CHAPTER THREE

11.4K 332 132
                                    

PIERCE'S POV

Early in the morning I'm driving my car towards our university. I'm still a bit sleepy but I need to wake up and went to school early to get my phone from Vladik. Naiwan ko sa pizza parlour kahapon. Nagmamadali kami ni Juztuien iwanan 'yong dalawa pagkatapos namin maubos ang in-order namin. Hindi ko napansin na naiwan ko pala ang phone ko. At kamalas-malas si Vladik pa talaga nakapansin.

Nakakainis. Umagang-umaga mukha niya agad makikita ko. Sira agad araw ko non.

We both agreed on meeting in student council room. Malay ko ba bakit gusto niya doon, umaagre na lang ako para hindi na humaba ang usapan. Hindi rin naman magpapatalo sa'kin ang lalaking 'yon.

I arrived at school. Kaunti palang ang mga studyante. Patapos na kasi ang school year kaya mangilan-ngilan na lang ang maaga sa school, mostly completing requirements na lang to move forward.

I yawned when I parked my car. Mabuti na lang hindi matindi ang hangover ko. Inayos ko ang damit ko. Casual lang suot ko, hindi na ako nag-uniform, plain black t-shirt and black pants. I also wore white shoes for today.

Lumabas na ako ng sasakyan at dumeretso na sa room ng student council. Malapit lang naman sa parking lot ang room na 'yon kaya madali lang akong nakarating.

Kumatok ako ng tatlong sunod-sunod sa pinto. I don't have anything in me to use to contact Vladik kaya hindi ako sigurado kung andito na ba siya o hindi pa.

Nang isang minuto na hindi pa rin bumukas ang pinto sinubukan kong pihitin ang pinto pero lock kaya nag decide ako na umupo na lang ako sa waiting area.

I'm just gonna wait for him here. Maaga pa naman. Tiningnan ko ang relong pambisig na nakakabit sa pulsuhan ko, 7 :13 am na. Nine o'clock laging dumadating sa school si Juztuien kapag ganitong mga araw.

"Good morning!" Isang masayahing boses ang biglang lumitaw habang nagmumuni-muni ako. Tiningala ko kung sino para mapagtantong si Kurth Vanadera, our student council vice president.

"Good morning, Vice." Tumayo ako para batiin siya. The other party just nodded his head and have his way to the door and opened it. He signaled me to follow him so I did. He also opened the light and proceed to open the air conditioner without putting the bag first. Saka lang niya ibinaba ang bag niya nang lumamig na ang kwarto.

Dinamdam pa muna nito ang lamig bago tumingin sa akin at ngumiti. "Napaaga ka yata Mr. Rogan. Nauna ka pa sa amin. Anong hangin ang nagdala sa'yo rito?" Tanong nito pagkatapos ay itinuro ang upuan kaharap ng table na may pangalan niya.

"I'm waiting for Vladik—"

"HUHHHH. OH MY GHAD! 'WAG NIYONG SABIHING DATING KAYO?" lumaki ang mata ni Kurth with matching takip pa ng bibig.

"What the? Anong pinagsasabi mo? Kulang ka ba sa almusal, Vice?"

"Nagda-date kayo ano? Hmm... Pak! Kabadingan!" Marahang tampal nito sa braso ko.

Kumunot naman ang noo ko. May alternative personality ba 'tong taong 'to? Usually kasi seryoso siya lalo na kapag may mga school activities.

"I'm just going to get my phone from him." I tried to explain.

"Hmmm. Deny ka pa." Ngumuso ito bagi tingnan ang relong pambisig niya. "7:15 pa lang. 7:30 usually dumadating si Pres."

"Then, I'll just wait him here," tugon ko. Kapag umalis pa ako dito, mapapagod lang akong bumalik. The school is huge. Malayo rin ang distansiya ng bawat building.

"Okay! Punta lang ako sa storage room. Maiwan muna kita dito."

Tumango ako. Kurth is actually nice. I just realize that he is a loud person behind his glasses and strict aura. Cute.

CHAIN YOU UP IN MY ARMS | BxBWhere stories live. Discover now