Chapter 16

879 27 13
                                    


Gulat na gulat ako nang tabihan ako ni Sandriel, umakbay pa ito sa akin na nagpagulat sa mga kasama kong babae.


"Wag mo na akong tawaging prof, wala na ako sa serbisyo." Tumingin siya kay Lyra na halatang naguguluhan sa nangyayari. Paulit-ulit niya akong sinusulyapan nanghihingi ng clue o kung anumang kasagutan sa tanong na tumatakbo sa isipan niya. Kung nagawang magkimkim ni Lyra ng tanong si Solene, hindi.


"Magkakilala pala kayo? Para kayong close or something na may kaugnayan sa isa't isa." Napapikit ako.


"Sabagay si Sir Sandriel nga pala ang nakapagpatahan sa anak mo noong nag exam tayo. Who knows what happened after that incident."


Nakalimutan kong kaklase ko din pala sila sa subject na itinuturo ni Sir Mundo, malamang ay nasaksihan din nila kung paanong napatahimik ni Sandriel si Aidan.


Tumikhim ako at sinulyapan si Sandriel nanghihingi ako ng tulong sa kanya para malusutan ang sitwasyong ito. Na-gets niya naman yata ang ibig kong sabihin dahil nagsalita narin siya sa wakas.


"Nandito kayo para mag celebrate hindi ba? Kaya magsaya nalang tayo sa success ninyo mga binibini." Saad niya at nagtaas ng isang beer na sinang-ayonan ng mga lalaki at gumaya kay Sandriel, napairap ako. Nagkakasundo talaga ang mga pare-parehong pakpak.


"Babe, stop asking them questions. Wala ka nang pakealam sa kanila, magsaya nalang tayo. Diba pre?" Saad ni Marky at bumaling kay Sandriel.


"Mismo, bull's eye pre!" Nagtawanan silang tatlo, nakisali narin si Marco sa kanilang dalawa.


"Let's have a toast for our beautiful ladies here!" Saad ni Marco sabay taas ng bote ng beer sa ere. Sumunod kami sa kaniya at sabay-sabay na uminom. Naghiyawan kami at nagtawanan. Kanina lang nasa hotseat ako, ngayon naman parang nasa cloud nine na ang pakiramdam ko dahil sa alak.


Sa pagtakbo ng oras mas napaparami kami ng inom. The music goes wild too kaya nagsayawan na sila sa gitna kahit si Lyra na walang kapares ay andon narin sa dance floor at umiindak narin sa musika.


"Baka gusto mo ring sumayaw?" Napalingon ako kay Sandriel na prenteng nakaupo sa couch. Ang gwapo niya sa suot niyang whit t-shirt at itim na pantalon, napakasimple pero ang lakas ng hatak.


"I'm fine. Dito nalang ako." Tugon ko at muli siyang tinalikuran. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon.


"Galit ka ba sa akin?" Napairap ako sa tanong niya. Ngayon niya lang ba narealize? Well, what to expect from a person like him, isa siyang malaking manhid. "Bakit ka naman magagalit? May ginawa ba akong mali?"


"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Naiinis kong tanong. Tumungga ako ng panibagong bukas na beer at ibinagsak sa mesa ang bote. "Sinusundan mo ba ako, ha? Bakit? Bakit Sandriel?"


Hindi siya sumagot, nakatingin lang siya sa akin. Ang kanyang mga mata ay may kung anong diko mabasa.


"Tsk, putangina mo." Tumayo ako ngunit napabagsak din ako sa couch dahil umiikot na talaga ang aking paningin.

Hiding the Professor's SonWhere stories live. Discover now