THREE : Monsters

8 0 0
                                    

ROSE

"Kumalma ka na ba?" Tanong ni Ymana sabay bigay sa akin ng isang tasang kape.

"I don't know." Saad ko at kinuha ang kape.

Hindi ko pa rin maintindihan.Wala ni isa sa lugar na ito ang pumapasok ng maayos sa utak ko.

Naramdaman kong umupo si Ymana sa tabi ko saka nagsindi ng sigarilyo.

"That's normal.I mean, yung maguluhan ka.Actually, ganyan din ang reaction ko noong unang salta pa lang ako dito."Seryoso nyang wika sabay buga nya ng usok.

Humigop ako ng kape at inilapag ito sa lamesita.Marami akong gustong itanong Kay Ymana,pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan,isa pa parang pagod na pagod ako at gusto kong matulog.

" Do you want something to eat?"tanong ni Ymana.

"N-no." Sagot ko.

"Oh come on,mamatay ka kung di ka kumain,ilang araw na ring walang laman iyang tiyan mo."

Napataas ako ng kilay."Ilang araw?Ilang araw na ba akong tulog at nandito?"nagtataka kong tanong.

"Hmm." Nag isip ito at binilang ang mga daliri nya."I think,almost 5 days?"

Limang araw?!Ganon katagal?Eh,as far as I know kahapon lang nangyari ang mga ka-impyernuhang iyon.Paano?

"Confused again? There is two reasons.The first one is,siguro yung tinurok sayo para patulugin ka."

Napasinghap ako " Yeah,I remembered! There was someone behind my back that time,tapos may naramdaman akong may kung anong tumusok sa akin then suddenly every thing went black."

Tumango tango si Ymana.."Okay,And the second is,tracking device."

"What tracking device? Why do I need to have this?"

Humugot si Ymana ng malalim na hininga at saka ako sinagot."Actually,I have it too."

"Huh?"

Umangat ang kamay nya papunta sa kanyang leeg at hinawi ang mahaba nyang buhok ay nakita kong meron din sya nito!

"And if you're asking why do we need to have this,simple,to track us."

"Track?Bakit---"

"Shh,just listen to me first." Tumayo sya at inayos ang sarili para mahiga sa couch kung saan kami nakaupo.

Sinunod ko nalang sya,I didn't say a word. Sobrang naku- curious ako ,gusto kong malaman lahat.

"We're in Djigokujima,in other words, Hell Island.Ito ay napakalaking isla na hindi pa alam o hindi pa nadidiskubre ng mga otoridad,gobyerno o mga turista.20 years ago,kabi-kabilang kidnapping case ang naglipana.Hindi na sila nahanap pa."

"Yeah!I know that story,pero san kaya sila napunta----" nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto."Don't tell me.."

"Yes,dito sila dinala.Ayon sa mga sabi-sabi,ang tao sa likod nito ay gumawa ng sarili nyang mundo,then kumuha ng mga taong titira dito .Kung bakit nya ginawa,who knows?"

Nakadama ako ng takot.Kabaliwan itong lahat !Mangid-nap tapos ipapatapon dito?Ano ba talagang plano ng demonyong nasa likod nito?!

"And for tracking device naman,to assure na hindi ka makakatakas."ani Ymana.

"Did you gave a try to escape?I mean,siguro naman may paraan para makaalis dito?" Tanong ko.

Tumawa lang ito ng mahina,tapos pinatay ang upos nyang sigarilyo sa ashtray.

I can't deny it,she is so gorgeous! Ang hot nyang tingnan ,nasa kanya ang lahat ---- long legs,white skin,and even the thing I hope that I have,big boobs!

"Escape huh?That's impossible ,you know.CCTV and surveillance cameras are everywhere,we have tracking devices too .Isa pa,sa sobrang secured ng lugar na ito,ni kuto mo di makakalabas."

So there is no other way to go out?Totoo ba ito?Guess my nightmares are not done yet.Anong gagawin nila sa mga tao dito ,sa akin?Napahawak ako ng mahigpit sa baso ,halo-halong emosyon ang nararamdaman ko,at umangat dito ang takot.

Napansin kong kumuha na naman ng isa pang sigarilyo si Ymana at sinindihan ito.

"Ahm,napansin ko lang na kanina ka pa nanigarilyo ?"

