Active Reader's Award 04

114 19 92
                                    

Hi everyone! Heto na naman tayo para saksihan ang pagningning ng isa sa ating miyembro. Clue? Isa siya sa mga talagang Super Duper Active sa book club na ito. Second clue, ang dati niyang username ay @Undiscoverd_Creature. Gets na ba kung sino siya? Siyempre alam na ninyo kasi naka-dedicate sa kanya 'tong chapter. And yes, she's none other than...


@KarlaaWP *sabog confetti with matching pang new year na torotot*


One-one-one interview:


1. Can you introduce to us the person behind the username KarlaaWP?

Well, ako lang po ito. Wahaha. Si KarlaaWP? Siya yung taong tamad kung minsan. Nagtataka nga siya kung bakit pumasok siya sa mundo ng wattpad. Isang normal na estudyante na walang ginawa kundi mangtrip ng kapwa! Hahaha xD


2. His Gangster Sweetheart. Your theme is something considered cliche in the WP world nowadays. Were you inspired by another gangster story or just follow the trend? What made you write such story?

Mahilig talaga ako sa Action stories, kaya nainspired ako to make one.

Nagawa ko to kasi sobra akong nainspire sa Angel pretend Demon by Ailamonica. Sobra akong nagandahan sa storya niya kaya sabi ko sa sarili ko gagawa din ako ng sarili kong storya.


3. Your genre is action. How hard is it for you to write an action story?

Sobra, sobrang hirap. Kasi kailangan kong idetalye lahat, descriptive yung scenes at kung pano ko papabilisin ang flow pero detalyado parin.

Sabi ng iba hindi daw talaga madali gumawa ng action stories, pero nasasayo naman yan kung purdigido ka talaga.


4. What do you think makes your story different from all other gangster story found in WP?

Siguro yung nagsimula sila Alexis at Ranz sa pagiging childhood sweethearts, actually wala pa akong nababasang action stories (gangsters) na nagsimula as childhood sweethearts. Kaya siguro yun ang pinagkaiba nun from other gangsters stories.


5. Who among your characters is your favorite and why?

Ang paborito ko talaga ay si Jasmine Alexis, kasi syempre siya yung bida at siya yung lagi kong natututukan. Siya rin yung mas pinaka kilala ko sa lahat ng Characters. At isa din na dahilan kung bakit fav. ko siya is yung personality niya, yung pagiging cold at malakas sa pakikilaglaban kahit babae siya.


6. You've got two more books under your belt. One is Hugot Lines. Is it really just a "Patama sa mga tanga at umaasa," as your blurb suggested, or ikaw mismo may pinaghuhugutan nung sinulat mo yon?

Wala akong pinaghuhugutan sa Hugot lines ko, oo naranasan kona magpakatanga noon pero di ko hugot yun sa sarili ko. Pero syempre matagal na yun kaya moved on nako jan hahaha.


7. Writers are very creative. They will always have new ideas in their minds. How about you, are you planning to post a new book sooner?

Yep, may balak talaga akong nag post ng another story. Yung story na pinakagusto ko talaga, which is horror/mystery. Pero bago ko ipost iyon dapat maayos na, yung talagang tatangkilikin ng mga readers.


follow up: if yes, can you tell us something about this/these future book/s of yours?

Plano ko talaga (matagal na) horror/mystery, yung magkakaroon ng patayan, betrayal at revenge.

8. You've been a part of SDABC from its trial pairings until now. You've got perfect attendance. How was your experience being in SDABC for more than four weeks now?

Minsan kahit busy ako inuuna ko talaga yung SDABC kasi ito ang pinakagusto kong BC sa iba ko pang sinalihang BC.(walang halong biro) Kahit minsan nakukulangan ako sa oras para matapos yung task ko pero ginagawa ko talaga para hindi ako malate at maperfect ang attendance, kasi malaking bagay yun saakin. Isang achievement na yun para sa akin. Oo mababaw pero ganyan ako, kahit maliit na bagay lang na naaachieve ko masaya na ako. Isang magandang experience na nakasali ako dito sa BC na ito.


9. How does it feel having people critic your work? How about being a critic and helping other to improve?

Ang sayang macritic sa totoo lang, kasi pagmay nakita silang mali sa gawa mo o kahit konting mali lang yan, ibig sabihin binasa talaga nila yung gawa mo.

Ang pag critic na enjoy kona eh, kasi nakakatulong ako sa iba. Nakikita ko silang umaanggat dahil sa simpleng pagcritic ko sa kanila, diba masaya sa feeing na nakatulong ka? Na umanggat ang mga tinulungan mo? Another achievement naman yan sa buhay ko.


10. Any message to your followers?

Followers? Salamat sa pagbabasa ng mga sinusulat ko. (kung meron man) At sana patuloy niyo paring tangkilikin ito, yung mga naging kaibigan ko ( meron ba?) salamat. At syempre sayo SDA_BookClub, salamat at ako ang napili mo bilang ARA Awardee this week. Sobra akong nainspired sa BC mo, natutunan kong magcritic (constructive way) at mainspired na ipagpatuloy ang pagiging manunulat dahil sa nakukuha kong feedbacks sa readers ko. Yun lang maraming salamat God bless sa inyong lahat :)


----

Sa lahat ng hindi pa nakapares si @KarlaaWP, sama-sama nating basahin ang libro niyang His Gangster Sweetheart. Chapters 1, 2, 3 lang ang required but feel free to read more than that if you want.


This week's required comment is:

Buti pa yung gangster may sweetheart!


Mag attendance pag cleared na sa task. May announcement din ako dahil malapit na ang muling pagbubukas ng klase. Kitakits sa 13th pairings okay?

SDA Book Club (Second Wave)Where stories live. Discover now