Chapter 11

646 12 2
                                    


***

Nasa malayo pa lang ako ay nakita ko na si Tim sa corridor at mukhang may hinahanap. Dahil sa long week end na nangyari ay ngayon ko nalang ulit siya nakita pero parang wala pa rin akong lakas ng loob na kausapin siya. Ayoko siyang pansinin kapag dumaan ako sa harap niya pero hanggang salita lang naman ako.

"Teka lang Cassandra" napahinto ako sandali at ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Kahit anong tawag ang gawin niya ay hindi ko pa din siya nililingon hanggang sa hinawakan niya na ang braso ko. Siguro kailangan ng magkaalaman para wala ng masasaktan.

"Tama na Tim, alam ko naman na pampalipas oras mo lang ako kapag wala sa tabi mo si Yndira"

Ayokong gumawa ng eskandalo sa harap niya kaya kung kaya kong maging mahinahon ay gagawin ko dahil ako lang ang magmumukhang kawawa. Ni hindi ko na nga siya matingnan, natatakot ako na baka pag tawanan niya ko dahil nainlove ako sakaniya kahit wala naman iyon sa kontrata.

Kailangan ko na siyang iwasan

Ang sakit pa lang mainlove, kala ko pa naman kapag nainlove ako parang fairytale na ang story ng buhay ko pero mali pala kasi sa mga kuwento lang nangyayari ang mga ganung klaseng bagay. Nasa reyalidad ako kaya kailangan kong tanggapin na nasasaktan ako dahil minahal ko siya.

Nung uwian na ay nauna kong lumabas para hindi niya na ko masundan, sakto namang may inutos sakaniya ang teacher namin. Palakad-lakad lang ako pauwi hanggang sa inabutan na ako ng dilim sa daan. Siguro nagmumukha na naman akong walking zombie nito. Kung kanina natiis kong hindi siya pansinin sa buong klase, bukas kaya makakaya ko pa? hindi na siguro ko magtataka kung bukas na bukas din ay kakausapin niya ko at sasabihin niyang tapos na ang kontrata at wala ng pagpapanggap na mangyayari.

Sobra ang pag iisip ko sa mga posibleng mangyari ngayon samin ni Tim na halos hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. Natauhan lang ako nung may biglang bumusina sa harap ko at halos hindi na ko makagalaw para iwasan ang paparating na kotse. Naramdaman ko nalang ang pag tilapon namin sa damuhan at saka lang nag sink-in sa utak ko ang mga nangyari nung sigawan niya ko

"Shit Cassandra! may balak ka bang magpakamatay Cassandra?"

***

Dahil sa nangyaring pag sagip niya sakin kahapon ay hindi ko alam kung paano ko na siya iaapproach. Syempre pinagalitan niya ko gamit ang mga tagos sa butong salita na kahit kila mama at papa ay ayokong marinig. Hanggang ngayon ay hindi niya pa din ako kinakausap at naaartehan na ako sakaniya kasi daig niya pa ang babae.

Inakbayan ako ni Mitch at nung pag tingin ko ay nakita ko ang nakangisi niyang mukha.

"Kanina pa kita nakikitang malungkot, may LQ ba kayo ni Tim?"

Hindi naman siguro masama kung sabihin ko sa kaniya ang nangyari samin, matagal ko na din siyang kakilala at mapagkakatiwalaan naman siya 'yun nga lang may saltik din talaga siya minsan. Pero nahihirapan na kasi ako pag wala akong pinagsabihan ng nararamdaman ko ngayon baka bigla na lang sumabog at ikamatay ko pa 'to.

"Mitch..." naghihintay lang siya sa susunod kong sasabihin

"Ready kana ba talagang ishare sakin yan?"

Natigilan ako sandali sa narinig ko, so all this time pala ay halata sa mukha ko na may pinagdadaanan ako at may mga taong nakakahalata nun at naghihintay lang sila na sabihin ko ang mga bagay na ikinabibigat ng loob ko.

Hindi ko akalain na matured pala ang isang 'to pagdating sa mga ganitong bagay. Ikunuwento ko sakaniya pero hindi lahat at gumaan ang pakiramdam ko kasi naintindihan niya naman ang sitwasyon ko.

We're 49 Days InLove **PUBLISHED under LIFEBOOKS**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon