako sa 'yo, Officer Rodriguez?"

"Ana na lang po, Ms Eva. Ana na lang ang itawag niyo sa akin."

"Sige, Ana. But please drop the 'po' and 'ho'. Sa tingin ko, magka-edad lang tayo?" nakangiti kong sabi.

"Opo! I mean. Oo, magka-edad lang tayo. Don't get me wrong, Ms. Eva, hindi ako usually ganito lalo't tungkol sa trabaho ang pagkikita natin. Hindi ko lang kasi mapigilan... I'm your fan! Nabasa ko lahat ng librong sinulat mo at hangang-hanga ako sa paraan mo ng pagkukwento. Halatang pinag-aralan mo nang mabuti ang karakter ng mga tauhan mo. Lalo na ng mga detective mo. Parang nakikita ko ang team leader namin sa mga karakter mo. Magaling mag-solve ng kaso gamit ang kakaunting clue."

She must be infatuated to her team leader. Hindi ang mga pulis ang bida sa mga novel ko pero iyon ang kumuha ng atensyon niya.

"I thought I'm meeting the wrong person when I saw you..."

"Bakit naman?"

"Most of the women in your stories were always described wearing dark clothes, dark makeup and they wear sexy dresses and stilettos... Sabi nila, subconsciously raw kapag nagsusulat ang isang author, naisusulat niya sa mga karakter niya ang personal choices and preferences niya lalong-lalo na sa damit."

"Most of the women in my novels were murderers..."

Natahimik si Ana.

Ngumiti ako. "Mabuti na lang iba ako sa mga babaeng sinusulat ko. Bunga lang 'yon ng pinagsamang puyat at imahinasyon. Believe me, I am nothing like my characters."

The Dark Side of EveWhere stories live. Discover now