Chapter 6

60 4 2
                                    

In the month of September, Ster took me to dates multiple times. We'd stroll the city together, enjoy the sunset at Ormoc bay, and watch movie in SM Cinema. He's also consistent in updating me everyday.

Naramdaman kong mas pinagtutuonan niya na ako ng pansin kesa sa mga barkada niya kahit na ni minsan ay hindi ko naman siya pinagbawalang gumala kasama sila.

For weeks, I know the barrier I have built was slowly collapsing. Hindi na ako nagdadalawang isip sa bawat aya niya at sinusuklian ko na'rin ang effort niya sa'kin. Minsan nga ay ako na ang nag-aaya. Kagaya ngayon. Nakita ko sa isang Facebook post ang tungkol sa Roof Deck Diner. Maganda raw ang view roon at masarap ang pagkain. Kaya naman, nang matanggap ang allowance na ipinadala ni Mama, niyaya ko na agad si Ster.

Suot ang isang powder-blue dress at white flats, lumabas ako sa apartment. Sa labas ay nakita ko agad si Ster na nakasandal sa kanyang motor. He immediately stood properly when he saw me. Naka-light green shirt siya at black shorts.

"Sana nag-shorts ka nalang, Jex. Alam mo namang magmo-motor tayo, eh." pabiro niyang sinabi.

Ngumiti ako.

"Ayos lang 'yan. Pa-ganito nalang..."

Naupo ako nang patagilid sa motor. Nagkibit-balikat naman si Lester.

It took us twelve minutes to arrive at the restaurant. 6:30 P.M. nang dumating kami roon at nadatnan namin ang maraming tao, couples in particular. Very romantic nga rin naman kase ang lugar. The lights were warm and the view with city lights is just magnificent.

"Ano sa'yo?" Ster asked me.

Siya ang oorder para sa'min.

"Uh, ikaw?" tanong ko pabalik kase hindi ako makapili.

Kinwenta ko pa sa isipan ko kung ilang recess ang kailangan kong i-skip para icover ang posibleng expenses ngayon.

"Wala ako sa menu, Jex." ngumisi siya.

Nag-init ang pisngi ko sa sagot niya.

"Pero sayong-sayo ako." kumindat pa.

Pasimple akong napangiwi sa kalandian niya. Itinuon ko nalang ang paningin sa menu at sa huli ay napagdesisyunan naming pareho na iyong Package 2 nalang ang amin. It costs 570 and we'll split the bill so I'd spend 285. Mukhang isang-linggong recess ang isasakripisyo ko para roon. Pero ayos lang.

Habang naghihintay ay panay ang kuwento ni Lester. He likes talking about random events in his life, while I'm fine listening to him for hours.

When our order arrived, I secretly took a picture of him while he's typing on his phone. I posted it on my Facebook story and I saw Third immediately viewing it. Napangiti ako nang makitang tinadtad niya ng heart ang story ko. Naks. Supportive bestie.

"Sino ang ka-chat mo?"

Nag-angat ako ng tingin kay Ster at agad na umiling. Binura ko ang ngiti sa aking labi.

"Wala akong ka-chat."

Matalim nang kaunti ang titig niya sa'kin kaya naramdaman ko ang need na iassure siya. Kapag ganito ay alam kong nagdududa at nagseselos siya.

"Natuwa lang ako kase tinadtad ni Third ng heart ang story ko. Picture mo 'yon.." paliwanag ko.

Kumunot ang noo niya at nagkasalubong ang mga kilay.

"Third?"

Ay, oo nga pala. They all know Ikatlo as Marcial. Ako lang pala ang tumatawag sa kanya ng ganoon.

"Si Marcial Padilla. Best friend ko."

Ngumiwi siya at tumango din naman. Kumain kami nang hindi niya ako kinikibo. Naguluhan tuloy ako. Ano ba ang ikinagagalit niya?

Kanunay Nga PadulnganHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin