CHAPTER ELEVEN

9.2K 203 50
                                    

PIERCE VONN'S POV


"How did you two become close?" I asked the moment Pierre open the car's door.

Napatanga naman siya sa akin pero hindi siya nagsalita at pumasok ng sasakyan. Naupo siya sa front seat na parang wala akong tinanonng ngayon-ngayon lang.

"Pierre, don't you have plans on answering me?" I asked again when I saw him putting the seatbelt.

"I already answer your questions, Kuya." Mababa ang boses at parang pinapahiwatig sa akin na itigil na ang usapan.

Pero dahil makulit ako ay hindi ako tumigil. "Kapag hindi mo ako sinagot ay bumaba ka na lang. I don't like you lying to me."

"Ano bang gusto mong malaman? Can you please specify your question." Kinuha niya ang natitirang cookies at sinimulan kainin ulit 'yon.

Bumuntong hininga ako pagkatapos ay hinarap siya. "Alam mo naman na mainit ang dugo ko sa kaniya. Mag kaaway kami, Pierre. You know that. Parang noon lang ay tuwang-tuwa ka pa kapag pinapatulan ko siya tapos ngayon parang you will take his side kapag nag away kami."

Tumaas ang kilay niya habang pinakikinggan ang sinasabi ko pagkuwan ay may sumilay na maliit na ngiti sa labi niya.

"You little bastard. Look at me!" Hinila ko ang braso niya para humarap siya sa akin.

"Does my brother scared that I will abandoned him for Kuya Vladik?" Nakangisi niya pa ring tanong.

"No!" I denied.

"Even though we are really close right now, I will always take your side, Kuya." Sabi niya at magiliw niyang pinagpatuloy ang pagkain.

"Pierre, hindi 'yon ang ibig kong sabihin-"

"C'mon, Kuya. Whatever happens between me and Kuya Vladik is our business. And besides, Kuya isn't like how you tell him. He's nice." Kalmado niyang paliwanag.

"Nice?" I was surprised. Tsk. Tsk. Baka sa'yo, oo. Pero kung alam mo lang ang ginawa niyang taong 'yan. You will never call him nice.

"Yep!" Sagot niya pagkatapos ay tumalikod na sa akin at humarap sa bintana na parang sinasabi na ayaw niya nang pagusapan ulit. Napakamot na lang ako sa noo at binuhay na ang makina.

Dumaan muna kami sa hotel para kunin ang report na ni-request ko kanina pagkatapos ay dumeretso na ako sa condo.

Iniwan ko na si Pierre sa parking lot at hindi ko na siya tinulungan sa sandamakmak niyang pinamili. Sa kaniya naman 'yon. Kinuha ko lang 'yong mga supplies na pinasabay ko.

"I won't give you some, you hear me?!" Rinig kong sigaw niya nang malapit na ako sa elevator.

Nilingon ko siya at binigyan ng pekeng ngiti. "Don't care. Ayaw ko naman kumain ng binayaran ng gagong 'yon."

"So shameless, pagkatapos mong pabayaran 'yong sa-" Natawa ako nang hindi ko na narinig ang karugtong ng sinasabi niya nang sumarado ang pinto ng elevator.

When I was done laughing my ass out, I took out my phone and dialed Juztuien's number. After four rings he answered.

"H-hello?" He greeted.

"What's up? What time should I go there?" I asked.

I frowned when I heard a soft gasp from the other line. Not just gasp but also faint panting.

"A-anytime, not j-just now-um." Juztuien couldn't speak properly. I keep on hearing low groans from the other line.

Anong problema nito? Mas lalong kumunot ang noo ko at tiningnan ko kung phone ko kung tama ba ang na-dial kong number.

CHAIN YOU UP IN MY ARMS | BxBWhere stories live. Discover now