Chapter Three

279 15 1
                                    

NAPANGISI si Francis habang nasa biyahe pabalik sa site kung saan ginaganap ang renovation ng Lalaine's coffee shop. Sarado na muna ang ang establishment dahil ngayon sila magsisimula sa renovation nito. The owner wanted the shop to be a two-storey establishments. Natapos na niya ang plano at ganoon na rin ang mga kailangan niyang gawin.

Maaga siyang nagising dahil naisipan niyang magluto. He cooked tapsilog for his breakfast. Pero hind inaman talaga iyon ang plano niya kung bakit nagising siya nang maaga. He was planning to cook for Francheska. Malaki talaga ang naging atraso niya sa dalaga. Kung para sa kanya ay wala lamang iyo pero para kay Francheska ay napakalaking bagay ng mga nangyari noon. Francis regretted everything. Wala naman kasi siya magawa dahil sobra na siyang nakukulitan kay Francheska.

He was also facing a family issue at that moment. He was really boombared with a lot of problems before.

He called Lalaine and asked for Francheska's details. Marami pa 'ngang naging katanungan si Lalaine sa kanya bago nito tuluyang ibigay ang address kung saan nagtatrabaho si Francheska. Nabanggit din ni Lalaine na Operations Manager si Francheska sa isang BPO company. She was really a hardworking person.

Muli ay napailing si Francis nang maalala niya ang naging pag-uusap nila ni Francheska. He was not used to get that cold treatment from Francheska. She used to be warm and sweet towards him. Nagbago na talaga ang dalaga. May bahid pa rin ng galit ang tono nito tuwing nakikipag-usap sa kanya. Hindi rin naman niya masisisi ang dalaga.

Nang makarating siya ng site ay agad siyang sinalubong ni Lalaine. Nakangiti ito habang papalapit sa kanya.

"Kumusta, Engineer? Naibigay mo ba iyong niluto mo para sa kanya?" tanong ni Lalaine kay Francis. Sinabi niya ang balak niya kay Lalaine. Ayaw kasi nito maniwala na magkakilala sila ni Francheska.

"Oo, tinanggap naman niya pero masungit pa 'rin." aniya.

"Ganoon talaga kapag ni-reject ng crush noon," natatawang saad ni Lalaine sa kanya. "Kung naging kayo siguro noon baka may anak na kayo ngayon, Engineer."

Napailing siya. "Baka 'nga."

Nabigla naman siya sa naging tugon niya sa sinabi ni Lalaine. Hindi na muling nagsalita ang huli. Nagpaalam na muna ito dahil aasikasuhin daw para sa venue daw ng Christmas party nila.

"Engineer, punta ka sa Christmas party kapag may venue na. I will also invite Cheska to come."

"Sure, Lalaine. Just let me know when."

The day passed so quickly. Naging abala si sa renovation ng coffee shop ni Lalaine. Christmas was fast approaching. Hindi niya alam kung makakauwi ba siya sa kanila. Nagsabi rin kasi ang Mama niya na baka puntahan siya nito sa Pasko. Namimiss na rin niya ang Mama niya pero sanay na rin naman siya sa set-up nilang mag-iina dahil minsan kasi ay nasa ibang lugar talaga siya dahil sa trabaho niya. His mother was really understanding and kind. Ang abuela naman niya ang total opposite. Palagi na siyang inuungot ng abuela niya tungkol sa pag-aasawa. His cousin Shien already announced his engagement to his girlfriend. Hindi siya nakarating sa engagement party nito dahil nasa Cebu siya. Si Ruche naman ay tinawagan siya para makibalita tungkol kay Francheska.

Speaking of Francheska, hindi na niya nakita ulit ang dalaga. Naging abala rin kasi siya. The last time he saw her was last week. Gusto niya sanang puntahan ulit ito sa opisina nito pero baka abala si Francheska at maistorbo niya lang.

Ngayon ang Christmas party ng mga staff ni Lalaine. Inimbitahan siya nito at dahil wala rin naman siyang gagawin ay pupunta na lamang siya.

He looked at the time. It is already past three o'clock. Mamayang five pm pa naman ang party. Napili ni Lalaine na venue ang isang hotel. Natanggap niya ang invitation kahapon. Ayaw niya sanang pumunta pero wala naman siyang gagawin ngayon kaya pupunta na lamang siya.

Adler's Legacy #2: Hearts Don't Lieحيث تعيش القصص. اكتشف الآن