CHAPTER 9

21 2 0
                                    

HINDI maiwasang magulat ni Maeve nang may biglang sumulpot sa kanyang harapan habang seryosong nagtatrabaho siya. Napaangat siya nang tingin ng maamoy ang pamilyar na amoy ng kung sino.

"What are you doing here, Gene?" Tumaas pa ang kilay ni Maeve nang makita ang hawak nitong isang tangkay ng rosas. "Bridjette is not here."

Gene Phillip Alentajan, he's the Chief Executive Officer. Pinsan ito ni Trane na kakauwi lang two months ago galing America. He can also speak and understand tagalog. Nasa Marketing Department ang opisina nito. Si Trane ang naglagay dito doon at hindi nila alam kung anong dahilan samantalang may isang kwarto naman doon malapit sa opisina ni Trane na hindi naman ginagamit. Doon sana ang opisina ni Gene ngunit bigla-bigla nagbago ang desisyon ng boss niya.

Gene was very close to Bridjette, one of the employee here. Schoolmate ang dalawa. Doon din nag-aral sa America si Bridjette kaya sila nagkakilala. Naging ka-close lang naman ni Maeve si Gene dahil pinakilala ito ni Bridjette sa kanya. Maeve know that Bridjette has a crush on him pero nagtataka siya kung bakit tinutulungan nito si Gene na makipaglapit sa kanya.

"I know. Pero hindi naman siya ang pinunta ko dito." Ngumiti ito sa kanya kaya nginiwian niya. Nang ibigay nito ang isang tangkay ng bulaklak sa kanya ay natigilan siya.

Umamin si Gene sa kanya na gusto siya nito ngunit sinabi niyang hindi pa siya ready sa mga gano'n. At may iba na siyang nagugustuhan. But he still pursuing her. Sinabi nitong kaya nitong maghintay sa kanya kahit gaano pa katagal.

"What's this? Gene, I told you-"

"Did you eat already? Can we eat lunch together?" pagputol nito sa sasabihin niya.

Bumuntonghininga si Maeve. Bago pa siya makapagsalita ay may nauna nang magsalita sa kanya.

"She won't come with you. May pupuntahan kami," Trane voice echoed on their ears. Sabay silang napalingon ni Gene doon.

"Cousin..."

Tiningnan ito ni Trane at sinamaan ng tingin. "Bumalik ka nga doon sa lungga mo! Stop hitting my property." Nang balingan naman siya nito ay napaayos siya ng upo. "I want my coffee. Faster!"

Mabilis namang napatayo si Maeve at sinunod ang sinabi nito. Hindi na rin siya nakapagpaalam kay Gene ngunit narinig niya ang sinabi nito. Mapailing na lamang siya sa kakulitan ng binata.

"I will come to you later, Maeve. Let's eat together, okay?" Lilingunin na niya ulit ito nang marinig ang galit na sigaw ni Trane.

"Maeve, faster!" Tarantang binilisan niya ang kanyang pagkilos. Halos murahin na niya ang Trane sa isip niya. Ano bang problema nito? Ayos naman sila kanina patungo sa opisina.

Pagkatapos magtimpla ay dinala niya iyon sa binata. Hindi na siya kumatok pa. Derederetso siyang pumasok sa loob at nakita niya itong may katawagan sa cellphone. Maeve saw how a smile plastered on his lips. Kumunot ang noo niya. Sino ang kausap nito para ngumiti ito ng ganoon?

Nilapag niya kape sa harap nito kaya napaangat ito ng tingin sa kanya. Bago pa nito siya mapigilan ay masiring na tinalikuran ito ni Maeve saka lumabas ng opisina nito. Hindi maipinta ang kanyang mukha habang nagtatrabaho siya. Buong oras ng kanyang trabaho ay iniisip niya ang dahilan ng pagngiting iyon ng binata.

Nakakainis! Sino ba kasi iyon? How dare she! Pero ano bang karapatan kong magalit dito? Sino ba naman ako, tsk!

"Maeve!" It's Gene again.

Sumimangot siya. Nang muling bumukas ang pinto ng opisina ni Trane ay mabilis siyang tumayo at hinila na si Gene patungo sa cafeteria ng kompanya. Marami-raming empleyado na ang naroon. Lunch na kasi kaya gano'n.

CEO Unexpected Heartbeat (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon