Chapter 54

753 23 0
                                    

Chapter 54

Lux

"

B-bessy, akala ko ba mahal niya ako. B-bakit umalis siya." napayakap na lamang sakin si Ange habang patuloy na dumadaloy ang mga luha sa pisngi ko. 

"Shhhh tahan na." sabi niya habang hinihimas himas ang aking likod. 

"Lux, uminom ka muna ng tubig." napaulnok na lang ako ng iniabot sakin ni Tay ang isang baso ng tubig. 

Kanina pa ako iyak ng iyak at ang sakit na ng mata ko. Dahil pagkabasa na pagkabasa ko ng mga huling kataga sa notebook ni Darius, hindi na ako makapagsalita at makagalaw ng maayos.

Saktong dumating sina Ange at Tay dito sa bahay at kinuwento sakin ang lahat. Wala na talaga sinukuan na ako ni Darius. Ang tanga tanga ko!. Nakakainis! ang bobo bobo bobo ko. Wala akong kwentong. Nakapawalang-hiya ko. Nang dahil sakin umalis siya. 

"H-hindi ko na kayang mawalay sa kanya. P-please pabalikin natin siya dito." napaluhod na lamang ako sa sahig at napatakip ng aking mukha.

Bakit umalis siya?!. Dahil ba dun sa sinabi ko na gusto kong layuan niya ako?. Akala ko magiging okay na ang lahat pero anu nanaman ang isang 'to?. Hindi ko na talaga kayang kayanin 'to. Ngayon palang na namimiss ko na talaga siya.

"B-bessy no offense ha, pero baka kailangan muna na mag unwind ni Darius dun."

Napaupo na ako habang nakasandal ang aking likod sa kama "b-bakit kailangan sa States pa?! p-pwede naman dito na lang sa Pinas eh!." sumubsob na lang ako sa aking mga tuhod at ipinagpatuloy ang aking pag iyak.

Parang sinaksak ng ilang milyong kutsilyo ang puso ko. 

"Alam kong mahal na mahal ka ni Darius, Lux. I know, babalik yun." napaangat ang aking ulo at tiningnan si Tay. Binigyan niya ako ng isang ngiting may assurance na babalikan nga ako ni Darius.

"Tama siya bessy, babalik yun panigurado." 

Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim. May inabot naman sakin si Tay na isang malaking box na hindi ko na napansin na dala pala nila kanina. 

"Lux, ipinabibigay 'yan ni Darius." 

Tumango ako at kinuha yun. Lumunok muna ako bago ko yun buksan. Pero labis na nanlaki ang mga mata ko ng makita ko dun yung mga notes niya sa school. Nandoon din yung polaroid camera niya. Pati na rin yung mga atm cards at passbook niya isama mo na rin ang mga credit cards. Maski yung susi ng kanyang sasakyan at yung susi ng unti niya nandoon din. Meron ding photo album naming dalawa. Habang tinitingnan ko 'yun hindi ko maiwasan na malungkot ng tuluyan. Puro selfies naming dalawa ni Darius ang mga nakacompile dun. Pati yung phone niya iniwan niya rin. 

May nakita akong envelope doon na para sakin kaya binuksan ko 'yun kaagad. 

'Honey, ikaw na muna ang mag alaga sa unit ko ah? habang wala ako dito dun ka na muna tumuloy kapag may emergency at hindi ka makauwi sa bahay niyo kapag malakas ang ulan. Alam mo naman bahain dun sa dinadaanan mo. Pag-late ka na rin umuwi galing school or kung saan ka man nagpunta, dun ka na dumiretso at magpalipas ng gabi. Baka kung anung mangyari sayo sa labas. Ayokong mabalitaan na narape ka o kung anung masamang nangyari sayo.'

'Yung susi ng kotse ko, ikaw na muna ang pansalamantalang gumamit. Pag aralan mo kung paano magdrive para kapag may pupuntahan ka mabilis mong mararating ang lugar na pupuntahan mo. Wala ka pang hassle, pero 'wag kang papahuli sa mga traffic enforcers ah, wala kang lisensya.'

Ruthless GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon