FOUR: Aces Army

11 0 0
                                    

ROSE


"San ba tayo pupunta Ymana?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Malapit na."tipid na sagot lamang nito.

Nagkibit balikat na lang ako,pagod na ako sa totoo lang ,pero ayaw ko namang magreklamo.Minabuti ko na lang na siyasatin ang paligid.


Kanina pa kami paikot ikot sa lugar na ito,at napansin ko na tila ba naging isang komunidad na talaga.Kahit na napapaligiran pa rin ng mga puno ang lugar na ito ay bakas na bakas na ang presensya ng sangkatauhan dito.Marami ng mga bahay , marami na ring mga tao at mga batang naglalaro,may mga nakapagpatayo rin ng negosyo tulad ng nga palengke at maliliit na kainan,kung titingnan mo'y para lang talaga itong normal na pamayanan.

Napakagat ako sa labi ng maalala ang nangyari kanina.Kabila ng payapang pamumuhay ng mga tao rito ay nasa likod nito ang nakakatakot na katotohanan.Mahigit dalawang-pong taon na ang nakakaraan kaya hindi na rin napigilan ang tuluyang pagdami ng mga mamayan dito,pero paano sila nabubuhay ?Kung may mga ganoong uri ng nilalang ang umaaligid aligid sa buong isla na ito?


"Y-ymana ----" Tangka sana akong magtatanong ulit ng biglang huminto ito sa harap ng isang maliit na cabin..

"Nandito na tayo..." Saad nito sabay na nagpatuloy sa paglalakad papasok roon.

Ako nama'y sumunod na lang,of course,ano bang gagawin ko dito sa labas?

Pagpasok ay namangha ako sa loob ng cabin na ito,medyo malaki ito kung titingnan sa loob kesa sa labas.May iilang mga lamesa at mga manginginom,yung ibang tao ay tahimik lang na kumakain. Sa desesnyo naman ng lugar nito ay napaka classy,parang isang ganap na restaurant na ito kung tuluyang aayusin pa.Naaamoy ko rin ang smokey na amoy ng kung anong inihaw ang niluluto nila ,at tingin ko'y napaka sarap nito.Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko.

"Dito tayo umupo.." Sambit ni Ymana saka tahimik na umupo sa bakanteng upuan at bakanteng lamesa malapit sa bintana.

Dahil sa pagod na rin ay agad agad na akong umupo.Hay, salamat at nakaupo din!

"Is this place okay for you? Ang ibig kong sabihin ay, ayos lang ba sayo na may mga uminom ng alak sa paligid?" Malumanay na tanong sakin ni Ymana.

"Y-yes! Of course, nasa legal na edad na ako 'no , alam ko na ang mga ganyan." Pagmamalaki ko.

"Bakit,ilang taon ka na ba?" Muli niyang tanong.

I cleared my throat.." 18.."

Napansin kong biglang napangisi ito sa akin na ipinagtaka ko ," What?Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

"You are still a kid.." Seryoso,ngunit pabiro nitong wika.

Ano?Ganoon pa rin ang tingin niya sa akin? Nakaka offend naman siya sa part na iyon! Napanguso tuloy ako sabay kunot ng aking mga kilay,huwag niyang sabihing mas matanda siya sa akin at mas hot pa,sadyang hindi pa lang ngayon ang blooming days ko.


"Magandang araw ,Ymana! Ano ang atin ngayon?" Singit ng isang - matandang lalaki na sa tingin ko ay nasa 50s na,naka apron ,makapal na ang bigote at balbas nito na nahahaluan na ng puting buhok,malaki ang mga ngiti nitong bumati sa amin.

"Magandang araw ,Joey, oorder ako." Wika ni Ymana sa sinasabi niyang Joey.

"Ano iyon,tulad ba ng dati pa rin?"

"Oo...Ikaw Rose?" Baling sa akin ni Ymana.

"H-ha?A-ano, m-may burger ba kayo?" Nahihiya kong tanong.Hindi na ako nagpadala pa sa pride ko,talagang nagugutom na ako eh.

DJIGOKUJIMA || Hell Island Where stories live. Discover now