"Huh?"taas kilay nyang tanong sabay sindi muli ng sigarilyo.

" A-ahh!Ano,masama kasi sa health yan,alam m-mo na."Napatahimik ako bigla,ang pakialamera ko masyado!Para namang na offend ko sya sa sinabi ko.

"Always live like there is no tomorrow. Dito sa loob,hindi mo kailangang alalahanin ang mga ganitong bagay,dahil hindi ito ang papatay sa iyo." Seryoso nyang sabi.

"Bakit?Ano ba talagang meron dito?"

"You will know, pero matibay ba ang sikmura mo-----DAPA!" Sabay hatak ng batok ko pababa.

What?!

I was so shocked! Tumama nga ang noo ko sa sahig at nag dulot ng pagkahilo ko.Sunod ko na lang na nakita ay ang mabilisang pagkuha ni Ymana ng kung ano sa kanyang cabinet----ISANG BARIL!

Tinutok nya ito sa bintana,at ng lingunin ko iyon ay halos mangatog ang buo kong katawan .Nanlaki ang mga mata ko sa nakita,at hindi ako makapaniwala---Dahil hindi talaga ito kapani-paniwala!

Hindi ko malaman kung paano ko ilalarawan ito.Basta masasabi ko lang ay para itong kalahating tao ,kalahating centipede! Naka dikit ito sa labas ng bintana at naglalabas ng malapot na likido !Nakatingin ang mga luwa nitong mga mata sa akin,habang pinipilit na basagin ang salamin ng bintana gamit ng mga kamay nya.Sa bawat pag pukpok nya sa bintana ay nagbibigay sa akin ng kakaibang takot!

Sino ba namang hindi magigimbal sa uri ng nilalang na ito!Oh god!

Biglang may naramdaman akong mabilis na dumaan sa gilid ko,kasabay noon ay ang malakas na ingay mula sa kinalabit na gatilyo ,sunod ang pagkabasag ng salamin ng bintana at pagsabog naman ng katawan ng nakakadiring nilalang sa buong paligid,maging ako ay natalsikan ng dugo nito sa aking pisngi.

Gamit ng aking mga kamay,nanginginig akong pinusan ito.Dumikit pa sa aking mga palad ang dugo na galing sa halimaw!

Fuck!What the hell was that?!

Nilingon ko si Ymana at nagbalak na tanungin ang nangyari ,pero naglakad ito papunta sa dingding,at doon ay may nakadikit na telepono.Nag -dial sya ng numero at hinintay na sagutin ng kabilang linya ang tawag nya.

"Hello?Erick?Ugh,pwede bang pumunta ka dito and clean up my room.May nakakadiring bagay kasi dito,and I hate it!So please hurry up!" Iritable nyang saad sabay baba ng telepono.

Kinuha nya ang kanyang jacket at sinampay nya ito sa kanyang balikat.

"Come on." Lumapit sya sa akin at inilahad ang kanyang palad sa akin."I will tell you later, just come with me.Ayaw kong mag stay dito sa bahay ko na ganito ang itsura.And look,I know that you're scared but as long as you're with me,there's nothing to be afraid of."She assured me.

Ito na naman sya,nagsasabi ng mga salitang makakapagkumbinsi sa akin maniwala sa kanya.Hay.

Nagtagumpay sya na paniwalain ako at inabot ko ang kamay nya .Nakatingin ako sa baba,I'm still shocked after all!Lalo na't nasa mga kamay ko pa rin ang dugo ng halimaw kanina.Napikit ako ng mariin at marahan na tumulo ang mga luha ko.

"Here.." Nagulat ako ng iangat ni Ymana ang aking mukha at gamit ng kanyang panyo ay pinunasan nya ang mga luha ko."You're such a cry baby. Dito sa lugar na ito,isa lang ang mapapayo ko.Be strong,kung lagi kang iiyak, magiging mahina ka lalo,at kung mahina ka mamatay ka.So brace yourself,and stop crying."

Biglang lumambot ang puso ko para kay Ymana,she is so kind,she treating me as if I'm her little sister.Mali ba na maramdaman ko ito,kakikilala ko pa lang sa kanya ,but I don't know, magaan talaga ang loob ko sa kanya..

Sana,totoong mapapagkatiwalaan sya.

DJIGOKUJIMA || Hell Island Where stories live. Discover now