C - 13

184 9 0
                                    

Ashtrielle Velasco

Nagulat nalang ako ng may isang lalaking lumabas sa isang madilim na sulok at bigla nalang niya akong tinutukan ng baril.

Pinagkatitigan ko lang siya ngunit mayroon itong suot na Mask at sumbrero na kagaya ko kaya hindi ko siya makilala ng lubusan.

Nang mag tama ang aming paningin ay pinaningkitan ko siya ng mata, bakit parang napaka pamilyar ng kanyang mga mata?

Parang nakita ko na siya.

Hindi muna ako gumalaw at hinintay siyang magsalita pero parang wala din siyang balak kausapin ako.

Siya na ba ang tinutukoy ng lalaki na makikipag palitan ko? Pero bakit parang hindi niya kasama ang kanyang tauhan.

Napaiwas nalang ako dahil sa paraan ng kanyang pagitig parang sinusuri niya ang aking mukha, pero alam kung hindi niya ako kaagad makikilala.

Magsasalita pa sana muna ako nang may marinig na akong mga yapak galing sa pinto na paparating sa amin.

Napalingon muna ako sa likod ko dahil parang may isang taong dumaan pero laking gulat ko nalang nang hilahin ako ng lalaking kaharap ko kanina at nagtago kami sa pader.

Doon nadin nagsimulang mabuksan ang pinto at lumabas ang mga kalalakihan.

Napatingin ako sa lalaking ito na hawak parin ang aking braso at bago tumingin sa folder na hawak ko.

"don't go ahead with what you're planning because you'll only get hurt so just give me what you're holding, I promise you'll get out of here safely" ganun nalang ang pagkagulat ko at tumingin sa kanya ng marinig ang kanyang boses.

Teka bakit siya nandito at anong ginagawa niya? Hindi ko akalain na siya pala ang lalaking kaharap ko ngayon.

"Stop staring at me just give me what you're holding" muli nitong wika at bakas ang pagkaseryoso niya.

Inalis ko ang kamay niya sa aking braso at matalim siyang tinignan. Saka ko lang ibibigay ang hawak ko kapag na sigurong ligtas ang bata.

"Alam kong nandyan kana! Huwag kang magtago dahil kapag pinag hintay mo pa ako mamamatay ang bata" isang boses ang narinig namin mula sa labas ng pinto at nakatingin ito sa bawat sulok.

Gusto kong sabihing huwag niyang sasaktan ang bata at ibibigay ko ang kailangan niya pero mas pinangungunahan ako ng pag-aalala dahil nandito siya.

"Bibilang ako hanggang tatlo kapag hindi ka pa lumabas mapipilitan akong patayin siya" muli nitong sigaw at narinig ko ang pag iyak ng bata na may dalawang lalaking naka hawak sa kanya.

Pati bata dinadamay nila sa mga walang kwentang bagay.

Hahakbang na sana ako pero bigla nalang akong pinigilan ng kaharap ko.

" Where are you going?" hindi ko siya pinansin at lumingon lang ako sa lalaking ngayon ay nagsimula nang magbilang.

Hindi ko na alam ang ginagawa ko pero nagsimula na akong maglakad kaso napahinto ako ng hawakan niya ang aking kamay bago nagsalita.

"I'll go with you" malamig nitong wika at naunang naglakad habang hawak ang aking kamay.

Hindi niya parin ako nakikilala dahil mukhang wala itong balak pang kilalanin ako.

"Pinagbilang niyo pa talaga ako para lang lumabas kayo sa mga lungga ninyo" natatawang wika ng lider nila at bago ito tumingin sa akin.

"Mukhang dinala mo nga ang kailangan ko, kaya ibigay muna" nakagising wika nito habang inilahad ang kanyang kamay.

I'm His Personal Doctor Where stories live. Discover now