C - 28

146 5 0
                                    

LARA

Siguro medyo malayo ang pupuntahan namin dahil dalawang oras na kaming bumabyahe, baka hapon na kami makarating.

Tumigil pa kasi kami kanina sa isang restaurant para kumain dahil kanina daw ay hindi pa sila kumakain sapagkat maaga naman kaming nakaalis.

Hindi rin ako makaidlip dahil kanina pa nag babangayan ang dalawa sa likod ko. Kulang nalang ay magsabunutan na sila.

paano ba naman hindi maiinis si Keshia sa babaeng ito kung makalapit kanina kay Raven akala mo may relasyon sila pero magkakilala lang pala.

Napansin ko ang pagiling iling ni dracey sa aking tabi, siya ang nagmamaneho at katabi ko lang siya, kanina nga nagpumilit si Ashley na siya ang uupo dito pero hindi naman pumayag si dracey dahil ayaw niyang may maingay na katabi kaya wala siyang nagawa!!.

"Bakit pa kasi tayo nag sama ng outsider" naiiritang pagpaparinig ni Keshia sa amin kaya napatawa ako nang mahina at nainis naman ang babaeng ito.

Kanina kasi pagsundo namin kila Keshia ay nagtaka ako dahil may dinaanan pa kaming isang bahay at wala naman kaming kilala na sasama pa, pero sinabi sa akin ni dracey na magka bussiness ang Mom ni zavier at ang pamilya nang babaeng ito at sasama din sa amin patungo doon.

Sinabi daw ni zavier na dito siya makikisabay dahil ayaw nitong may iba pang nakakasama maliban kay Ash.

"Are you referring to me?" maarteng tanong niya habang nakataas ang kanyang kilay.

Hindi nalang kumibo si Keshia at kay lia niya itinuon ang kanyang atensyon.

Nasa iisang van kami, dahil ayaw naman daw na magmaneho ni Raven kaya wala na kaming nagawa kundi magsasama nalang.

Mabuti pa si Ash kasama ang kanyang asawa, nakakainggit na nga eh dahil talagang napaka sweet nilang tignan.

Kahit kailan hindi na talaga sila ma paghiwalay lalo na si zavier ni hindi nga niya kami pinapayagang kasama si Ash, eh na sosolo na nga niya araw araw.

"Nasaan na daw sila?" pareho kaming napatingin kay dracey nang magtanong siya ,siguro ay sila zavier ang kanyang tinutukoy.

"I don't know" tipid na sagot ko dahilan para mapatingin siya saglit sa akin. Hindi ko naman alam kong ako ang kausap niya o si Raven, napangiti nalang siya bago muling itinoun sa daan ang kanyang atensyon.

Kaagad kong kinuha ang aking cellphone sa bag ko, a alamin ko nalang kong nasaan na sila. Baka naman na date pa ang dalawa!!!.

Kaagad kong idinial ang number ni Ash, naka dalawang ring palang ay sinagot na niya kaagad.

["Nasaan na kayo?"] deretsong tanong ko at napakunot ang aking noo nang marinig ang boses ng isang katulong ni zavier.

Hindi pa sila umaalis?

["Susunod nalang kami, may tinapos pa kasi si zavier"]

Tumango nalang Kao sa kanyang sinagot at may mga sinabi din ako sa kanya, nag-usap lang kami nang ilang minuto bago siya nagpaalam dahil aalis na daw sila.

Nagtaka ako nang mapansing walang kahit anong ingay ang narinig ko galing sa loob, mukhang napagod na silang dalawa!.

Lumingon ako sa kanilang pwesto at nakatulog si lia sa kandongan ni Raven habang nakasandal naman si Keshia sa balikat nito. Nakasuot naman nang shade si Ashley habang nakasandal sa upuan.

⚕️

Pagtingin ko kay dracey ay seryoso lang siyang nagmamaneho, hindi ba siya napapagod? Kanina pa kasi siya nagmamaneho.

I'm His Personal Doctor Место, где живут истории. Откройте их для себя