Chapter 10

581 32 0
                                    

"If you believe in that story so I do...always remember whatever happens...Sun will always love Moon"

I was holding my phone looking at the screen. Malapit na mag-isang oras na nakatitig lang ako dito. Hindi ako makapagisip ng diretsyo kung anong gagawin ko ngayong araw. Kanina pa ako nagising pero wala naman akong ibang ginawa. I'm still thinking what he said to me yesterday.

A moment, I decided to get out of my room all the way to the kitchen. Alas singko pa lang ng umaga pero hindi na ako makatulog pa. Kumuha lang ako ng gatas at nagluto lang ng kakainin ko since may natira pa sa binigay ni Dust sakin na grocery.

Matagal ng wala sina mama at papa pero paano ko nabubuhay ang sarili ko? Marangya ang buhay namin. Pero dahil sabay silang kinuha sakin ay lahat ng kung ano meron sila ay pagmamay-ari ko na din. Napunta lahat sakin ng pamana nila. Pero aanhin ko naman ito kung ako nalang mag-isa?

Ayaw ko sanang maging emosyonal ngayong araw pero tuwing naiisip ko yun ay nasasaktan ako. Papunta na ako ngayon sa likod ng bahay para magtapon ng basura. Dito kasi kinukuha ng mga trash van na in-charge sa village namin ang basura kong nilalagay.

Palagi akong naglalaro dito nang bata pa ako pero ngayon minsan nalang o hindi na ako pumupunta dito. Naphinto ako kalaunan sa paglalakad pabalik sa loob ng bahay dahil may napansin ako.

Binaling ko ng kaunti ang paningin ko sa kanang bahagi. Nakaramdam ako ng kaba habang pinagmamasdan ito, lalakad na ako sana nang bigla kong marinig ang tunog ng inapakang kahoy. Agad nagsitaas ang lahat ng balahibo ko dahil dito. Alam kong sa oras na ito ay hindi lang ako nag-iisa ngayon dito.

Hinanda ko lang ang sarili ko pero huli na't hawakan niya ng kanyang kamay ang bibig ko. Napakabilis ng pagtibok ng puso ko ngayon.

Katapusan ko na kaya?

"Love..."

Unti-unting kong naramdaman ang pagkunot ng noo ko, pamilyar sa akin ang boses niya. Unti-unti niya akong hinarap sa kanya at nasilayan ko ang buong mukha niya.

"Dust?"

"Morning?"nakangising aniya.

Tinanguan ko siya.

"I haven't received anything yet..."

Tch

Bumuntong hininga ako.

"G-good m-morning..."

Hindi talaga ako sanay na bumati sa kahit na sinong tao. Ito siguro ang una.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Kanina pa ako kumakatok sa gate pero walang may sumasagot kaya pumunta ako dito at nakita kita..."

"Paano mo nalaman na may ganito dito?"

Hindi naman siya nakapagsalita.

"Baka iniisip mo naman yung sinabi ko na ok lang kahit wag na sabihin kasi may dahilan naman... hindi to excuse so you should tell me, paano mo nalaman na may ganito dito?"

"I've...been here already"

Ha?

"Magnanakaw kaba?" kunot-noong sabi ko. Agad naman siyang na gulat sa sinabi ko.

NERD SPARKS Where stories live. Discover now