Chapter 47

576 23 0
                                    

Chapter 47

Lux

After kong mag walk-out sa bistro. Umupo lang ako sa isang bleacher na malapit dun. Habang nakatungo ako, patuloy ko pa rin na iniisip kung bakit ganun ang dinanas naming dalawa.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko magawang magtanim ng galit sa kanya. Despite ng mga nabasa ko sa pulang notebook niya. Nag aalinlangan ang puso't isipan ko. Hindi ko na alam kung sino ang susundin ko sa dalawa. Ang sinasabi ba ng utak ko? o ang isinisigaw ng puso ko?. Sa sobrang frustration na nararamdam ko. Muling nangilid ang mga luha ko sa aking mata at napayakap na lang ako sa sarili ko dahil narealize ko na walang sleeves 'tong dress na suot ko.

"Malamig sa labas. Baka magkasipon ka. Dapat hindi ka tumatambay dito."

Kilala ko ang malamig niyang boses. Kay Winter, kaya agad akong napatingin sa kanya. Nakangiti 'to at tumabi sakin.

"W-winter?. A-anung ginagawa mo ng ganitong oras dito?." tanong ko pero nagulat ako ng bigla niyang tinanggal ang kanyang suot na jacket at ipinatong sa mga balikat ko "s-salamat." nakangiting sambit ko.

He smiled back "after mo kasing kumanta kanina. Bigla kang umalis. Kaya nag ikot-ikot na muna ako baka sakaling makita kita. At hindi nga ako nagkakamali na nandito ka."

"H-hindi mo naman na kailangan sundan ako. Tsaka baka mamaya may makakita sating dalawa. Makarating pa sa girlfriend mo.

"Psychotic girlfriend. Para siyang si Taylor Swift, baliw na baliw sa pag ibig."

Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya kaya sinuntok ko ang braso niya "what was that for?." sabi nito habang hinihimas yung braso niya sa sinapak ko.

"Hoy! hindi pyscho si Taylor no!. Yung girlfriend mo lang ang psychotic hindi yung idol ko che!."

Nagulat ako ng bigla niya akong tawanan "Yeah yeah. At least ngayon nakita na kitang nakangiti. Hindi katulad kanina na halos paglamayan mo na si Blank Space kanina."

"At talagang hindi mo binanggit ang pangalan niya hah?. Tsaka bakit nga ba ako nakikipag usap sayo. Diba enemies na tayong dalawa. Matapos mo akong paasahin?." sabi ko at nagkunyaring nakabusangot.

Pero on the second thought, nagpapasalamat din ako dahil kung naging kami ni Winter, baka magsisi ako sa huli na si Darius pala talaga ang mahal ko. At sa dulo ng love story namin ni Winter baka hiwalayan ko lang siya.

"I-im sorry for that day Lux."

"N-no need to sorry Winter. You're forgiven. Nagalit lang naman ako nun dahil nagulat lang ako pero kinaumagahan narealize ko na hindi pala talaga kita mahal. AT may ibang nilalaman 'tong puso ko." nakangiting sabi ko.

Napansin ko naman na medyo kumunot ang noo niya at napangiti ng mapakla "yeah, what if nagkahiwalay kami ni Red ulit. May pag asa pa ba ako?."

Tumitig ako sa kanya bago sagutin ang katagang tinanong niya. Nag isip na muna ako ng mabuti. What if ganun nga ang nangyari? babalikan ko pa kaya siya?.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang mga kamay niya "Ewan, hayaan na lang natin na ang tadhana ang maglapit ulit ng landas natin. Pero kung hindi nag work ang relationship natin kung sakali man. I think hindi tayo ang para sa isa't isa. Hindi ako ang babaeng para sayo. And you're not the right guy for me."

"Naiintindihan ko. Lux would you mind if I explain my side?."

Ngumiti ako at umupo ng maayos "yes sure. Handa na akong makikig. Actually nga, gusto kong pumuslit sa mga trainings mo sa swimming club eh. Kaso masyado kang busy sa university dahil alam mo naman ikaw ng president dun. Matagal na kitang gustong makausap at marinig ang explanations mo."

Ruthless GameWhere stories live. Discover now