CHAPTER 5

59 8 0
                                    

ANG sinag ng araw na nagmumula sa labas ng beranda ang siyang nagpamulat sa mga mata ni Maeve kinaumagahan. With her blurred vision, she saw the the sunrise on the wide sliding door. It's already morning. Ngunit ilang sandali ay natigilan siya.

Kailan pa siya nagkaroon ng sliding door?

Gumalaw siya ngunit agad na napaigik dahil sa biglaang pagsakit nang pagitan ng kanyang hita. Bagama't naramdaman niya ang mabigat na nakadagan sa kanyang baywang. May pagtataka ang mukhang unti-unti niyang ibinaba ang paningin hanggang sa matuon iyon sa mga brasong nakapulupot sa kanya. Natigilan siya. Ilang sandali ay nanlaki ang mga mata kasabay ng pag echo ng kanyang boses sa apat na sulok ng kwartong iyon.

“AAAHHHH!” Pinalo niya ang brasong nakapulupot sa kanyang katawan.

“What the hell‽” Isang mura at baritonong boses ang narinig niya kaya lalo siyang nagwala.

Suminghot siya kasabay nang pagtulo ng mga luha sa kanyang mata. Inalala niya ang nangyari kagabi ngunit kahit anong gawin niya ay wala siyang maalala. Hindi naman siguro marami ang nainom niya pero bakit wala siyang maalala sa nangyari kagabi? Kumibot ang labi niya at napahikbi. Wala na ang virginity niya. Umupo siya at hinila ang kumot, ibinalot niya iyon sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa oras na iyon. Nawala bigla ang lakas niya para tingnan pa ang lalaki. Nanghihina siya.

“Y-You rape me!" akusa niya at lalo pang napaiyak. Tinakpan niya ang mukha at humagulgol doon.

Isang mura muli ang narinig niya mula rito. Naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya kung kaya napasiksik siya lalo sa kinauupuan. Sa ginawa niyang paggalaw ay muling kumirot ang kanyang pagkababae.

“Awww huhu.”

“Maeve Viorica.” Napakislop siya ng hawakan nito ang balikat niya.

Alam nito ang buong pangalan niya. Umiiyak na tinulak niya ito ngunit masyadong malakas ang istranghero. Hindi man lang natinag sa ginawa niyang pagtulak.

“S-Stay away from me!” histirikal na sigaw niya, pilit pa ring tinutulak at hindi iniangat ang paningin.

"It's me! It's me! Calm down, babe!"

“No.” Umiling siya muli. Parang wala siyang narinig. “You took my virginity! You jerk! I'll sue you!" she cried.

Nang hawakan nito ang kanyang mukha ay bumalatay ang init na nagmumula roon patungo sa buong katawan niya. Pamilyar sa kanya ang init nito.  Itinaas nito ang kanyang mukha kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata para hindi makita ang mukha nito. Basang-basa ang mukha niya ng luha, ni hindi niya iyon magawang punasan dahil sa panghihina. Ang istranghero pa ang nagpunas ng mga iyon. Sobrang rahan at may pag-iingat ang bawat pagdampi ng mga darili nito sa mukha niya na animo'y babasaging bagay iyon na ayaw mabasag.

"Please don't cry, I'm so sorry."

Ngumuso siya at lalong napaiyak. Nilalaan niya ang virginity niya para sa mapapangasawa niya ngunit nawala lamang iyon sa isang iglap. At sa isang hindi kilalang lalaki pa.

“Hey babe, it's me. Look at me, Maeve,” malambing ang boses nito.

Ang boses nito ay pamilyar sa kanya pati na  ang amoy nito. Pero imposibleng ito ang lalaking nagugustuhan niya. Alam niyang hindi papatol ang tulad nito sa isang hamak na sekretarya lang.

“N-No...”

“Babe please, look at me.”

Bakit ba magkaboses silang dalawa? At anong nangyari kagabi? Wala siyang maalala na kahit ano maliban sa iniwan sila nina Helena para sumayaw. Iniwan din ba siya ni Trane doon? If she knew that Trane left her in that bar, magreresign talaga siya. How dare him para iwan nalang siya doon. Ngunit bakit parang ang lapit lamang ng boss niya sa kanya? Ang amoy nito ay nanunuot sa kanyang pang-amoy. Kaya kahit na ayaw niyang imulat ang mga mata ay gusto niyang makasigurado. Gusto niyang malaman kung talagang hindi ito ang binata. Alam naman niyang imposible but she want to make sure.

CEO Unexpected Heartbeat (ONHOLD)Where stories live. Discover now