C - 08

244 10 0
                                    

Ashtrielle Velasco

Nagtataka parin akong nakatingin sa kanya dahil hindi ko akalain na ganito ang magaganap. Pero paano siya ang naging anak ni tita eh iba ang kanyang apelido.

Nanlumo ako ng magsalita si tita at parang nakaramdam ako ng galit dahil sa kanya.

Niloloko ba niya ako? May alam na ba siya tungkol dito. Pero bakit kailangan niyang itago pa ang katauhan niya sa akin.

"Iha! this is my son" tumingin lang ako sa kanya at napansin kong hinawakan ni kuya ang aking kamay. Siguro ay may alam din ito sa nangyayari.

"Zavier? bakit hindi mo sinabi kaagad? may alam ka ba tungkol dito?" may bahid na galit kong wika pero hindi niya manlang ako tinapunan ng tingin at nakikita ko sa mga mata nito ang lungkot.

"Anak magkakilala na pala kayo?" si Mom na ang nagsalita pero hindi ko siya sinagot.

Hindi ko maintindihan kong bakit kailangan pa nilang gawin ito. Pinagkakaisahan ba nila ako?

"We need to do this for your own safety" tipid niyang wika at tumalikod ako sa kanya ng tumulo na ang aking luha na kanina ko pa pinipigilan.

Bakit ako umiiyak? Hindi ka dapat maniwala sa kanya Ash, baka niluluko ka lang niya. Pinunasan ko ang aking luha at hinarap ko ito.

Nakita ko ang pagpipigil nito ng galit pero galit parin akong tumingin sa kanya. Nang hahawakan na sana niya ako ay tinabig ko lang ang kanyang kamay.

"Mom, sabihin niyo nga sa akin? Bakit kailangan ko pang gawin ito?"

"anak, alam kong nagagalit ka sa amin pero kailangan mong tanggapin ito dahil para nadin sa kaligtasan mo" naguguluhan akong tumigin sa kanya at may bahid na lungkot ang kanyang mukha.

Kaligtasan? May alam ba sila sa nangyayari sa akin?

"Ash alam kung hindi mo ito kaagad na matatanggap, pero nagaalala kami para sa iyo" tahimik ko lang pinakinggan si kuya ng tumayo ito at hinawakan ang aking pisngi. Nakita ko pa ang pagyukom ng kamao ni zavier pero hindi ko siya pinansin.

Gusto kong umalis pero ayokong isipin nila na wala akong galang sa kanila kaya naisipan ko nalang umupo at hindi na umimik.

Naguusap lang sila mom at tita pero tahimik lang din ako. Nakatingin lang sa akin si zavier pero hindi ko ito binalingan ng tingin.

"Ash saan mo pala nakilala si zavier?" tanong ni tita at napansin ko pa ang pag sulyap niya sa akin.

"Naging pasyente ko siya tita and now I'm his personal doctor" paliwanag ko at nagulat pa ito bago ngumiti.

"Mukhang kayo nga talaga ang tinadhana" umiwas lang ako ng tingin sa kanyang sinabi.

Gusto kong magtanong kay tita tungkol kay zavier pero baka magka gulo lang kaya mamaya na at siya nalang ang kakausapin ko. Nang matapos na kaming kumain ay nag-uusap usap pa muna sila dad at ang magulang ni zavier.

"Ash, are you okay?" bulong ni kuya sa akin pero umiling lang ako. Gusto ko munang umuwi.

"Mom I need to go, may trabaho pa ako bukas" tumayo na ako at nakangiti naman itong tumingin sa akin...

"Im sorry sana maintindihan mo" niyakap ako nito at ngumiti lang ako sa kanya.

Sana nga maintindihan ko!

"Im sorry tita but I have to go" pagpapaalam ko kay tita at hinawakan ako nito sa balikat bago ngumiti.

"I understand iha, magiingat ka zavier ihatid -" hindi ko na siya pinatapos nang magsalita na ako.

I'm His Personal Doctor Where stories live. Discover now