Chapter 3

1K 12 5
                                    


***

Napapayag ko siya kaya heto nag iisip ako ng masusuot. Kailangan kong maging maganda sa double date na 'to para mapansin ako ni Dylan. Sa totoo lang hindi naman talaga para kay Tim at Yndira ang double date na 'to kundi para sakin at kay Dylan para naman makilala ko siya lalo. Para paraan lang yan.

Habang nasa gitna ako ng pagpipili ng masusuot ay nag ring ang cellphone ko,

"Bakit na naman ba?"

Paasar kong sagot sa damuhong iyon, halos kakatawag niya lang at sinabing bilisan ko daw at naiinip na siya sa sala tapos ngayon tumatawag na naman? Ginawa naman niya atang libangan ang pagtawag sakin.

Tinagalan ko lalo ang pag aayos para mabadtrip siya, at nung pag baba ko sa sala ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang hindi nagustuhan ang ayos ko. Wag na wag niya na ulit sasabihin ang mga salitang yun kundi sasapukin ko na siya.

"Yan ang suot mo?"

"Oo, may angal ka?" tiningnan ko siya ng masama at sigurado naman akong nagets niya ang gusto kong ipahiwatig sakaniya. Good boy din pala siya kahit papano, tinutubuan lang ng sungay minsan.

Nagpaalam na kami kay mama at nung nakasakay na kami sa kotse niya ay lihim ko siyang nahuhuli na tinitingnan ako. Hayan na! Kung kay Tim pa lang nakakaakit na ako pano pa kaya kay Dylan? Tulo laway na siya siguro. Sayang wala akong dalang camera para mavideohan ang karisma ko pero dala ko naman cellphone ko, pwede na 'tong pagtyagaan.

Pagdating namin sa lugar kung saan ang 'date' ay agad naming nakita sila Yndira at Dylan. Ang gwapo ng crush ko ang galing ko talagang pumili. Ang hot niya super! Binulungan ako ni Tim na maging sweet daw ako sa kaniya pag kaharap namin si Yndira. Pano 'yan andyan si Dylan baka isipin nun two-timer ako. Nakakainis naman 'yang contract na 'yan oh bakit ba hindi ko binasa ayan tuloy nung nasa kotse kami kanina ay pinaalala niya sakin ang nakalagay dun.

Nakita kong nanlaki ang mata ni Tim ng gawin ko ang first move ko. Nilapit ko sa kaniya ang mukha ko at saka bumulong.

"Sweetness ang hanap mo? wag kang magulo at makisama ka na lang sa binabalak ko para sayo din naman 'to eh" pero syempre joke lang, para sakin talaga 'to. Ipinulupot ko ang braso ko sakaniya at kunwaring pinupunasan ang noo niya.

"Sweety napagpawisan ka ata sa pagmamaneho kanina, kawawa naman ang baby ko" tiningnan ko si Yndira at halatang affected siya sa ginagawa ko kay Tim konting push pa alam kong bibigay din 'to.

"Alam kong gutom na kayo, mag order na tayo" sabi ni Dylan. Oha, alam ko na ang pangalan niya ngayon. Tamang tama hindi pa ako nanananghalian. Tinanong ni Dylan kong anong gusto ni Yndira, ay ang babae nagpacute pa, hala biglang kumulo ata ang dugo ko dun, inggit ako eh, ang sweet nilang tingnan. Siniko ko si Tim at saka binigyan ako ng matalim na tingin

"Hoy 'yung plano" bulong ko sakaniya. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang hinimas.

"Sweety anong order mo? Kanina ko pa kasi napapansin na nagwawala na ang mga alaga mo sa tiyan, di naman obvious na gutom ka na noh?"

Anong ginagawa niya? Bakit niya ko pinapahiya sa harap nila! Umayos ka Tim baka mabitay kita!

"Hindi pa naman ako masyadong gutom sweety" tapos tinadyakan ko 'yung paa niya sa ilalim ng mesa para makaganti ako sa hinayupak na lalaking 'to, napansin kong nasaktan siya sa ginawa ko dahil napangiwi siya.

"Oh sweety may masakit ba? sabi ko naman sayo eh mag bawas ka muna bago pumunta dito ayan tuloy may balak ka pang magkalat dito" napangiti ako ng lihim, ano ka ngayon taong unggoy.

We're 49 Days InLove **PUBLISHED under LIFEBOOKS**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon