Chapter 7

757 10 5
                                    


***

"Sabay na tayong mag lunch"

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming nagpunta ng cafeteria. Habang patag ng patag ay mas lalong nagiging weird ang isang 'to.

Nang nasa may tapat na kami ng cafeteria ay may biglang tumawag kay Tim at napalingon kami parehas. Nakita namin si Yndira at syempre hindi ko siya pinansin, hinigpitan ko na lang lalo ang pagkakahawak ko kay Tim.

"Sana lang ay hindi kana maging duwag pa ulit, second chance mo na to Tim, wag mo ng sasayangin" naramdaman ko din ang pag higpit ng hawak niya sa kamay ko, kahit hindi ko nagets ang sinabi niya kay Tim pero nararamdaman kong may kasamang intense na feeling iyon. Ayokong magtanong tungkol sa sinabi ni Yndira kaya ang labas ay wala na namang umiimik samin.

Habang kumakain kami ng lunch ay may tumabi sakaniya, hindi ko na sana papansinin kaya lang...

Shit!

May panibagong impakta na lumalandi kay Tim! Hindi na nahiya, talagang sa harap ko pa siya hinalikan!

"Hi Timothy, do you remember me?" with matching landi voice pa

"Monica right?"

Ang higpit ng pagkakahawak ko sa tinidor at parang gusto kong ibaon sa babaeng 'to ang hawak ko

"I'm so happy that you still remember me. May gagawin ka ba mamaya? Aayain sana kitang lumabas"

"Ehem!" napatingin siya sakin

"Hi Yera nandyan ka pala"

"Obvious naman diba o sadyang nagbubulag bulagan ka lang?"

"Ang taray mo naman"

"Hoy babae puwede bang ilalayo-layo mo yang pag mumukha mo sa boyfriend ko at baka mag kapalit na kayo ng mukha. Okay lang naman na maglandain kayo basta wag lang sa harap ng pagmumukha ko"

Mukhang naintimidate siya kaya napaalis siya ng wala sa oras at nakita ko si Tim na nakangisi lang

"Selos?" sabi niya,

"Asa ka naman!"

***

Nagugulat na lang ako sa sarili ko ngayon kasi kung makapag react ako sa mga babaeng lumalapit kay Tim ay parang sineseryoso ko na ata ang pagpapanggap na 'to.

Hindi kaya may crush na ako sakaniya? Iniling-iling ko ang ulo ko sa ideyang yun.

"Hindi pwede 'to, kay Dylan lang ako" sa sobrang frustations ko ay naisigaw ko na ang dapat na nasa utak ko lang, buti at walang tao sa paligid kundi patay na naman ako kung skaaling may makarinig nun na kakilala ko. Pero pano ko malalaman kung talagang may crush na ako sakaniya?

"Yuck! ano ba 'tong iniisip ko? Badtrip naman oh!"

Sinipa ko 'yung bato sa daan habang papunta ako ng mall. Ang boring kasi sa bahay kaya papasyal muna ako para naman hindi ako makunsume sa dalawa kong kuya.

Narinig kong parang may umaray nung sinipa ko 'yung bato kanina. Tiningnan ko 'yung paligid at nakita ko ang mga PDA sa daan. Ang mga malalanding nakasama ko noon sa may waiting shed ay dito pa talaga naisipang maglandian ah. Binilisan ko nalang ang lakad ko dahil baka sitahin nila ko

Nang nasa mall na, nag libot libot lang ako at nung nakaramdam na ako ng pagod ay naupo muna ako bench at ilang minuto pa ay may tumabi saking lalaki at nung nagsalita siya ay saka lang ako tumingin sakaniya. Gwapo naman sana kaya lang mas gwapo si Dylan at saka mas astig pumorma si Tim kesa sa lalaking 'to.

We're 49 Days InLove **PUBLISHED under LIFEBOOKS**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon