Chapter 16

68 4 2
                                    


Saglit akong natulala sa narinig mula kay Third. Sa kabila ng kirot, ramdam ko pa 'rin ang malakas at mabilis na tibok ng puso ko. Gusto ko siyang itaboy dahil hindi ko gusto ang reaksyon ng sarili sa salita at kilos niya... kaya lang, hindi ko na kaya. Lalo lang yatang mababasag ang puso ko kapag naaninag na naman ang pagkadismaya sa mga mata niya. Shit. What exactly am I hurting for? Could the pain I'm feeling be self-inflicted?

"Sorry, sumobra yata ako. Tutulak na ako para makapagpahinga ka na."

Lumunok ako nang tumalikod siya. Humakbang ako at marahang hinawakan ang kanyang palapulsuhan. Natigilan siya at agad akong hinarap. He blinked twice, gulat at nagtataka sa inasta ko.

"B-Baka umuwi ako bukas,"

Binitawan ko ang kamay niya at yumuko.

"Pero hindi pa ako sigurado. Wala pa akong ticket pauwi. Hindi rin ako sigurado kung papayagan ako ni Mama." Dagdag ko.

Tumango siya nang marahan. Kinagat niya muna ang pang-ibabang labi bago nagsalita.

"Sasama ako. Just text me. Hindi mo pa naman sigura binura ang number ko?" Tipid siyang ngumiti.

Nag-iwas ako ng tingin nang may naalala.

"Sigurado ka ba? Baka may maiwan ka rito..." I said without thinking.

"Huh? Maiwan? Ano'ng ibig mong sabihin, bub?"

'Yong katabi mo kanina?

I know there was no need to say that so I stayed silent. What I previously said was already weird enough...

"Ikaw ang pinunta ko rito, bub. Walang iba. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy mo pero iyong mga nakasama ko rito sa resort, acquaintances ko lang lahat. Dito ko na'rin sila nakita... unintentionally." Paliwanag niya.

"Ah, oo. Ayos lang naman... you don't need to explain." Agap ko.

I acted as if I didn't care about what he said—that there was no need for it... when the truth is it did make me feel lighter.

"Text nalang kita... kung sakaling tumuloy ako."

Tumango siya at ngumiti. Maaliwalas na ang mukha niya ngayon.

"Okay. Thank you."

Malalim na ang gabi nang subukan kong magpaalam kay Mama. Buti nalang napagdesisyunan nilang mag-asawa na mag wine muna kaya hindi pa sila tulog nang puntahan ko sa kwarto. I was a bit guilty to interrupt their quality time together but I proceeded anyway because I don't have a choice... I really want to go home.

"May kailangan ka, Anne?"

"Uh, gusto ko lang pong magpaalam. Balak ko kaseng umuwi bukas..."

Kumunot ang noo nilang dalawa ni Tito Perri. Nag-angat ng kilay si Mama at tinitigan ako na parang napakawalang-kwenta ng sinabi ko.

"Twenty-four na bukas, Ann. Himala nalang kung makaka-book ka pa ng ticket..."

"Besides, why don't you just spend the Christmas with us, Ann? Don't you like it here?" Segunda ni Tito.

"Gusto naman po. Napakaganda nga po rito. Kaya lang, gusto ko pong samahang magpasko sina... Mama."

I almost said 'Lola'... buti nalang naalala ko kaagad na magkapatid nga pala kami ni Mama sa mata niya.

"Edi sana nagsabi ka para nakapag-book ng ticket ahead of time. Akala mo naman ang dali ng sinasabi mo. Ang mabuti pa, enjoyin mo nalang ang stay mo rito kasama kami. Just call Mama and Papa if you really miss them."

Kanunay Nga PadulnganWhere stories live. Discover now