Chapter 15

445 23 2
                                    

Agad kaming pinagbuksan ng dalawang guardiya nang makatungtong kami sa harap ng malaking pintuan.

Kanina pa ako na mamangha dahil ngayon lang ako nakapunta sa ganito kalaking bahay. Pagkabukas ng pagkabukas ay sinalubong kami ng mga babaeng nakaputi at itim na dress, katulad sa nakikita niyo sa beauty and the beast. Siguro sila yung mga maids dito dahil pareho lahat ng kanilang damit. Pero kahit katulong lang sila ay magaganda sila.

May isang matandang lalaki ang sumalubong sa amin at doon na napunta lahat ng atensyon ko nang mag salita na si Celestine at Martha.

"Magandang Gabi po ginoong Fuamo..." aniya ng kambal. Agad naman akong napayuko.

"Magandang gabi rin mga binibini..." mayat-maya ay nagsalita ulit siya. "May kasama pala kayo mga binibini? sino naman itong magandang binibini? ngayon ko lang siya nakita"rinig kong tanong ng matandang lalaki na nagngangalang Fuamo siguro.

"Ahh..."

"kaibigan po namin siya"

Hindi parin ako tumitingin kay Fuamo na sinasabi nila. Basta ayoko. Pinagmasdan ko nalang ang tiles ng bahay.

"Maaari ko bang malaman ang pangalan niya?"

Nagulat ako sa narinig ko kaya agad kong siniko ang sa kaliwa ko kaya agad namang umaray si Celestine. Akala ko si Martha ang sa tabi ko.

Sorry lola...

Agad niya akong pinanlisikan ng mata at parang pinagbabantaan niya naman ang buhay ko na kung gagawin ko ulit yun ay hindi talaga ako mabubuhay sa taong 1993.

Tch Edi wag.

"Lovely po ang pangalan niya ginoong fuamo..." aniya Martha. Tumango-tango naman ang matanda.

"napakagandang pangalan naman iyan, bagay na bagay sa kanya, oh siya sige maiwan ko muna kayo... nasa tabi-tabi lang ang apo ko...magpatulong nalang kayo sa mga katulong para hanapin siya... yung manliligaw mo kung hindi ako nagkakamali?" nakangising aniya ng matanda kay Martha.

"Paumanhin po pero si Celestine po yung liniligawan ng apo niyo..." sabat naman ni Martha. "Siya po..."turo niya sa kambal niya... "Nalimutan niyo naman po ba na mahilig sa pink ang nililigawan ng apo niyo?" natatawang sabi ni Martha agad ko namang naramdaman ang paglapit ni Celestine sa kanya at siniko ito.

"Paumanhin binibining Celestine sadyang magkamukha talaga kayong dalawa kaya akala ko si Celestine ang kinakausap ko..."

"Ok lang po"

"O siya aalis muna ako ah? maglilibot  pa ako..."

Nag-angat naman ako ng tingin nang umalis na yung matandang lalaki.

"Why aren't you looking at him? may past ba kayo?"

Sa sinabi ni Celestine ay agad kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

Ha?

Anong pinagsasabi mo ho? kami ng matanda may past? Tch ang galing talaga maka-pagisip ng kwento itong si Celestine. Este si lola pala!

"Haha I'm just joking, napakaseryoso mo kasi ngayon, may iniisip kaba?"

Wow ganyan pala siya magjoke?

"Wala naman, ayoko lang tumingin sa matandang yun" sabi ko.

Agad ko namang naramdaman ang pagkulong ng bisig ni Martha sa bisig ko. Ningitian niya ako habang naglalakad kami kung saan man kami papunta ngayon. Nasa kaliwa ko naman si Celestine na naglalakad lang ng diretsyo.

"Kinakabahan ba siya na makita ang manliligaw niya?"ani ko kay Martha.

"Hindi... excited na yan"

Tumango nalang ako sa sinabi niya. Kada may madaanan kami ay na ugalian na siguro ng mga katulong nila dito ang bumati sa mga bisita nila dahil kanina pa kami nila binabati ng mga tao dito.

NERD SPARKS Where stories live. Discover now