Chapter 11

67 5 1
                                    

Mabilis na lumipas ang panahon. Bago ko pa mamalayan, dalawang araw nalang bago ang final examinations namin. Binigyan kami ng isang linggo para mag-prepare. Hindi na pumasok ang mga teachers at hinayaan kaming mag-review ng lessons. Ito ang rason kung bakit abalang-abala kaming lahat sa pag-aaral nitong mga nagdaang araw.


Dapat ay uuwi ako ngayon sa bahay para bisitahin sina Lolo, pero dahil nga kailangan kong mag-aral, ipinagpaliban ko na muna ang pag-uwi at piniling manatili sa apartment.


"Osya, galingan mo sa exams niyo, ah." ani Mama.


Magka-video call kami ngayon. Tumawag siya habang inaatupag ko ang mga notes ko. I paused my study session for a bit to talk to her.


"Kapag nakapasok ka sa honor roll, isasama kita sa bakasyon namin sa Bohol."


Umangat ang pareho kong kilay at bahagyang nanlaki ang aking mata sa narinig.


Of course, I would love to go on a vacation! Tapos sa Bohol pa, eh ang ganda roon.


Kaya lang... mas gusto kong kasama sina Lolo at Lola. Hindi ko rin alam kung magiging komportable ba ako....


Hay. Huwag ka munang mag-overthink, Jexcy Ann. Ni hindi ka pa nga sigurado kung makakapasok ka sa honor roll, eh.


"Sige, Ma. Gagalingan ko."


I was allowed to call her that since she's alone in her room. Nasa trabaho yata ang asawa habang si Yvonne nama'y nasa galaan.


Matapos ang tawag, ipinagpatuloy ko ang pagbabasa at pag-take ng additional notes. Tumigil lang ako nang makaramdam ng pagkalam ng sikmura.


Nag-chat si Third sa'kin kanina na magdadala raw siya ng ulam kaya kanin nalang ang iniluto ko. Pinauwi siya sa kanila pero plano niyang bumalik kaya naghintay naman ako.


"Ang tagal mo," nakanguso kong sinabi pagdating niya.


Naka-khaki pull-over sweater siya at black Nike shorts. Suot niya pa ang Balenciaga sneakers niya, halatang dumiretso sa apartment ko imbes na dumaan muna sa sariling unit.


"Sorry, bub. Hindi ako pinayagan agad na umalis ni Mama, eh." paliwanag niya naman.


Ngumiti ako at binawi rin naman ang komento. Kinuha ko mula sa kanya ang box ng pizza na galing Martinelli. Ang dami niyang dinalang pagkain! Hindi ko alam kung mauubos namin. Ang sasarap pa lahat!


Iba talaga ang normal lunch ng mga mayayaman, no? Nakakakain lang ako ng ganito pag may birthday, eh.

Kanunay Nga PadulnganWhere stories live. Discover now