Chapter 5

798 25 7
                                    


Last day of finals and everything went smooth. Nang dumating ang hapon ay tila langit sa pakiramdam ko. I called mama to ask if Aidan is okay, bumalik na naman daw ang lagnat niya. Nang iwanan ko siya kanina ay maayos na naman ang lagay niya. Maaga akong umuwi at sa araw na iyon ay himalang walang Sandriel Altamonte ang nakasalubong ko sa hallway o kung saan man sa campus.


The next days, may mga rashes na sa ibang parte ng katawan ni Aidan, nakakabahala na at yung lagnat niya pabalik-balik parin, nagsusuka din si Aidan and I already have a hint na baka may dengue siya.


Sinabi ko agad kay mama na dalhin na namin sa hospital si Aidan. She immediately packed things that we can bring to the hospital. Ako ang nagkarga kay Aidan as we marched our way to the hospital lobby.


The doctor did some tests with Aidan and my assumption was right, Aidan is confirmed with dengue.


Aidan is confined in the hospital for further monitoring. Kawawa naman ang anak ko.


Sa sumunod na araw, doc meet with me and what she said shocked me.


"Aidan needs a blood transfusion, ang baba na ng platelets niya Val. We need to do the transfusion as soon as possible."


"Ako doc, you can test me."


I was tested, I am desperate, mas gugusuhin kong ako nalang kesa siya ang nahihirapan. Si mama uwuuwi sa bahay to prepare food and kumuha ng gamit.


"Sorry Val but  you and your son's blood type didn't match, we need to find someone who's compatible with your son's blood type." Saad ni doc after the blood test. 


Doc paused na tila nag iisip. "How about the father? Baka compatible sila ni Aidan." Natigilan si doc ng may mapagtanto. Doctor Osmena has been Aidan's doctor ever since kaya alam ni doc ang lagay ni Aidan.  "Oh, sorry. Ngunit Val, we need a blood donor, we need to do the transfusion as soon as possible."


Nang iwan ako ni doc dumating si mama. Tulala lang akong nakatingin sa puting pader.


"Kamusta daw? Is Aidan doing any better, anak?"


"Ma, Aidan needs a blood transfusion. I have checked pero di kami compatible ni Aidan." Pumiyok ang boses ko. Mama came to me and hugged me.


"Meron 'yan anak, tiwala lang." She said while caressing my back.


Mugto ang mga mata ko nang mag punta ako sa maliit na chapel station ng hospital. I'm asking guidance from God kung ano ba dapat ang gagawin ko. Should I tell Sandriel about the condition of his son? Pumatak uli ang mga luha ko. Now is not the time to become selfish, si Aidan ang nakasalalay dito.


@ValCalustre
Sandriel, pwede ba tayong magkita?


I sent a message on Sandriel's Instagram. Maya-maya pa'y nakakuha din naman ako ng reply.


@RielAltamonte_
Sige, may nangyari ba?

Hiding the Professor's SonΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα