Chapter 48

608 20 0
                                    

Chapter 48

Lux

"Jake Adams from BS-Psychology, the 13th time Holy Ground Award winner."

The host said then lumabas na si Kuya Jake from the backstage. God! napaka hunk niya. Napaka boyish ng aura niya sa suot niyang black tuxedo na may white long sleeves sa loob. Naka unbuttoned pa yung dalawang butones sa taas nito kaya medyo nakikita ang V-line niya. God! nagsimula nang magtilian lalong lalo na si Irold na rinig na rinig ko hanggang sa kinauupuan ko kahit medyo malayo ang upuan niya samin.

"I remember when I won this award, years ago. I don't know how to react. I don't know what I'm going to do. I don't know why is my feeling is like that. So here are the nominees for the vocalist of the year."

Angel Smith - One Last Time

Ella Grandine- 13 Shades

Maggie Perry- That Bass

Lily Anderson- Flicker Beat

Luxanna Rodriguez- Red Starlight

Hinawakan ni Kuya Ronan ang aking kaliwang kamay. Siya ang date ko ngayon. I mean siya ang escort ko. Nag hesitate pa nga ako na kunin siya dahil baka hindi niya kayanin na pumunta dito dahil sa condition niya. But I was wrong, mabuting mabuti 'to simula ng malaman niya na pwede na siyang operahan sa susunod na araw.

Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Napalunok ako. Tense na tense ako sa mga nangyayari ngayon. Buti na lang at nagsimula na ang awardings kanina. And we won the People Choice Award, Song of the Year, and I won the Performer of the Year.

Kahapon, nangyari ang pinakahinihintay namin. Isang kaganapan na pinaghirapan namin. Nakapag perform na kasi kami kagabi.

"And the Holy Ground Award for the Vocalist of the Year goes to ...

Luxanna Rodriguez."

Halos manlaki ang mga mata ko sa announcement. Hindi ko alam kung anung feeling ang nararamdaman ko. Sobrang saya dahil this is my 12th Holy Ground Award!.

"This is her 12th Holy Ground Award and the 4th Award from Music Category."

Dito kasi sa uinversity namin. Ang Holy Ground Awards ang hinihintay every year. Meron 'tong apat na category: Academic, Music, Sports and Drama. And I won the most of my HG Awards (I think it's 8 HG Awards already) ay galing sa Academic Category. Kaya meron na akong 12 dahil nanalo ako ngayong gabi ng apat hehe. Sana pati yung Band of the Year ay makuha namin.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Tumayo rin sina Kuya Ronan, Ange, Tay at Megan pati na rin si Cloud na kasama namin dito sa row na 'to. Isa isa ko silang niyakap at kinaha ni Kuya Ronan ang dala dala kong purse.

Nagsimula na akong maglakad na para akong nagmomodel. Aba syempre dapat confident ako dahil nanalo ako. Huehue, nang mapadaan ako sa gawi ni Irold, he mouthed 'Congratulations' kaya tumango tango ako dito. Rinig na rinig ko rin ang hiyawan ng mga fans ko?. Yes! may mga supporters na kami ngayon. Sinisigaw lang nila ang pangalan ko kaya hindi makandamayaw ang nararamdaman ko.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa stage at nakita ko si Darius na nakatingin sakin. Napangiti na lang ako ang mapakla. Pero ang nakakagulat pa dito ay unti unti siyang lumapit sakin.

Parang huminto ang oras ng makita ko siyang papalapit. Parang huminto ang mundo at tanging siya lang ang nakikita ko ngayon.

He offered me his hand at tinanggap ko naman 'to. May nagsasabing parte sa utak ko na 'wag tanggapin pero anu 'tong ginagawa ko?. Pero may parte ng utak ko na gustong gusto ko nang hindi bitawan ang kamay niya. Namiss kong hawakan ang kamay niya. Napakalambot pa din nito at napaka init pa din. Para akong nakukuryente ulit.

Ruthless GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon