PROLOGUE

29.3K 578 182
                                    


Pierce Vonn Rogan's POV

Isang mahinang yugyog ang gumising sa himbing na pagkakatulog ko. Inangat ko ang tingin sa taong gumising sa akin at tiningnan ng blangko. Isang babaeng may propesyonal na ngiti sa mga labi ang bumungad.

"Ikaw na lang po ang natitira sa eroplano, Sir." Malumanay na sabi nito.

Bigla akong napatayo sa kina-upuan ko at tiningnan ko ang loob ng eroplano na kanina lang ay puno pa ng mga pasahero. Humingi ako ng paumanhin sa flight attendant.

"Sorry... Thank you," sabi ko habng kinukuha ko sa kaniya ang bag na kanina pa pala niya naiiba. Nakakahiya, kanina niya pa siguro ako ginigising. Isang araw na akong walang tulog bago ang flight na 'to kung kaya't hindi ko maiwasan na makatulog ng malalim sa pagod at puyat.

Pinag-iisipan ko kung tama ba ang desisyon na gagawin ko.

Sa bawat pagtapak ko ng hagdan pababa ay unti-unti kong naalala ang mga nangyari at ang rason kung bakit ako bumalik.

Isang taon na ako sa France bago ko napagdesisyunan na bumalik. Bumalik para sa kaniya na kahit walang kasiguraduhan kung may babalikan pa ako.

Hinintay ko ang mga maleta bago ako tuluyang lumabas sa airport.

I'm back...

As soon as the sunlight hit my skin, I know, I'm really back to Philippines. Who would have thought, I'll set my foot in this land again.

Wala akong inaasahang sasakyan na susundo sa akin dahil wala naman akong pinagsabihan na uuwi ako kahit ang pamilya ko. Biglaan lang talaga.

I call for a taxi and the driver help me putting my luggage at the back, and when everything is settled, I went the taxi.

"Saan po tayo, Sir?" malalim na boses na sabi Manong.

"Alam niyo po ba ang lugar na 'to? Malayo po ito dito pero magbabayad po ako kahit magkano." Pinakita ko sa kaniya ang address ng villa ng kapatid ko.

"Ah, ohoh. Malapit lang iyan sa bahay namin." sabi nito pagkatapos tingnan ang card na pinakita ko at binuksan ang makina ng sasakyan.

"Talaga po? Sige po tara na."

Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag kasama ng headset. Tiningnan ko muna ang oras bago i-connect ang bluetooth sa headset.

It's already 3 in the afternoon. We can arrive at 5 in the Villa if there's no heavy traffic.

Dahil sa amoy ng aircon sa loob ng sasakyan ay namigat ang mga mata ko. Hanggan sa tuluyan na naman akong nakatulog sa byahe.

—————————————

"Wake up, Pierce. I made your breakfast."

Nairita ako sa paulit-ulit na pindot sa ilong ko  kasabay ng mga nakaka-iritang salita.

'Breakfast, breakfast. I don't eat breakfast you, idiot. I'm on diet!'

I pulled the blanket to cover my whole body. Let me sleep. I stay up all night making love with you, bastart. At least, let me rest.

"Hey Pierce! If you don't wake up now, I'll punish you. 1...2..."

"Alright, alright! I'm awake now." Mabilis akong napabangon simula ng magbilang siya. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing ganoon ang boses niya ay napapasunod na lang ako bigla.

CHAIN YOU UP IN MY ARMS | BxBWhere stories live. Discover now