Chapter Thirteen

245 12 2
                                    



FRANCHESKA was sitting uncomfortably inside the coffee shop while Francis was just staring at her. Sabi nito ay may pag-uusapan sila pero hindi pa rin nagsasalita si Francis hanggang ngayon. She was not at ease knowing that Francis came here just to talk to her. Hindi niya alam kung dapat niya bang paniwalaan iyon dahil medyo hindi na niya kayang magtiwala pa sa ngayon matapos nang malaman niya ang kinalaman ni Francis sa plano ng abuela nito at ng mommy niya.

"I am here to talk Francheska," panimula ni Asis, Nagtaas siya ng tingin sa binata. Seryoso lamang itong nakamasid sa kanya.

"You don't have to do that," sagot niya at bumuga ng isang malalim na buntong-hininga. "Ako ang kailangan kumausap sa mommy ko."

Francis knotted his forehead. "B-But I still wanted to apologize, Cheska." Madamdaming sagot ng binata sa kanya.

Hindi tama. "No, what we had was just temporary."

Bakas sa mukha ni Francis ang pagkabigla. He was surprised but she just said. There was a fire in his eyes, Nakaramdam siya ng takot pero kailangan niyang panindigan ang sinabi niya. She wanted to make sure that she'll leave her alone after this conversation. Ayaw na niyang magkaroon pa ng kahit na anong ugnayan kay Francis o sa pamilya nito. Nasaktan na siya nito noon. Nasaktan siya ngayon. Paano niya pa mapagkakatiwalaan ang binata?

"What do you mean?" his growling voice was making her feel scared even more.

"H-Hindi mo ako gusto," she gulped hard and met his gaze. "H-hindi mo ako gusto. We are just stuck in that resort and I just enjoyed your company. Iyon lang ang ang mayroon tayo. It is far from love because love is such a big word,"mahabang litaniya niya. Abot-abot ang hininga niya at mabilis na nag-iwas ng tingin kay Francis. She couldn't look at him straightly in the eyes. Masyadong nalulubog ang puso niya dahil sa binata.

"How did you even know what I feel?"

Nanlaki ang mga mata niya nang magsalita ito. "I-I just know, Francis. Kaonting panahon lang tayong nagsama. Hindi ka pwedeng-"

"Damn it!" he hissed. Napasinghap ako. Napatingin sa gawi nila ang iilan sa mga customer ng naturang coffee shop na pinasukan nila.

"You know nothing about what I feel, Francheska Allysa," he said gritting his teeth. Nakatiim ang bagang nito habang matalim na nakatitig sa kanya. "Wala kang alam."

Nagsimulang manubig ang mga mata ni Cheska at pinakatitigan si Francis. She seemed not to care if Francis could see her tears. Hindi madali para sa kanya ang gawin ito. They were never in a relationship. Inaamin niya sa sarili niya na naging marupok siya at hinayaan ang sarili na isuko at mahalin si Francis muli. She saw him-the best in him. Iyong akala ng iba na masungit at walang pakialam na Francis Adriences Adler ay hindi siya iyon. He was something more-something unique and unforgettable.

"I-I just don't know what to do," she sighed heavily. "Pakiramdam ko ay pinaglaruan ako. You could have told me that you followed me on that resort because of your abuela's order. Hinayaan mo nalang sana akong mag-isa sa isla, Asis."

"But I was not doing that for abuela, baby..." masuyong wika ni Francis sa kanya. His reaction was suddenly changed when he saw her starting to tear up. Pinunasan nito ang mga luha na kumawala galing sa mga mata niya.

"J-Just let me go," pahikbi niyang wika. Yumuko siya at doon ibinuhos ang lahat ng sakit at bigat na nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang maging patas para sa sarili niya. They had their past. Nasaktan na siya nito. "Hindi ko kayang buksan ang puso ko sa'yo."

Gustuhin man niyang sumugal ay hindi pwede. Natatakot siya.

"Is that what you really want?" tanong nito sa kanya. Tumango siya bilang sagot. "Just tell me if this is what you really want, Francheska."

Napalabi siya.

"Look me in the eyes," ma-awtoridad na utos nito sa kanya. Dahan-dahan na nagtaas ng mukha si Francheska at sinalubong ang mga mata ni Francis na malamig na nakatuon sa kanya.

"Tell me," utos nito.

Naikuyom ni Francheska ang kanyang kamao na nasa ilalim ng mesa para pigilan ang mga luha na nagbabadya na namang bumulwak ng ano mang oras. Titig pa lang ni Francis ay natutunaw na siya. Bumuntong-hininga siya. "Let me go. Let me by myself this time and don't ever bother me, Francis ." Mahina niyang usal.

They just stared at each other. Si Francis ang unang nag-iwas ng tingin. He shrugged her shoulder, trying to be cool. "Maybe I am just assuming," he heaved a sigh. "Akala ko gusto mong subukan muli sa akin pero hindi pala. I just assumed thing and just jump right away without even thinking. Mali ako," anang Francis. Tumayo ito at dumukot ng pera sa wallet nito at ipinatong sa mesa. He didn't look at her. He just walked away.

Doon nadurog ang puso ni Francheska. She knew that this would be the last time that she'll see Francis. Tapos na ang lahat. Tinapos na niya ang pantasya niya sa binata.

She fell in love with him when he shown himself to her. Wala itong pag-alinlangan sa lahat. Malimit lang itong ngumiti pero maraming beses niyang nahuhuli si Francis na ngumingiti kapag nakatingin sa kanya. She sobbed and sighed. Iyon lang ang magagawa niya ngayon. Kinuha niya ang tissue na nasa table at pinunasan ang mga luha niya.

"If you don't love me, why are you crying so hard, baby?" tinig ni Francis ang kanyang narinig ni Francheska. Mabilis siyang nagtaas ng tingin at laking gulat niya nang makita na nasa harapan na niya si Francis.

"A-Asis..."

"You love me and it is the fact. I can see it in your eyes, Francheska."

Hindi siya nakapagsalita. Nagbunyi ang puso niya nang makita ang binata. "Ano-" naging mailap ang kanyang mga mata. She was still wiping her tears.

Parang alam na niya ang nangyari at alam niyang nakita ni Francis ang todong paghikbi niya nang umalis ito. "I missed you, Francheska, but I will give you the chance to talk to your mother and be with yourself for a while. I will also talk to my abuela. Hindi ako papayag sa kung ano pang mga pakulo niya. I will be have you in my arms soon. I will claim you and bring you back to the isla," Anang Francis sa kanya.

Napatitig siya sa mga labi ni Francis. She bit her lower lip.

Narinig na naman niya ang malalim na pagbuntong-hininga ni Francis. "Now, I should have a kiss before I leave," anito at walang abog na sinakop ang kanyang labi para sa isang mapusok na halik.

He was kissing her passionately. She didn't do anything to stop him. She even pulled him closer and snaked her arms around his neck. This is heaven-temporary heaven for her.

Adler's Legacy #2: Hearts Don't LieWhere stories live. Discover now