Chapter Nine

228 11 0
                                    


"KUMAIN ka pa," anang Francis sa kanya habang nilalagyan siya ng ulam sa kanyang plato. Nakasimangot siya habang sinasamaan ng tingin si Francis. Pumunta nga siya ng isla para makapag-isip ng maayos at para mawala sa mga mata niya si Francis pero hindi pa rin siya nakaligtas sa galamay nito.

"What do you really want from me, Francis?" she asked him.

Ibinaba ni Francis ang mga kubyertos na hawak nito at pinakatitigan siya nang matiim. "I don't know, Francheska."

"Why do you have to follow me?"

"I didn't follow you here."

"They why are you here?" hindi niya napigilang na pagtaasan niya ng boses si Francis. She was really trying her best to avoid him in all possible ways. Pero pinapahirapan pa siya ng mokong nato.

"I want to relax, Francheska." anang Francis.

Sinimangutan niya lamang ang binata. "Bahala ka sa buhay mo, Francis!" aniya.

Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa kanyang pagkain. Muli ay nilagyan siya ng mga ulam ni Francis. Masarap ang mga pagkain na hinanda ng mga tauhan ni Francis. Her heart softened. Hinayaan niya nalang ang sarili niya na makaramdam Hindi magiging matiwasay ang pananatili niya sa isla kung palagi siyang naiinis kay Francis. Gusto niyang pakalmahin muna ang kanyang sarili.

She just sighed and looked at Francis again. "We will have a truce," aniya.

"Truce... Hmm..."

"It is not a bad idea, Asis."

"So, what do you offer?"

Sumandal si Francis sa sariling upuan nito habang nakatingin nang matiim sa kanya. Hindi siya nagpatinag. Sinalubong niya ang mga mata ni Asis. Nalulubog talaga siya sa mga titig ng lalaking 'to pero ayaw niya rin naman na magpatinag. Gusto niyang ipakita sa binata na wala ng epekto sa kanya ang mga titig nito.

"Gusto kong maging mapayapa ang panantili ko rito. H'wag na muna tayong magbangayan," aniya habang hindi pa rin inaalis ang kanyang mga mata kay Francis.

"I also want to stay here in peace, Francheska," tugon nito sa kanya.

Tumango siya bilang sagot. "That's good to know."

"What do you want to do after this?"

Nagkibit-balikat si Cheska. "Wala pa akong naiisip. Gusto ko lang muna magpahinga. Pagod din ako sa biyahe."

"Okay, you can sleep, and we'll just wake you up when it's already dinner time."

Tumikwas ang kaliwang kilay ni Cheska dahil sa narinig. "S--Sabay pa rin tayong kakain?"

Parang wala lang na tumango si Francis. "Oo. Gusto kong sabay tayong kumain habang nandito tayo."

"Bakit naman?" nagtatakang tanong niya sa binata.

"I just want it, Francheska. Is there anything wrong?"

"W--Wala naman," napailing siya. "Pero hindi naman siguro kailangan na sabay pa tayong kumain diba?"

"Pag-aawayan pa ba natin 'to?"

Umiling si Francheska bilang sagot. "Hindi na. Nakakapagod na mag-away," aniya bago tuluyang tinapos ang kanyang mga pagkain.

IBINAGSAK ni Francis ang kanyang katawan sa malambot na kama nang makarating na siya sa kanyang kwarto. He was really trying to compose himself while he was in front of Francheska. That woman was making his nerves to shake.

Why even is he acting this way? Does he genuinely want to assist Francheska with their family's plan? He was aware that Francheska would never consent to the planned arranged marriage that their parents were arranging.

Adler's Legacy #2: Hearts Don't LieWhere stories live. Discover now