Prologue

8.2K 52 24
                                    

Yera's POV


Nakaupo ako dito sa waiting shed ngayon kasama ang dalawang schoolmate ko. Hindi naman sa pagiging tsismosa pero utang na loob naman hindi PDA area ang waiting shed na 'to!

"Alam mo crush kita" sabi nung babae

"Talaga?" sagot naman nung lalaki

"Oo, crush mo din ba ko?"

"Hindi eh" napatingin ako sa dalawang nag uusap at nakita kong parang maiiyak na 'yung babae sa sagot nung lalaki. Kung kanina ang saya saya niya tapos biglang nagbago dahil sa sagot na narinig niya.

Biglang napatayo si lalaki nung nag walk out na si babae at kita ko sa mukha niya na natutuwa siya sa naging reaksiyon nung babae na halos mangiyak-ngiyak na. Ang gandang scene nito ha! babae na ngayon ang nababasted.

Nung napigilan na nung lalaki ang pag alis ni babae ay saktong nasa harap ko na silang dalawa at kitang-kita ko kung pano pinunasan nung lalaki ang basang mukha ng babae dahil tuluyan na itong napaiyak.

"Hindi mo pa nga tinatanong kung mahal kita eh" nakatulala lang siya sa mukha ng lalaki at saka ngumiti. Masyadong cliché at halos ganito lagi ang nakikita ko sa mga pelikula. Kaumay! At talagang sa harap ko pa sila naglandian ah.

"Mahal mo ba ko?" ay shet!

"Hindi rin, sige iyak ulit"

Napanganga ako sa sinagot nung lalaki at naawa na din para sa babae. Alam ko kaya ang feeling ng paasahin, ang sarap talagang balatan ang mga lalaki ng buhay.

"Lumayo nga kayo sa harap ko! Ang lalandi niyo!" dahil badtrip na ko sa mga nakikita ko ay sinigawan ko na sila

Nagulat 'yung dalawa at tumakbo palayo sakin pero nung liliko na sila sa unang kanto ay nakita kong inakbayan nung lalaki si babae.


"Tsk! ang landi talaga! Asan na ba si kuya Danny at kinarir naman ata ang pagiging late niya!"

Ilang minuto pa akong naghintay hanggang sa inabutan ako ng alas sinko sa waiting shed na tinatambayan ko. Panira din 'tong waiting shed na 'to eh, bakit ba naimbento din 'to eh di sana walang mga tao ang pinaghihintay ngayon ng matagal.

Napakunot-noo na lang ako ng may bumusinang kotse sa harap ko, kung nakakamatay lang talaga ang tingin ay kanina pa siguro nakahandusay ang katawan ng driver ng kotseng 'to. Mas lalo pa kong nainis ng bumuga ng maruming usok ang kotse at halos nalanghap ko ang lahat ng polusiyon. Hindi na ko ako nakapagpigil at nilapitan ko na ang kotseng nasa harapan ko para awayin ang driver ng kotseng 'yun. War freak na kung war freak, eh bastos ang driver eh.

"Hoy unggoy bumaba ka diyan sa lungga mo!" hindi ko na maitago ang pagkairita ko kaya inabangan ko talaga ang pag baba ng driver ng kotse. Ilang sandali pa ay lumabas na siya at halos malaglag ang panga ko sa taong kaharap ko ngayon.

"Sinong unggoy?!"

Tumambad sakin ang isang magandang lalaki, at halata sa mukha niya na naiirita din siya sakin gaya ng pagkairita ko sakaniya. Patas lang kami ngayon, kala niya ah!

"Obvious ba edi IKAW! Sino pa bang ibang kausap ko dito?"

Lalong nag init ang ulo ko ng tingnan niya ko mula ulo hanggang paa, para bang kinikilatis niya ako kung katanggap tanggap ba ang itsura ko sa paningin niya.

"Tamang-tama ka lang hindi ka naman ganung kagandahan"

Biglang pumintig ang ugat ng tenga ko ng marinig ko ang mga salitang 'yun. Tama ba? Sa pagkakaalam ko nagkakandarapa pa nga ang mga lalaki sakin. Tusukin ko kaya ng takong ng sapatos ko ang mata niya ng malaman niya ang pagkakaiba ng panget sa maganda. Bulag ata siya eh

"Sa ayaw mo man o sa gusto ay magiging girlfriend kita"

Hindi ko alam kung gaano katagal akong natulala sa sinabi niya. Basta ang alam ko lang ay ayaw tanggapin ng mga brain cells ko ang sinabi ng lalaking 'yun, kaya sa sobrang loading ay late reaction ako.

Anong pinagsasasabi mo diyan? Ako? Magiging girlfriend mo? Patawa ka ha!"

"Hindi ako nagbibiro" napatingin ako sa mukha niya at seryoso nga siya.

Hindi pwede 'to!

"Teka naman! Sino ka ba para mag desisyon ng ganyan?"

"Ako lang naman ang boyfriend mo..."

We're 49 Days InLove **PUBLISHED under LIFEBOOKS**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon