CHAPTER ONE

19.4K 391 97
                                    

PIERCE'S POV


"Sino?!"

Hindi ko mapigilan na tumaas ang boses ko nang sabihin ng kaibigan ko kung sino ang nag top so buong grade level namin.

"Si Vladik. Wyatt. Flames. Nga." sabi ni Juztuien habang nakatingin sa cellphone niya na parang walang paki-alam.

"Bakit siya?" tanong ko ulit.

"Gusto mo samahan kita, tanungin natin mga teachers?" Bored na sabi nito pero halata ang pagiging sarkasmo.

Tangina nito.

Sinipa ko na lang siya pagkatapos ay humiga sa ibabaw ng mesa.

Ano na lang sasabihin nila, Daddy? Ginawa ko naman lahat, I perfect the exam, participate, didn't absent. Ano pang kulang?

Okay sana kung si Juztuien ang nanguna, maiintindihan ko. Susuportohan ko pa. Pero si Vladik? Siya na naman! Ano bang ginawa non, maliban sa pagiging Student Council President? Ha?

Argh! Kaka-bwesit!

Dinabog-dabog ko ang binti ko sa hangin  habang ini-imagine na si Vladik 'yong sinisipa ko.

Umupo si Juztuien sa upuan ng mesang kinahihigaan ko. Patuloy pa rin ito sa kakatingin sa cellphone niya.

"Ano bang pinagkaka-abalahan mo diyan sa cellphone mo? May girlfriend ka na? Ha?" mabilis kong inagaw sa kaniya ang cellphone niya at tumakbo papalayo.

"Pierce! Parang tanga 'to! Ibalik mo phone ko!" Sigaw nito mula sa likod ko.

Tawa ako ng tawa habang linilingon ko siya, palayo nang palayo ang distansiya namin. Mabagal kasi ang takbo niya.

"Pierce!!!" mulang sigaw nito.

Hindi ako tumigil kakatakbo kahit na may himig na nang galit ang sigaw niya.

You keep on ignoring a while ago, huh. Now, I have your attention and help me with my problem.

Nang makalayo ako sa kaniya, huminto ako at tiningnan ang cellphone ni Juztuien. Binuksan ko ito, luckily, walang password. Isang app lang nakabukas.

"Ins-tag-ram." basa ko dito.

Instagram? Anong app 'to?

"Stop messing with my phone, Pierce!" sigaw ni Juztuien kaya napatingin ako sakaniya. Malapit na naman siya kaya napatakbo ulit ako papalayo.

Habang tumatakbo ako ay tiningnan ko ulit ang cellphone niya. Ita-tap ko sana ang back ng mapansin ko ang pangalan sa itaas na parte.

@sexzy_juztie     
60 post      17k followers     0 following

Huminto ulit ako nang hindi na malakas ang bawat yapak ng paa ni Juztuien. Alam ko kahit hindi ako tumingin, malayo siya sakin.

I scrolled down in the profile. I tap the first post. It's a picture of girl, wearing a sexy maid outfit. I can't see the face because the picture was cut from the shoulder. I scroll down. The second post is a person's lower body wearing skirt.

Ito ba pinagkaka-busy-han ng kaibigan ko? Babae? Maybe his girlfriend? I don't know.

I was about to scroll down again when someone grabbed the phone in my hand.

"What the—"

Aagawin ko pa sana ang cellphone ni Juztuien sa humablot, nang biglang itaas ito ng may hawak.

CHAIN YOU UP IN MY ARMS | BxBWhere stories live. Discover now