CHAPTER 10

18 2 0
                                    

PAGPASOK ni Trane sa loob ng playroom nang anak ay agad itong natigilan dahil sa nakita. Isang ngiti ang namutawi sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang dalawa. Kung ito ang lagi niyang makikita ay gugustuhin na lamang niyang manatili dito kasama ang mga ito. Hindi niya inaasahan na magiging ganito ulit kasaya ang anak niya.

Nakahiga si Trank sa braso ni Maeve habang nakatagilid naman ang babae at yakap ang anak niya. Mukhang komportable ang anak niya sa puwesto nito. I shook my head and walked towards their direction. I slightly bow my head and kneel down my knees. I kissed my son's forehead and look at Maeve. Natigilan pa ako nang makita ang marahan niyang paggalaw hanggang sa unti-unting pagmulat ng kanyang mga mata. As she opened her eyes ay muling nagtagpo ang kanilang mga mata. Nagulat pa ito ng makita siyang nakatitig dito.

"Did I woke you up? I'm sorry..." malambing niyang wika dito.

Humupa na ang inis na naramdaman niya nang makita ito kasama ang anak niya. Mapailing siya nang maalala ang ginawa nitong pagsama sa pinsan niya. Muling tumalim ang tingin niya ngunit nang balingan niya ang dalaga ay nakataas na ang kilay nito.

Hindi ba't siya dapat ang nagagalit? Paano kung nalaman ng anak niya ang pagsama nito sa ibang lalaki? He doesn't want to see his son being hurt again. He would do everything to make him happy. Kung kinakailangan niyang itago o patigilin ang dalaga sa pagtatrabaho para hindi makitang magkasama sila ng pinsan niya ay gagawin niya.

"Why are you here? Why are you looking at-" Trane shook his head to keep her silent. He glance at his son before looking at her again.

"Thank you!" Hindi niya maiwasang pasalamatan ang dalaga. Hindi siya sanay magsabi no'n ngunit masyado siyang nalulugod sa nakikitang saya sa mukha ng kanyang anak. "Can I asked a favor again? Alam kong sobra-sobra na pero para ito sa anak ko."

Nakita niyang natigilan ito bago tumingin sa anak niya. Nang tumango ito ay napangiti siya. Sa tingin niya ay unti-unti ng nakukuha ng anak niya ang loob nito. Pakiramdam niya si Trank din ang magiging kahinaan nito kapag lalo pang nagkagaanan ng loob ang dalawa.

"Can we transfer him to his room? Baka mangalay siya." Hinaplos nito ang buhok ng kanyang anak na lalo sumiksik pa rito.

Tumango siya at dahan-dahang kinuha ang anak niya. Sabay silang nagtungo sa kwarto ni Trank. Trane slowly put his son to his bed, sinigurado nilang maayos ito bago lumabas at nagtungo sa kwarto nila. They're both silent. Naghihintay na may magsalita sa kanila.

Tinungo ni Maeve ang kama at doon umupo. Kinakabahan siya. Naupo din si Trane sa kanyang tabi kung kaya napapakislop siyang napalayo ng bahagya dito. Napansin iyon ng binata kaya tinaasan siya nito ng kilay na naging dahilan para mapalunok siya.

"Come closer."

Napaangat siya ng tingin dito. Anong sinasabi nito? "Huh?"

"Come closer. Here." Tinapik nito ang espasiyo sa tabi nito.

Nakangusong umusog si Maeve roon. Mukhang nainip na ito kung kaya hinawakan siya nito sa magkabilang hita at hinila siya patungo sa tabi nito. Paharap tuloy siyang nakaupo ngayon dito. Nang magtama ang kanilang mga mata ay napasinghap si Maeve. Agad siyang umiwas na kinainis ng lalaking kanyang kaharap.

"Okay na 'to. A-Anong favor ba ang sinasabi mo kanina?" she asked.

"Are you mad at me? Or you doesn't want to talk to me?"

Mabilis na napalingon si Maeve dito. Nang magtama muli ang kanilang paningin ay doon niya nakita ang mataman at malambing na titig nito. Akmang iiwas siyang muli ng tingin nang hawakan nito ang magkabilang niyang pisngi upang panatilihin ang paningin dito. Napanguso siya ngunit agad na napalunok nang makita ang pagbaba ng paningin nito sa kanyang labi.

CEO Unexpected Heartbeat (ONHOLD)Where stories live. Discover now