Chapter 13

64 5 4
                                    

Tulala akong napatitig sa kisame ng kwarto. Sumasakit ang ulo ko habang inaalala ang nangyari kanina.


I clearly let my emotions took over me. I must be crazy for kissing Third. I must be out of my mind for thinking he meant his words when he was drunk! I'm the sober one... so I should have been the bigger person. Shit. I'm so stupid for letting it happen!


Oo nga't likas kaming malapit sa isa't isa. But I am not that naive to still think of what we've done as something that could be done by friends! Hinalikan ko siya. Hinalikan niya ako. Naghalikan kami! Malinaw na nilabag namin ang limitasyon bilang magkaibigan lang!


Jusko. Mababaliw ako. Ang tanga-tanga, Jexcy Ann. Paano na kayo niyan ngayon?!


Dapat ba kausapin ko siya tungkol doon bukas? Pero nakakahiya! Atsaka, ano namang sasabihin ko?!


I should just shut the heck up and pretend like nothing happen, right? Right?


Kung bakit ko rin kase talaga ginawa 'yun, eh. Hindi naman ako nakainom pero pakiramdam ko nalasing ako kanina. Sa titig niya. Sa boses niya. Jusko. Ano ba 'tong nangyayari sa'kin. May gusto ba ako kay Third? Crush ko na ba? Or am I feeling something deeper?


Naiisip ko pa lang ang posibleng sagot, natatakot na ako. Seeing him more than a friend feels forbidden. Parang bawal. Parang hindi pwede. Kase nga, mag-best friends kami! Magkaibigan. Lang. It's so weird and very awkward to think of him as a potential boyfriend. No. I should stop thinking about it. Yes. I should not hope for something more than what we have right now.


Ah. Nababaliw na talaga yata ako.


"Ann, ano ba'ng nangyayari sa'yo? Pumirmi ka nga. Hindi ako makatulog sa kalikutan mo."


Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Lola. Magkatabi kase kami sa iisang kama.


"Matulog ka na. Ano'ng oras na." dagdag niya pa.


Kaya naman, pinilit kong pumikit. Pinigilan ko ang sarili ko sa pag-iisip ng kung ano-ano at natulog din kalaunan.


Maliwanag na maliwanag na ang kwarto paggising ko. Mataas na yata ang sikat ng araw sa labas.


Nag-inat ako ng braso at natigilan nang maalala ang nangyari kagabi. Sumama kaagad ang pakiramdam ko at ayun na naman ang hiya, takot, at kaba!


Fudge. Nangyari ba talaga 'yun? Sana panaginip nalang!


Gustong-gusto kong sabunutan ang sarili ko sa kahihiyan.


How do I face Third now??

Kanunay Nga PadulnganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon