C - 10

275 9 0
                                    

Ashtrielle Velasco

"Im sorry" mahinang wika ko at doon na siya kumalma bago paandarin ang kotse.

Tahimik lang ako dahil mamaya ko na siya tatanungin dahil baka magalit nanaman ito ng wala sa oras. Alas dyes na pala ng gabi kaya medyo madilim na sa paligid.

Pagkarating namin sa kanyang bahay ay tumulong lang ang kanyang tauhan na buhatin ang aking mga gamit para ilagay sa taas.

Tulog na siguro ang mga kasambahay, sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa tapat ng kanyang silid.

Teka saan pala ako matutulog hindi naman pwedeng sa kanya ako makikitulog.

"Doon muna ako sa guestroom" tumingin ito sa akin at masama niya akong tinignan.

Binuksan lang niya ang pinto at dahil nakahawak pa ang kanyang kamay sa akin ay hinila nanaman ako nito.

"From now on you will sleep in this room" nakakunot noo ko siyang tinignan dahil sa kanyang sinabi.

"Zavier, hindi pa -" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang bigla nalang siyang lumapit sa akin na ikinaatras ko.

" this is our room sa ayaw at sa gusto mo" mahinahon nitong wika bago ngumisi sinamaan ko lang din naman siya ng tingin.

"Sino ang mga taong sumugod sa bahay ni Lara at bakit ikaw ang hinahanap nila?" sumeryoso ang kanyang mukha nang magtanong ako.

"Lets not talk about that it's already night you need to rest" mahinang wika nito at pumasok sa banyo.

Napairap nalang ako sa kawalan bago ilagay ang aking mga gamit sa kanyang closet. Malawak naman ang kanyang silid at maraming bakante kaya kakasya dito ang aking mga damit.

Nang matapos na ako ay kumuha lang din ako ng pantulog na gagamitin ko bago hinintay itong lumabas.

Ilang minuto ay narinig kong bumukas ang pinto kaya agaran akong nagtungo doon pero kaagad din akong na patalikod ng makita itong nakatapis lang.

Hindi ba nito alam na kasama niya ako.

"Magdala ka ng damit mo kapag naliligo ka nandito pa ako zavier" nainis kong wika pero tanging paghalakhak niya lang ang aking narinig.

" Don't be shy, It will also be yours" hindi ko narinig ang kanyang sinabi dahil nagpunta na ito sa closet.

Pumasok lang ako sa banyo at sinimulan ko nang maligo. kalahating oras ay natapos din ako syempre nakasuot na ako ng pantulog bago lumabas.

Hindi ako sanay na nagpapalit sa labas lalo na't may pagka assuming ang kasama ko.

Nakita ko siyang nakaupo sa kama at may hawak na gamot, napatingin pa ito sa akin ng makitang kakalilabas ko lang sa cr.

"Come here" umupo lang ako sa kanyang tabi at sinimulan lang din niya ulit gamutin ang sugat ko.

Pagkatapos niya ay ililigpit na sana niya ang first aid pero pinigilan ko ito. Alam kong hindi pa masyadong magaling mga natamo nitong sugat sa kanyang katawan kaya kailangan din itong magamot.

"Remove your shirt" seryoso kong wika dahilan para ngumisi ito, iba nanaman ang nasa utak.

"Gagamutin ko lang ang sugat mo zavier"

Kaagad naman niyang tinanggal at napaiwas ako ng tingin dahil sa kanyang mga titig.

Napalunok ako nang makita ang kanyang katawan, 'Ash huwag kang mailang dapat masanay kana dahil matagal ka namang gumagamot ng pasyente mo '

"Are you done checking my body doc." umiwas ako dahil bigla kong naaalala ang sinabi nito noong una kaming magkita.

Ako na ang nagligpit ng gamit at humiga lang ito sa kama. Saan ako ngayon matutulog, malawak naman ang sofa kaya kasya ako.

I'm His Personal Doctor Where stories live. Discover now