Chapter 52

624 23 0
                                    

Chapter 52

Darius

D

ahan dahan ko siyang inilagay sa driver's seat at inayos ang suot niyang seat belt.

"B-bakit ang gwapo gwapo mo. Tapos ang bango bango mo pa sheesshh..."

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya dahil inayos ko ang bangs niya na tumatakip sa kaliwa niyang mata. Her radiant and sensuous eyes. Kakatanggal ko lang kasi ng eyeglasses niya.

This is for the last time Honey. Kahit ngayon lang, sana mapatawad mo ako. Hindi ko talaga intensyon na saktan ka. Ginawa ko yun para protektahan ka. Dahil mahal na mahal kita. Hindi ko kayang makita ka ng ganyan, sana sa mga susunod na araw ay gumaan na ang pakiramdaman mo dahil hindi na talaga ako manggugulo sa buhay mo. Ipinapangako ko 'yan.

"Gusto mo kantahan kita. Sheesshhh..."

"Sige yung magandang kanta ah Honey." sabi ko at saka inistart ang engine ng aking sasakyan.

"Clear blue water, high tide came and brought you in

And I could go on and on, on and on, and I will

Skies grew darker, currents swept you out again

And you were just gone and gone, gone and gone."

Napatingin ako sa kanya habang kumakanta at nakapikit pala si Honey. Na para bang ang bawat liriko nito ay dinadamdam niya.

"In silent screams,

in wildest dreams

I never dreamed of this."

I heard her voice starting to broke, na masa ikinagulat ko, kitang kita ko rin sa mukha niya na ang lungkot na dinadamdam niya.

"T-this love is good, this love is bad

T-this love is alive back from the dead

T-these hands had to let it go free

A-and this love came back to me."

Napalunok ako ng biglang tumulo ang mga luha sa gilid ng mata ni Honey. Pero habang tinititigan ko siya ay bigla siyang dumilat at umupo ng maayos.

"Hoy! ikaw kurimaw. I love you!."

Nakangiting sabi nito ngunit hindi ko napansin na umiiyak na rin pala ako. Nilapitan ko siya at pinusanasan ko ang kanyang mga mukha. Inilapit ko ang mukha ko at saka huminga ng malalim.

"I love you more Honey." after that unti-unti kong nilapat ang aking mga labi sa kanya at hinalikan siya.

Napapikit ako. Umabot 'to ng ilang segundo at pagbukas ko ng aking mga mata, napansin kong nakatulog na pala siya.

"I love you." dagdag ko pa at hinalikan ang kanyang noo saka inayos ang pagkakaupo niya.

Kahit ngayon lang. Paniniwalain ko ang isip ko na hindi ka galit sakin. Paniniwalain ko ang sarili ko na maayos ang lahat. Paniniwalain ko ang puso ko na mahal na mahal mo ako

Tahimik akong nagdrive at nung makarating kami sa bahay nila ay hinayaan ko muna siyang magtagal dito at hindi binalak gisingin.

~~~~~

Kanina pa natutulog dito si Honey. Kanina pa rin ako nakapark sa tapat ng bahay nila pero para bang nawawalan ako ng lakas ng loob na buhatin siya palabas ng kotse ko dahil gusto ko lang siya titigan magdamag.

Ruthless GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon