SIX : Who the hell are you (2)

6 0 0
                                    


Third Person's POV

"Sigurado ako sa nakita ko ,captain."ani mio habang nagpaikot ikot sa harap ng kapitan.

" Imposible ang sinasabi mo,mio.Hindi kayang talunin ng isang tao ang isang halimaw kahit type C pa ito."saad naman ni Captain Martinez.

Habang nag-uusap sila kapitan Martinez at Mio,tahimik namang nakaupo sa sofa si Ymana.

Iniisip nya ang ginawa ni Rose,at totoo ang sinabi ng kapitan na imposibleng magawa iyon ng isang tao lang  .Pero kahit sya mismo ay nakita rin ang lahat ng nangyari, ganoon pa man,nababalot pa rin ng pagtataka ang kanyang isip.

Nag isip pa ng malalim si Ymana,hindi mawala-wala sa isip nya si Rose at kung anong lakas ang meron dito para patayin ang isang  type Z na halimaw,at ginawa nya pa ito ng malapitan gamit lang isang sanga ng puno.

Napakagat labi ito.

Kailangan nyang kilalaning mabuti ang dalaga ,aalamin nya kung ano bang meron ito at kung saan ito nagmula.

Tumayo ito at dere-deretsong naglakad papuntang pinto nang mapansin ito ng kapitan at ni Mio.

"Aalis ka na?" Tanong ni Mio.

Tango lang ang sinagot ni Ymana at hinakbang muli ang paa upang tuluyan nang lumabas nang magsalita ang kapitan.

"I want to see that girl,I'm interested. Bring her here---"


"No." Agad na sabi ni Ymana.

Napakunot naman ng kilay ang dalawa sa sinabi ni Ymana.

"At bakit hindi?"takang wika ni Mio ." This is our chance! Kung makikita sya ni captain,at mapakita nya ang potensyal nya ,baka mai- recruit natin sya sa Ace Army!

"Sumang-saayon ako,just bring her here ,then we will talk about it."

Lumingon si Ymana at tinapunan sila ng nakakahilakbot ng mga tingin,na agad namang nagpatigil sa kanila.

"Pag sinabi kong hindi,hindi.Don't let me repeat myself.Nasa pangangalaga ko sya kaya ako lang ang may karapatan na magdisisyon kung anong gagawin sa kanya." Huling mga salita ni Ymana ,bago sya lumabas at pabagsak na isinira ang pinto.

"Captain,bakit hinahayaan nyo lang syang sagut-sagutin kayo?" Nailing na sabi ni Mio.

Tumayo ang matanda at naglakad patungong bintana habang hawak ang kanyang glass wine.

"Hmm,that's Ymana.Matagal ko na syang kilala,firce and mysterious. Pero,kakaiba syang babae,kaya ayos lang sa akin.Besides,Hindi sya babansagang 'the death glare ' nang walang dahilan."nangingiting turan nito.




ROSE

Pinakiramdaman ko ang sarili ko .Para kasing nanakit ang buo kong katawan at tila ba ayaw ring bumukas ng aking mga mata.

Ugh!Bakit di ko maigalawa ang katawan ko?

Hanggang sa may isang tinig akong narinig.Pamilyar ito,at sigurado ako kung kanino nanggagaling ang Boses na iyon.

"Ate?Gising ka na po ba?Nakita ko kasi gumalaw mata mo eh."

Dahan dahan Kong idinilat ang aking mga mata.Ilang beses pa akong kumarap dahil nasisilaw ako sa liwanag ng paligid.

Napagsino ko ang batang nasa harapan ko ngayon,naalala ko ang nangyari kanina.Nung tinangka Kong iligtas ang batang ito sa halimaw,na bolentaryo ko namang ginawa dahil gusto ko nang wakasan ang buhay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DJIGOKUJIMA || Hell Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon