PAIRINGS #003

178 10 53
                                    

Mahaba ang intro ko... skip lang sa ayaw magbasa... di ako magtatanim ng sama ng loob.

Okay, I just want to share this. Around 7 pm nang makauwi ako. Sobrang sama ng loob ko, di ko na sasabihin kung bakit. Basta umuwi akong umiyak. Para akong tangang punas nang punas ng luha habang nasa jeep hanggang pati pagbaba ko ng tricycle. Kahit nung naglalakad na ako pauwi, umiiyak pa rin ako na parang tanga. (Ang totoo, nagshu-shoot ako ng madramang MV lol)

Pero kahit ganun, gusto kong malaman ninyong dahil sa comments ninyo, nagliwanag ang gabi ko. Kahit papano nalimutan kong nakawala ako ng PhP 500, 000 chos! Pero hindi nga, seryoso. Guys, kahit hindi yung libro ko ang binigyan n'yo ng comments, natutuwa pa rin ako. Sana yung mga critics n'yo, especially yung mga positives, ay lumabas sa Recent Comments ng mga partners n'yo. Maganda kasi yung mga review ninyo at makakatulong yon nang husto sa inyong mga partners para makapang-engganyo sila ng iba pang readers.

Guys, seryoso talaga. Sana ituloy-tuloy n'yo yung pagiging generous sa inyong mga partners (at sana dumami pa tayo). Feeling ko tuloy ang ang ganda-ganda ng book club natin hahahahahah! Grabe, feeling ko gusto ninyo akong pahirapan sa pagpili ng ARA!

Okay, speaking of ARA, i-post na muna natin ang top critics for last pairings.

Tied at top 3 (may tie ulit? OO marami!)

CuShiMinimini and XTheLonelyFangirlX

Sila yung partners sa last pairings at natutuwa akong mabasa yung comments nila sa isa't isa. Lalo yung kay XTheLonelyFangirlX kasi yung way niya ng pag-critic ay parang yung way ko wahahah

And PaulSiervo and Undiscoverd_Creature

Pairs din sila, astig 'no? Actually compared dun sa dalawa sa taas, medyo simple yung mga critics nila sa isa't isa (sa pagkakatanda ko). Pero gusto ko pa rin silang bigyan ng recognition for the effort.

Top 2

TottiePattotie

Yay! Improving hahahah! Natatawa talaga ako kasi magkahawig yung comments nila ni SulZyDarNa pero ganun ata talaga kasi yung mga napansin nilang flaws ang talagang dapat pagtuunan nila ng pansin. Maganda rin yung critic ni SulZyDarNa kaso para yun sa first task.

At ang number one? Drum roll please!

carlaQuins *palakpakan na may kasamang sigawan!*

Okay, guys gusto ko lang sabihin na since medyo late na akong mag-check ng task, hindi ko na mahanap yung comments ninyo sa inyong mga MB. So dun talaga ako sa mismong stories naghanap ng comments. And wow, nalula ako sa comments niya!

Isang bagay lang, binabasa ko kasi talaga yung comments n'yo at nakita ko na medyo may pinakialaman ka... yung goal? I understand that you want to see the protagonist's goal/s pero choice na ni partner kung saang banda niya gustong ilagay yung goal. Siguro sabog pa rin yung protagonist niya, isang happy-go-lucky na tao na walang goal sa buhay kaya ganun pa yung flow. Pero yun nga. We can mention our suggestions but we should not push them through. But aside from that, I was wowed with all the critics!

Okay... sa mga hindi ko nabanggit, wag po sana sasama ang loob... Actually sumakit ang ulo ko dahil ang hirap hanapin ng top 3.

Okay... PAIRINGS NA!!!

***

Undiscoverd_Creature - His Gangster Sweetheart

carlaQuins - Pedro's Angels

***

CuShiMinimini - Beautiful Paradise

farutishi - Ang Girlfriend Kong...

***

XTheLonelyFangirlX - ~The Fangirl~

PaulSiervo - Your Memories, My Memories

***

TottiePattotie - Ms. Manhid meets Mr. Assuming

IfYouuSeekJ - Maybe No

***

SulZyDarNa - Mr. Casanova VS. Ms. Flirt

vampirenshin - Hanky Promises

° ° ° ° °

Write hello @partner's username when you're done with your tasks. Paalala, ang task ay basahin ang limang kabanata ng libro ni partner. Kung gusto mong karirin ang pagbabasa, choice mo yan. Kung may prologue, counted si prologue. Kung wala, sa chapter one ang start ng bilang. Kung lower than 5 chapters ang meron si partner, wala na tayong magagawa dun. Voting is optional. Add your partner's story to your exclusive reading list.

Sa mga may issue sa partner, bisitahin ang FAQ.

Sa may maling username o title, sugurin ang aking inbox.

Special mention sa mg sumusunod:

lovely_sophia na tapos na sa second pairings pero hindi nakapag-attendance, at yujie_shana na hindi nakasali sa second pairings at hindi rin nakahabol sa second attendance. Baka lang gusto ninyong kayo na lang yung pair... mag-usap na lang muna kayo okies? Pasensya na at hindi ko na nahintay ang inyong attendance.

-----

PS. Medyo namomroblema ako kasi halos walang dumadagdag sa bilang natin. Or should I say na wala talaga? LOL. Ewan. Ayoko talagang i-accept yung mga hindi nagpapasa ng codes. But I do hope na sooner, madagdagan yung bilang natin. Kahit paisa-isa lang siguro para hindi mahirap sa pairings :)

SDA Book Club (Second Wave)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon