RANT!!!! (Joke lang!)

89 19 23
                                    

*Ehem* Mic check. Heto na naman ako sa pilit kong pagpapatawa. Rant naman kasi talaga 'to pero syempre alam ko namang mga takot na kayo sa'kin kaya medyo kakalmahin ko na muna ang sarili ko.

Anyway, it's not about you guys (medyo lang), it's about Wattpad.

ANG ARTE, ARTE, ARTE, ARTE, ARTE, ARTE, ARTE (repeat till fade) NI WATTPAD! Mas maarte pa sa'kin bwisit.

Siguro naman hindi lang ako ang nakapansin, lalo na sa mga web users. Sobrang dami nang nagbago kay Wattpad. Oo nga, walang permanente sa mundo kundi pagbabago. At walang masama sa pagbabago kung makakabuti. Kaso hindi eh! Naiirita na 'ko sobra!


Intro pa lang yan.


PART 1: Sharing.

Siguro naman, hindi lang ako ang may multiple book clubs dito. Just recently, nung Friday ata, nung ma-experience ko ang nakaka bwisit na kapalpakan ni Wattpad. May book club ako kung saan BUONG LIBRO ni partner ang kailangan kong basahin. Malapit na ang deadline namin at malapit na rin naman akong matapos. Mga last 5 chapters na lang.

Maya-maya, nagsabi sa'kin yung partner ko na hindi niya daw makita yung comment ko. Comment doesn't exist chorva daw. Tinanong ko kung saang part at sinabi niya naman sa'kin. So I checked my MB (naka record kasi sa MB yung ginagawa mo, parang FB timeline). Nakita ko na pumasok naman yung mga comments ko. Pero nung puntahan ko yung mismong chapter, nawawala nga yung comment. Imposible namang i-delete nung partner ko yun kaya from my MB, I copied the comments and posted it in her story. Baka may problema lang sa buhay si WP at kung ano-anong itinatapon niya.

Ilang chapter yon. Mga apat. Eh minsan, multiple comments ang sinisend ko. Bali ang nangyari, nag post ako ng comment. Nakita ko na pumasok. Nung ipopost ko ulit yung pangalawang comment sa parehong chapter, biglang nag-error. Hindi na 'ko nagulat kasi ilang beses ko na na-experience yon. Buti na lang, web ang gamit ko kaya hindi nawala yung comment. Pwede ko pang i-copy-paste, unlike pag mobile users. So I copied the comment and refreshed the page. Pag refresh ko, anakngpusangkinalbo! Yung comment na nauna kong isend, nawala!

So talagang ginagago ako ni Wattpad. Nag-send na 'ko ng ticket (error report) regarding that. Pero wala pa rin silang reply hanggang ngayon. Usually naman within two days nagre-respond na sila sa problem. Siguro nabobo na rin yung system nila kakadami ng kaartehan.

Tapos kagabi lang, habang binabasa ko naman yung one-shot compilation ng partner ko sa isa pang book club, kung kailan mega comment ako, saka pa nag-error. Hunyeta talaga! App ang gamit ko kagabi kaya walang way para ma-retrieve ko yung nobela kong comment! Alin sa dalawa ang sinasabi niya: "Error 404: Resource not found" o "No network connection" (kahit ang lakas ng wifi namin sa kalaliman ng gabi). Bwisit na bwisit talaga ako kaya nag-send na naman ako ng ticket. Wala pa rin silang response.


Part 2: An invitation.

Siguro naman hindi lang ako ang nakakaranas niyan di ba? I believe that's @PaulSiervo's issue kaya hindi ko siya naisama sa regular pairings. So ano yung invitation ko, guys, wag lang tayo basta comment nang comment.

Sa app users, pag hindi na-send yung comment, may lalabas na message regarding your comment. Halibawa na ay "Wattpad servers cannot be reached" o yung dalawa sa isinulat ko sa taas. Sa web users naman, sa ilalim ng comment box, may lalabas na red exclamation point at notice na hindi ko na mataandaan kung anong sinasabi.

Let's make sure na nase-send yung comments natin kasi sayang eh. Sayang yung effort di ba? Hindi lang pagdating sa book club na 'to, kundi pati sa mga partners ninyo. Alam n'yo namang tinitignan ko yung tasks ninyo di ba? Dun ako naghahanap ng comments sa message boards ninyo. May mga times na may nawawalang comments pero hinahanap ko pa rin.

Paanong nawawala? Minsan nakikita ko yung comments sa prologue, chaps 1, 3 and 4, pero hindi naka-record yung comment sa chapter 2. Pag ganyan, pupuntahan ko na mismo yung chapter two at titignan kung may comment ba don o wala. Minsan kasi hindi nare-record sa MB. Pag nakita kong kumpleto yung comment, ode okay. Kapag may nawawala talaga, kakausapin ko kayo. Sa totoo lang hassle yon para sa'kin pero gusto kong makita yung fairness kaya nag-e-effort ako.

Wala tayong magagawa kung nag-iinarte ngayon si Wattpad. Nakikigamit lang tayo sa kanya. Wala kasi tayong choice sa ngayon. So tayo yung dapat mag-adjust.


Part 3. Announcements/ Disclaimers, etc.

So siguro magtataka kayo. Naka-follow ako sa inyo pero parang hindi pa rin pala ako updated at kailangan ko pang mag-stalk ng MB. Guys, hindi ako laging online. At hello, kung gumagamit kayo ng web, malalaman ninyong sobrang sabog palagi yung newsfeeds ko dahil na rin sa mga active kayo pati sa ibang book clubs.

Kung hindi po kayo nagche-check ng newsfeeds, ako na ang magsasabi, lahat, as in LAHAT ng ginagawa ng taong pina-follow n'yo, naka-record sa inyong newsfeeds. So kung may isang tao kang pina-follow at nag flood comments siya sa isang chapter ng isang libro, lahat yon makikita mo. Isang tao pa lang yon. Isang libro pa lang yon. Hindi ko kayang silipin yung newsfeeds ko para lang makita lahat ng ginagawa ninyo na related sa SDABC. Ang dami n'yo po.

That's why I need your cooperation. Yung mga replies na hinihingi ko sa inyo kada pairings or kada attendance or kada may ARA, kailangan ko yong ma-receive. Yun ang signal ko para pumunta sa mga MB n'yo at mag-check ng tasks. Without those, hindi ako bibisita sa profile ninyo. Bakit ako maghahanap kung hindi ako sigurado kung meron akong mahahanap?

Minsan yung comment n'yo 12 hours ago pa pero naging active kayo for the past 12 hours kaya natabunan na yung comment n'yo sa partners ninyo. Pero nagtya-tyaga pa rin akong isa-isahin yun para lang ma-check yung tasks niyo. Okay lang nag maghukay kung alam kong merong mahuhukay. I'm doing my part so sana kayo rin.

Napakadali ng part ninyo. Mag-comment. Yun lang. Yun din ang issues ng karamihan sa hindi nakasali sa pairings. May mga kumpleto sa task pero walang attendance, may mga tapos sa pairings at may attendance pero walang ARA. Yung mga na-pair na kay ARA, hindi ko na hiningian ng ARA code, automatic na yon. Nakakabobo yung ginagawa ko pero ginagawa ko pa rin. Kasi gusto kong maging organized ang book club ko.

Parte kayo ng book club na 'to, so sana gawin n'yo rin ang part ninyo as members. Hindi naman ako nanghihingi ng ibang bagay. I just need your cooperation. I just need your comments. Mahirap bang ibigay yon? Kung nahihirapan kayo, maraming ibang book club diyan, yung walang maarteng admin. Choice ninyong umalis anytime ninyo gustuhin. Tutal iiwan n'yo rin naman 'tong BC pagdating ng pasukan, di ba? Wala akong magagawa kung gusto na ninyong mauna. Basta ako, gagawin ko yung part ko. Aalagaan ko ang book club na 'to at yung mga members ko na sumusunod sa tasks. Magiging unfair sa kanila kung sila ginawa nila ang dapat gawin tapos yung iba walang ginawa pero pasok pa rin sa pairings.

Hindi na nga ako masyadong naghihigpit sa lagay na 'to, minsan mali yung reply sa task or sa ARA pero dahil tapos na sa task, nagbigay ako ng consideration.

I'm not someone heartless, guys. Sharp lang ako magsalita/ magsulat. Bossy ako, alam ko. Diktador ako, alam ko. Pero alam ko naman kung kailan ako dapat maging considerate. Bipolar eh. At sa totoo lang, kahit ganito ang attitude ko, ayoko kayong magalit sa'kin. Now if you don't have the heart to understand me and my point, then it's not my loss.


After this, hindi na ako magtataka kung maraming magku-quit sa BC. I'm just being myself. Matira matibay dito.


"If you can't handle my worst, you ain't getting my best."

SDA Book Club (Second Wave)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon