Chapter 15

961 31 4
                                    


Weeks had passed and I became busy with my thesis. Papalapit na ang thesis defense kaya halos mabaliw ako sa paghahanda, halos puyat lagi at kasama ang kape. Hindi na nga ako makakain ng maayos just to make sure na maayos ang daloy ng thesis ko.


The day of our defense came at halos maputulan ako ng hininga sa loob ng speech lab. Kaharap ko ang mga panelists, sinusuri nilang maigi ang aking papel. Tumango-tango sila at nagsimula na sa pagbato sa akin ng mga tanong. Confident akong sumagot, alam na alam ko ang pasikot-sikot ng papel ko dahil ako ang gumawa nito.


"Congrats, Miss Calustre. You did very well!" Nagpalakpakan sila sa akin at halos maiyak ako sa tuwa. Nagpasalamat na ako sa kanila at lumabas. Pagkalabas ko ng speech lab ay para akong tupa na nakalabas sa kwadra sa sobrang saya ko. Iyong pakiramdam na successful ang pinaghirapan mo. Ang saya lang. Ang saya saya ko!


"Thesis defended! Congrats, Val. Congrats sa atin." Napayakap pa si Lyra sa akin sa sobrang saya niya.


"Congrats sa atin, Ly!" Napatalon-talon kaming dalawa sa tuwa. Lumapit sa amin sina Janice at Solene at nakisali rin sa amin ni Lyra. Nagkukuwentuhan na kami tungkol sa experience namain habang nakaharap sa panelists sa loob. Yung kaba na di mawari, para kang maiihi na ewan. Now it's done, thesis defended!


"Mukhang deserve naman natin ng night out. Let's celebrate!" Anunsyo ni Janice na sinang-ayunan ng lahat maliban sakin. "Girls night out, Val. Ano di ka sasama?" Tanong ni Solene ng mapansin na tahimik lang ako. Nasa akin na ang atensyon nila.


"Di---"


"Uh-uh, no, no, no. Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo. My god girl, give yourself some time to enjoy." Niyugyog ako ni Lyra sa braso.


Napahinga ako. "Fine." Ngumiti sila at naghiyawan. "Mamaya, ha. Same bar. Enjoy natin ang gabi." Kumabog ng malakas ang puso ko. Matagal narin akong di nakakabalik sa lugar na iyon.


Nagtake out ako ng pagkain sa McDo, in such small ways to celebrate my small achievements just with my family. Tuwang-tuwa si mama ng malaman na successful ang ilang araw na pinagpuyatan kong thesis. Ganon din si Aidan na pinaulanan ako ng halik sa pisngi. Kahit sa ganitong paraan nalang maenjoy ko na kami lang.


Wala akong ibang magawa sa bahay. Nakaligo na ako ng ilang beses dahil sa init ngunit bored parin ako. Pinapatay ko lang ang oras. Naglinis ako ng kwarto, naglaba ako ng mga damit ni Aidan pati bedsheet ng kama nilabhan ko na rin. Nagulat pa si mama at napatanong kung may lagnat ba daw ako at ang productive daw ng hapon ko. Tinawanan ko lang ang nanay ko.


Saktong 6pm ng hapon naligo ulit ako, pang-apat na ligo ito sa araw na'to. Hindi naman ako excited pero gusto ko lang din maglibang.


"May lakad ka?" Tanong ni mama ng pumasok siya sa kwarto ko. Kumuha siya ng mga hanger sa aparador. Naglalagay ako ng light make up.


"Oo, girls night out. Nag-aya mga kaklase ko sa thesis." Sinulyapan ko siya na busy sa paghalungkat ng mga gamit sa aparador.


"Mabuti naman yan at lumalabas ka, hindi yong puro ka nalang mukmok sa kwarto mo. Daig mo pa ang ahas na naghibernate."

Hiding the Professor's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon