CHAPTER 4

63 7 0
                                    

NAPASIMANGOT si Maeve , ayaw niyang imulat ang mga mata. She think going here is not a good idea. It's a fucking bar, of course its really not a good idea. Maraming adik dito. Ayaw niyang masira ang gabing ito ni Kayah dahil lang sa kanila.

“Tsk! Sorry, but we can't. May hinihintay kami,” masungit na usal ni Helena.

“Masyadong pakipot, pare!” baling ng lalaki sa kasama. “Sige na, miss. Pasasayahin naman namin ang gabi niyo. Hindi kayo magsisisi.”

Lalo niyang ipinikit ang mga mata. This what she was saying, they're in a big trouble. Bakit ba kasi mapilit ang lalaking ito? Sinabi na ngang ayaw nila, eh. Kapag siya nainis dudugo ang ilong nito. Hindi siya magbibiro, she can make his nose bleed just for a seconds.

Nag-aral siya ng combat when she's in college kahit papaano ay may alam pa din siya. Nandoon pa din naman ang mga natutunan niya.

“Hindi ka ba nakakaintindi? May hinihintay  nga kami. Tagalog na iyan pero hindi niyo pa rin naiintindihan? Do we need to translate it in another language?” Hindi maiwasang magtaas ni Kayah ng boses sa mga ito, nahihimigan nila ang inis sa boses nito. Lumalabas na naman ang pagka-warfreak nilang dalawa ni Helena.

“Aba! Alam naman naming gusto—" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil may sumingit dito.

“Back off! One more word from you and you will just see your body laying here surrounded by your own blood.” Isang baritonong boses ang narinig niya dahilan ng pagmulat ng mga mata niya.

Nagtagpo ang mga mata nilang dalawa at nakita niya kung paanong naglakbay ang paningin nito sa kabuuan niya. Nangunot ang noo nito. Napalunok tuloy siya at napaiwas ng tingin.

Nakita niyang may kasama itong isang lalaki na ngayo'y nakangisi habang nakatingin sa hawak ni Trane. Why her boss is here?  And why he's holding... is that a gun? Nanlaki ang mga mata niya.

Hindi na nagsalita ang tatlong lalaki, mabilis ang mga itong umalis sa harap nila. Pinipigilan niya ang sariling huwag muling lumingon kay Trane. Hindi siya makapaniwalang narito ito. He cancel his meetings because of this? May kikitain ba ito or Helena invite them? Nanlaki ang mga mata niya ng may mapagtanto. Sila ang hinihintay nila?

“Tsk! Wear this.” Napataas ang kilay niya ng ibigay nito sa kanya ang jacket nito.

“Bakit? Anong gagawin ko dito?”

Hindi makapaniwalang tinitigan siya nito bago bumaba sa damit niya ang paningin. “Can you see your clothes? Nakikita ang hita mo sa sobrang iksi niyang damit mo and your belly... Tsk! Just wear my jacket, Maeve.”

Ano bang problema nito? Wala siya sa trabaho ngayon kaya wala itong pakialam sa susuotin niya. Wala din naman itong karapatan na sitahin siya. Oo nga't hindi siya komportable sa damit niya kanina ngunit bakit siya nakiki-react din?

Tsk! Maeve already decided to move on but here he is trying to muddle with her heart and mind again. How can she get over with him? Tumingin siya sa dalawang kaibigan na pilit iniiwas ang paningin sa kanya. Sila ang nagpapunta. Hindi niya na din nakita ang lalaking kasama nito.

Ibinalik niya ang jacket rito. “I don't need that, boss.”

Lalong dumilim ang mukha nito. Nang tingnan ay nakatiim na ang bagang nito at mariin ang tinging ibinibigay sa kanya. Kahit ganoon ay lalo itong naging gwapo sa paningin niya.

Shit, her heart beat suddenly raced fast. Parang iyon na lang ang naririnig niya. Ni hindi na niya naririnig ang malakas na musika dahil nag-uumapaw ang lakas ng tibok ng puso niya. This is bad. Really bad.

“Isusuot mo o gusto mong ako pa ang magsusuot sa'yo niyan?” malamig na ani nito.

Natigilan man ay pilit niya iyong hindi ipinakita rito. Tsk! Ano bang problema nito sa damit niya? Kung may problema siya doon, ang pinsan nito ang pagsabihan.

CEO Unexpected Heartbeat (ONHOLD)Where stories live. Discover now