Active Reader's Award 01

122 14 37
                                    

Okay! Eto na... ang ating ARA of the week!

Ayoko na masyadong mag-speech kasi... basta! Osiya, heto na ang ating one-on-one interview with *jan, jararan, jan-jan* @carlaQuins!


1. Who is carlaQuins?

Ang carlaquins na nakilala niyo sa wattpad ay ibang-iba sa Karl Aquins sa totoong buhay

Pero ngayong araw, no more hiding! Sasabihin ko na sa inyong lahat ang totoo.

"I am proud to be a mutant!"

Choss.. Joke lang...

"I am proud to be gay!"

Oh.. Ayan na ha inamin ko na ang totoo.

Ngayon dumako naman tayo sa characteristic ko. Maikukumpara ko ang sarili ko sa mga fictional characters dito sa wattpad. Hindi perpekto at maraming flaws. Pero masayahin, mabait at siempre maganda. (May pagka-sinungaling lang minsan.)

And I love imagining science fictional events.


2. When (and how) did you start writing?

Kailan? Siguro mga buwan pa lang ang nakalipas. Paano? Pinagawa kasi kami ng Filipino Teacher ng isang nobela. Isang linggo ang deadline na halos ikamatay naming lahat. Akalain niyo yun? Gagawa ka ng nobela sa loob ng isang linggo. Tapos wala pa kaming experience sa paggawa ng nobela. Hindi man lang siya nag-discuss kung paano gawin yun. Buti na lang at nagbabasa na ako dito sa wattpad kaya naka-kopya ako ng style mula sa mga story dito.(ang style lang ha! Hindi ang idea) At the end of the day, highest ang score ko, kaya giganahan na ako sa pagiging author.


3. So far, how was your experience in Wattpad

...as a reader

As a reader.... To the highest level talaga ang experience ko dito sa wattpad bilang reader. Marami kang matutunan na lessons, values at morals.

Nag-eenjoy ka sa pagbabasa, habang natutuwa naman ang author na may nagbabasa ng work niya. Give and take relationship lang ang peg.

At simpre ang mga binabasa kong libro ay yung tipong hindi pa masyadong napapansin, dahil alam kong mas kailangan nila ang appreciation ko.

...as a critic

As a critic.... Sa totoo lang, magaling lang akong mang-critic sa iba pero kung susumahin mas marami pang flaws ang story ko kaysa kanila. Kasi pag may nangcri-critic sa akin, hindi ko sila pinapansin. I mean, pinapansin ko naman sila pero, hindi ko ini-edit ang mga mali ko. Kaya paulit-ulit na lang ang mga negatibong puna sa akin ng partner ko.

Out of topic na ba ako? Hahaha... Sorry ah. Pero sa totoo lang bittersweet ang buhay ng isang critic. Hindi mo alam kung nakakatulong ka pa ba o nakakasakit na.

Nanubra ka na ba o kulang pa. Hindi mo alam kung tama pa ba ang ginagawa mo. Pero in the other hands, parang masaya kasi para sa iyo nakatulong ka ng kapwa mo writer.

...as an author

As an author... Sa lahat ng role ko dito sa wattpad ito siguro ang pina-kamahirap. Sa role na ito kalaban mo ang; katamaran, antok, sakit ng ulo, blood cloth, brain tumor at marami pang iba.

Pero kapag nakaka-tangap ka na ng magagandang feedback, parang lahat ng pagod mo, lahat ng antok mo, at sakit ng ulo mo, nawawala na ang mga ito at napapalitan na ng saya. Parang sa isang iglap, naging worth it ang lahat.

SDA Book Club (Second Wave)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon