Rules, Guidelines and Tasks

361 35 83
                                    

Rules and Guidelines:

Bukod sa requirements, syempre mayroon tayong General Rules and Guidelines na kailangang sundin para sa isang mas maayos na book club.

1. Be Active. Be active na naman? Paulit-ulit! Oo, paulit-ulit. Ganyan talaga pag mahalagang bagay, kailangang ulit-ulitin. Mahalagang maging active ka. Para saan pang sumali ka sa book club na 'to kung wala ka naman palang balak na magpaka-active?

2. Be Friendly. Bawal ang snob. Bawal ang bully. Bawal ang harsh. Ako lang pwede. Maging mabait tayo sa iba. Huwag akong gayahin. Ayon sa I Want to be Famous ni @NickUskoski, mahalagang maging friendly tayo sa iba. Mas malamang nga namang basahin ni friend ang kwento mo compared kay stranger na kinalatan mo lang ang inbox at message board para mag-advertise ng kwentong hindi mo naman alam kung babasahin niya nga.

3. Be Busy. Thrice a week po ang pairings natin at magaganap ito tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Lubus-lubusin na natin ang pagiging active. Makipag-pair tayo palagi para mas mabilis tumaas ang bilang ng reads at feedbacks ng ating mga libro. Yun naman ang gusto nating mangyari dibadibs?

4. Be Generous. Ang layunin natin ay tulungan ang isa't isa. Maging mapagbigay naman sana tayo lalo na ng mga constructive criticisms para sa ikauunlad ni partner bilang manunulat.

5. Be Punctual. Tapusin po sana natin ang ating tasks on time. Kung hindi magagawa ang task, mangyaring mag-pm lang kay partner para naman hindi siya nababaliw sa pag-iisip na baka tinaguan mo na siya.

Madali lang di ba? Ngayon naman, dumayo tayo sa task. Pero bago yan, para masigurado kong binabasa mo nga ang mga nakasulat sa itaas, gamit ang iyong app, i-quote ang sentence na ito at i-comment ang salitang "gets!" Sa mga naka-web/ pc/ lappy naman, i-comment sa ibaba ang inyong favorite color.

TASK

Ang "task" ay ang dapat gawin ng bawat miyembro sa kada pairings. Mayroon lang tayong tatlong (3) tasks. At iyon ay ang sumusunod:

1. Basahin ang unang limang kabanata ng libro ng iyong partner. Kabanata. Ibig sabihin, hindi kasama sa bilang ang hiwalay na author's note, character introduction, synopsis, o kung ano mang chorva. Ang prologue, kung mayroon man, ay kasama sa bilang.

2. Mag-iwan ng komento sa bawat kabanatang babasahin mo. Anong klaseng comment? Do unto others what you want others do unto you. Huwag mag-comment ng mga walang ka-kwenta-kwentang comments. Alalahanin ang Code of Conduct-Magbigay ng suporta at kapakipakinabang na puna. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pagbibigay ng kapaki-pakinabang na puna, maaari kayong magtungo sa "The Critic Guide" ng account na ito (@SDA_BookClub). Voting is optional.

3. Bumalik sa pahina ng pairings at mag-comment ng done with @username ni partner kung tapos ka na sa tasks 1 and 2. (Siguraduhing tapos ka na sa tasks 1&2 bago gawin ang task 3 kundi kukutusan kita!) Pagkatapos nito, mag-fill up lang ng bagong form sa attendance para makasali sa susunod na pairings.

Ang anumang katanungan ay maaaring i-comment sa ibaba. Just remember requirement number 3.

SDA Book Club (Second Wave)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon