C - 36

150 5 0
                                    

Ashtrielle Velasco

Tatlong araw na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay wala pang nagigising sa kanilang dalawa. Araw araw din kaming nandito para bantayan sila, palagi rin kaming dinadalhan ni Ashley nang pagkain at mga damit.

Na patawag din sa akin si kuya na uuwi sila ngayon, at noong nalaman ni zavier ang nangyari ay nagpabook na siya kaagad para makabalik dito .

"Ash kumain ka na muna, hindi naman aalis nang tulog si Lara" masama kung tinignan si Keshia dahil sa kanyang sinabi, pati ba naman tulog dinadamay.

Kakabigay lang kanina ni Ashley nang pagkain at nasa silid siya ni nanay para samahan ito dahil wala naman daw siyang gagawin ngayon. Nakakahiya narin sa kanya dahil hindi niya naman ka ano-ano ang kanyang binabantayan.

Tumayo nalang ako bago kinuha ang naka tupperware na mga pagkain, hindi ko alam kung siya ba ang nagluto nito dahil halatang hindi galing sa restaurant.

"Ash, paano kung bumalik sila at baka ikaw na ang mapapahamak, sinasabi ko talaga sa asawa mo kapag may nangyaring masama sa iyo malalagot siya sa akin" napatawa ako nang mahina dahil sa kanyang sinasabi bago pinagpatuloy ang kumain.

"Kaya kailangan nating magingat dahil hindi natin alam na baka naka abang lang sila" nabaling ang tingin nito sa akin habang kumakain ako at muling kumunot ang kanyang noo.

"Ano ba talaga ang kailangan nila?" pareho kaming napaseryoso dahil sa katanungan na hindi parin namin malaman ang sagot. Umiling nalang ako sa kanyang naging tanong.

Napatigil ako sa pagsubo dahil bigla akong nakaramdam ng kakaiba parang bumabaliktad ang aking sikmura, kaya dali dali akong tumayo at dumeretso sa banyo. Narinig ko ang yapak ni Keshia na sumunod sa akin at agaran niyang hinagod ang aking likod.

Pagkatapos ang nangyari ay kaagad kaming bumalik at nagtataka parin ang kanyang mga tingin sa akin.

"Ano bang nangyayari sa iyo? You're not even sick" umiwas ako ng tingin dahil hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang katotohanan,ayokong ipaalam muna sa kanila lalo na't nasa panganib pa ang aming kalagayan.

"Siguro may nakain lang akong hindi nagustuhan ng aking sikmura" walang pagaalinlangan kong sagot at umirap naman ito.

"Sa dami ba naman ng kinain mo, ilang tupperware na nang pagkain ang naubos mo" tinuro pa niya ang walang laman na mga tupperware kaya masama ko siyang tinignan.

"Anong madami, dalawang tupperware lang ang kinuha ko" pagdedepensa ko bago niligpit ang aking kalat.

Pagkatapos kong malinis lahat ay kinuha ko narin ang damit na dala ni Ashley dahil kailangan ko na ring maligo.

Kakatapos lang ni keishia kanina at hindi ko naman kaagad naalala dahil  biglaan akong tinawagan ni tito dahil sa mga pasyente na Aasikasuhin ko.

Kahapon din ako bumalik para gawin ang aking trabaho at mukhang marami nanaman ang naka abang na kailangan kong harapin.

"Keshia titignan ko lang si nanay, kailangan ko munang palitan si Ashley baka naghihintay na iyon" pagkatapos kong maligo ay sinabihan ko na siya kaagad para hindi niya ako hanapin.

Tumango lang siya bilang pagsang-ayon kaya lumabas na ako kaagad at tinungo ang silid ni nanay. Habang nasa hallway palang ako ay isang pamilyar na lalaki ang aking nakita hindi ako maaaring magkamali dahil siya ang nagtungo dito na nakita ko noon.

Sino ba talaga siya?

"Ash nakabalik ka na pala" napalingon ako sa aking likuran at isa sa mga katrabaho ko ang nakangiting sumalubong sa akin. Tanging pag ngiti lang ang aking naisagot bago ko muling binalingan ang lalaki pero napakunot ang aking noo dahil wala na siya sa kanyang pwesto.

I'm His Personal Doctor Where stories live. Discover now