Chapter 26

375 18 0
                                    

I'm Dust born 1759 and I'm a child of universe. Not ordinary and especially not a human being. I'm nothing but Dust.

Hindi man kapaki-paniwala pero yun ang totoo. Ngayong araw Junyo 10 sa taong 2011 ay tinakdang oras para makita ko ulit ang pinakamamahal ko. Ngayong taon ay 2011 na sa panahon niya pero sa amin ay 1894 na. Bumalik ang oras sa 1894 ngayong gabi. I'm using Seco Sevirein Sparks dahil yun ang pangalan na binigay ng mga taong naging magulang ko. Actually, this is really my plan after I died back then when I was 16, year 1775. Kaya nangako ako sa sarili ko na babalik ako para sa taong mahal ko. Sa tamang oras at panahon. Kaya nung December 16, 1876, birthday ko, ay sinubukan ko, kaya pinanganak ako nung araw na yun sa pangalawang pagkakataon. I was 17 years old in the year 1893, kaya sinubukan kong maglakbay sa hinaharap sa taong 2010, lumalakbay lang naman ako tuwing gabi, and meditation will always be my experimentation since mahilig talaga ako with it comes of speculative things in mind. I'm a child of universe and this ability is indeed a gift. Lahat gagawin mo talaga basta makapiling mo lang ulit ang taong minahal mo nung una at mamahalin mo pa sa huli. Mahal ko talaga siya. 1758 taon kung saan siya pinanganak at nakilala ko siya ulit ng taong 2010. Hindi din ako makapaniwala na pwede talaga mangyari ang rebirth. Dahil naniniwala talaga ako na posible talagang mangyari yun.

Sun is also my other name since yun ang gustong itawag sakin ng mahal ko sa taong 1774. And I'm comfortable with it though cause it suits me well. I'm his sun and she's my moon. My Love.

That story, ang sinabi ko sa kanya tungkol kay Sun and Moon is indeed a fact. I'm Sun who breaks her heart that night near the cliff. I'm so selfish. I was just thinking about my happiness while someone is suffering because I left. I took a deep breath and then I sigh as I remember everything what happened. I don't know how can I able to explain it to her.

I was cleaning my stuffs when I suddenly felt my dog bogart licked my back. Namiss ko din ang aso kong 'to.

Napatingin ako sa kay Lovely, napaka-amo ng kanyang mukha habang natutulog siya. Sobrang na miss ko siya. Marahan kong hinawi ang natitira niyang buhok sa mukha niya habang tinitingnan siya habang natutulog ng mahimbing. Nasaktan ko talaga siya ng sobra ng gabing yun. Pero sana na bumalik na ako ay mapatawad niya ako. Napabuntong hininga ako ng malalim.

Mahigit isang taon din pala akong nawala sa taon ko. 1894 na nang bumalik ako. Sana mapatawad din ako ni Shielah at Shero lalo na sila Mom and Dad. Kahit sila yung naging pangalawa kong pamilya dito sa mundo ay kahit sa sandali lang ay napamahal na ako sa kanila ng todo. Miss ko na lahat ng nandito.

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kay Lovely. Napangiti ako sa kanya. Bukas ko nalang siya kakausapin tungkol sa nangyari. Pero nagdalawang isip parin ako kung sasabihin ko sa kanya kung sino talaga ako. Napahigop ako ng hangin at napunta sa kawalan ang mga paningin ko.


Lovely's POV

Ang huli kong naalala ay nakita ko kung paano lumiwanag ng napakalakas ang shooting star kagabi. Napakasakit din ng ulo ko habang hinihimas ito. Hindi ko pa minumulat ang mga mata ko dahil medyo inaantok pa ako sa nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala na mangyayari kagabi ang nangyari na din sa taong 1893.

Unti-unti ko ng minumulat ang mata ko dahil sa sinag ng araw mula siguro sa labas. Napakasarap din ng dumadaan na hangin sa mga balat ko. Napakasarap ng tulog ko. Nag-unat-unat naman ako pero bago pa ako makatingin sa harap ko ay agad nagsitaas lahat ng mga balahibo ko. Isa isa kong nilunok lahat ng laway ko habang nakatingin sa...

"Aaaaaarffh!"

"BOGART?"

"Aaaaaarffh!"

Hind agad ako nakakilos at hindi ako nakapagsalita. Hindi ako nagmamalik-mata sa nakikita ko. Alam kong si Bogart ito at pagmamay-ari siya ni D-dust...

Ulit akong kinakabahan at napalunok ng laway ko. Parang hindi ko alam kung anong gagawin ko.

NERD SPARKS Where stories live. Discover now