Chapter 19

892 33 6
                                    


"Fabulous, napakaganda mo Valeria!" Medyo nagpanting ang tenga ko sa tinawag sa akin ng baklang nag-ayos sa akin, hindi kasi ako sanay na tinatawag na Valeria lalo na ng mga taong kakikilala ko lang. Ngumiti ako at humarap sa salamin, indeed I look fabulous. 


Nakalugay ang buhok ko at nakakulot ang ibabang bahagi nito. Masyadong revealing ang suot kong backless black dress na hapit sa akin hanggang tuhod, may slit ito sa kaliwang hita kaya naman sobrang sexy kong tignan.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Thank you." Ang naibulalas ko. Gandang-ganda ako sa aking sarili habang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin.


"Nah, inayusan lang kita madam. Your beauty is natural. For sure mapapatulala ang lalaking makakakita sa'yo mamaya." Hiyaw pa niya.


Napakagat labi ako. Magugustuhan kaya ni Sandriel ang suot ko? 


Pumasok si Aidan sa loob ng silid ko, tapos na rin siyang ayusan gayundin si mama na nakamasid sa may pintuan. 


"I guess everything is ready, natext ko na ang driver na ipapadala dito ni Mr. Altamonte, he's on his way." Sabi ng babaeng sa tingin ko ay nagtatrabaho kay Sandriel.


Napatango ako. Nilingon ko si Aidan tumakbo ito palapit sa akin at yumakap sa binti ko. "Mommy, you're so gorgeous." Ngiting ngiti ang anak ko habang nakatingala sa akin. Yumuko ako para pantayan sa Aidan.


"You too baby, you look so handsome." I pinched the bridge of his nose and he just giggled.


"Ikaw rin ma, ang ganda mo." Baling ko kay mama. She flipped her hair and we both laughed, napatawa narin ang mga kasamahan naming nag-ayos sa amin.


Kinuha ko na ang black glittery purse bag ko at inilagay ang aking cellphone. Nag-aayos na ngayon ang mga make-up artist and hairstylist dahil aalis na ang mga ito. 


Si mama at Aidan naman ay nakaupo sa couch ng living area habang hinihintay namin ang pagdating ng driver.


Natapos na sa pagliligpit ng gamit ang mga narito at ready na silang umalis. Nagpaalam na sila sa amin. Samantala yung isang babae na nagtatrabaho kay Sandriel ay kasama parin namin para siguraduhin na makakarating kami ng maayos sa venue.


"Mommy, I'm so excited to see tito pogi again."


Hiding the Professor's SonOn viuen les histories. Descobreix ara