Requirements

458 35 83
                                    

Para makasali sa book club na ito, dapat mo munang malaman ang limang madadaling requirements. Iba pa ito sa rules, guidelines o task. Ang limang iyon ay ang sumusunod.

1. Wattpad account. Syempre, unang requirement yan. Kelangan mo ng Wattpad account para makasali. Hindi ka lang naman kasi magbabasa, mag-iiwan ka rin ng comments sa makakapartner mo. Mahirap makipag-interact kung wala kang account.

2. Tagalog story with at least 5 chapters. Yes, ito ay isang writer's book club. Pwede rin namang sumali ang mga non-writers pero mas magkakaroon kasi ng interaction kung ang magkapartner ay parehong writer.

> Tagalog story. Pwede ang taglish. Basta nakalista siya under ng language ng Filipino, pasok na sa banga! Tumatanggap ang book club na ito ng any genre, basta tagalog.

> At least 5 chapters. Lugi ka kasi kung one-shot ang ipapasa mo or kung less than 5 chapters pa lang ang iyong libro. Mas maganda rin kasi kung mahaba-haba na ang naisulat mo bago isabak sa anumang book club.

3. Marunong magbasa. Iba ang "basa" sa "scan". Hindi ito picture para i-scan mo lang. Basahing maigi ang lahat ng nakasulat sa book club kung gustong sumali. Magiging mahigpit na ako sa bagay na ito. Hindi na ako sasagot ng tanong kung ang sagot ay nakasulat na. Basahin ang lahat ng kailangang basahin bago mag-sign up o magtanong para malinaw.

4. Maging active. Lubhang mahalaga na ang bawat miyembro ng book club na ito ay maging active. Bawal dito ang mushroom na susulpot lang pagkatapos umulan. Bawal din ang multo na magpaparamdam lang pag undas. Pag sinabing active, yung tipong kaya mong mag-online sa Wattpad ng at least 10 minutes araw-araw. Oo, requirement yan. Active nga eh. May active bang laging offline? Kung lagi ka namang active sa online world, ugaliin ding maging active sa club na ito.

5. Maging masunurin. Sundin ang lahat ng rules, lalo na ang requirement no. 3. Ang book club na ito ay susunod din sa Wattpad Terms of Use, Content Guidelines at Code of Conduct. Inaanyayahan ang bawat magpapatala sa book club na ito na sundin ang mga nabanggit upang maging mabuting Wattpad netizen. (Ngayon, kung hindi ka naging masunurin sa task sa first page... #LamNaDesu!)

Ngayon, gusto kong i-test kung talagang marunong kang magbasa at kung talagang masunurin ka.

Gamit ang iyong app, i-quote ang sentence na ito at i-comment ang favorite food mo. Kung ikaw ay naka-web/ pc/ lappy o mobile pero hindi app, i-comment ang salitang tubig. Marami nang nag-send ng maling codes. Madamot ako so I won't give any more considerations this time. Matuto pong magbasa. Matutong sumunod sa instructions. Thank you.

SDA Book Club (Second Wave)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon