Chapter 27

438 21 6
                                    

Pagkatapos ang nangyari kanina ay umalis na ako sa bahay ni Seco at nasa labas na ako na walang alam na puntahan. Kanina pa ako palakad-lakad at kanina pa hindi humihinto ang pagtulo ng luha sa mata ko. Hindi ko man pagmamay-ari si Dust pero bakit hindi ko matanggap na mahal niya si Celestine?

Napakatanga ko. Dapat una palang hindi ko na pinatuloy ang nararamdaman ko sa kanya kasi ako lang pala ang masasaktan.

Alas tres na nang hapon hindi parin ako nakakain, hindi ko ininda ang pagkulo ng tyan ko kahit alam kong nagugutom na ako. Wala na akong pakialam sa kung anong mangyayari sakin. Mas mabuti nalang na mamatay nalang ako ngayon kesa sa malaman kong mahal niya parin si Celestine, ang lola ko na kadugo ko. Hindi ko ipagkakait ang pagkakataong iyon, lola ko yun at mahal ng lola ko si Seco, ano ang magagawa ko?

Wala na akong pakialam kung ano man ang mangyayari, mahal ko si Seco at hindi ko ipagkakait ang mundo para sa kanya, kung saan siya masaya, susuportahan ko nalang siya, pero paano naman ako?

Napaupo ako sa bench dito, malayo na pala ang nilakad ko. Siyam na oras na pala ako naglalakad. Napatingin ako sa librong nasa tabi ko.

Oo dinala ko ang librong nakita ko kanina sa bahay nila. Ewan ko rin kung bakit anong pumasok sa isip ko at bitbitin ko ito palabas ng bahay nila.

Napatingin ako sa langit, parang makulimlim na ang kalangitan. Tumayo na ako at mag simulang maglakad ulit ng ma-out of balance ako dahil naapakan ko ang maliit na bato. Dumiretsiyo sa lupa ang buong katawan ko at marahan na napahawak sa ulo ko. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang sakit na parang tumutusok sa ulo ko. Hindi ko magawang buksan ang mata ko. Wala na akong marinig na kahit ano, parang huminto narin ang paghinga ko. Napakasakit ng ulo ko.

Mamatay na kaya ako?

Dumilim ang paningin ko pagkatapos na nang mangyari.





****************************************

Napakadilim. Madilim na kahit buksan ko ang mga mata ko ay wala parin akong makita. Nakaramdam din ako ng kaunting kaba dahil malamig ang hanging tumatapik sa mga balat ko.

Nasaan ba ako?

Napabangon ako ng marahan at unti-unti ko nang naklaklaruhan ang mga sa paligid ko. Agad naman akong napahawak sa ulo ko dahil sa dagliang pagpitik nito na wala sa wisyo.

"Ahh..."

Agad ko namang naalala ang huling nangyari sakin bago ako napunta rito.

"Tskk"

Nawalan pala ako ng malay kanina

Gabi na pala hindi ko na man lang namalayan. Napakasakit ng pagkatumba ko kanina. Napahinto ako sa pag-iisip ko ng mapansin kong bakit pala ako nandito?

Pinagmasdan ko ang paligid, kaya pala malamig dahil kanina pa nakatutok sakin ang electric fan, sinaunang electric fan. Nakakamangha ang ichura nito, nakaka-aliw lang tingnan.

Tss

Napunta ang paningin ko sa disenyo ng bahay. Malapad ang espasyo ng bahay na ito, ang mga kagamitan na nandito ay magara at parang mahal tingnan. Nasa malaking sofa pala ako nakahiga kanina pa, hala?

gago!

eh?

Sinong bahay ito?

Dahan-dahan kong sinuyod ng tingin ang damit ko. May damit paman ako, madumi lang.

tss

"how are you?"

"ay gago——"anas ko ng makarinig ako ng hindi pamilyar na boses.

Pumunta lang sa kanya ang paningin ko dahil nabigla ako sa kanya.

NERD SPARKS Where stories live. Discover now