Prologue

2K 43 4
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Highest rank obtained: 

#1 in professor

#1 in child,

#1 in father

---

Prologue:

"Ma, asan ka na po ba?"

Tanong ko agad nang sagutin ni mama ang tawag ko. Nakatapat sa aking tenga ang cellphone  habang pinapatahan ko si Aidan.

"Nak, baka di ako makaabot dyan sa tamang oras ang traffic dito."

Nanlumo ako sa sinabi ni mama, hindi ako pwede umabsent today, final exam namin. Walang magbabantay kay baby.

"Ma, di ako pwede mag absent today. Alam mong finals namin."

Naiiyak na saad ko. This is the price of being reckless. Pero never kong kinamuhian ang anak ko, pinasok ko ang sitwasyon na'to kaya marapat lang din na panindigan ko ang consequences. Gaya nalang ngayon, walang magbabantay kay Aidan at hindi ako pwede umabsent. Our professors are very strict and will not give us any special examination, lalo pa't finals ngayon.

"Ma, dadalhin ko nalang si Aidan sa school. Wala akong choice."

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ang anak ko. I lay him down on the bed to prepare for his things that I need to bring. Nagdala ako ng diaper, extra damit, gatas at iba pang gamit na kakailanganin ni Aidan. I put everything inside my bag.

Tiningnan ko ang mukha ng gwapo kong anak, walang duda manang-mana siya sa tatay niya. I sighed after remembering what happened.

Dahan-dahan kong kinarga si Aidan.

"Ma, I'll just hide the keys in the flowerpot outside the door. Madali mo lang 'tong mahahanap."

Saad ko at tinago ang susi sa malaking flowerpot na nasa gilid ng pinto.

After I hung up the call pumara na ako ng taxi, the whole ride feels awkward. I'm wearing my uniform at may dalang bata. The driver keeps on glancing on the mirror. Anong problema nito, ngayon lang ba siya nakakita ng babaeng may anak?

Nakahinga lang ako ng maluwag ng makababa na ako sa tapat ng school. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante kaya binilisan ko nalang ang lakad ko.

"You're late, Miss Calustre..."

Nanlamig ang buong katawan ko nang pagbukas ko ng pintuan ng room ay bumungad sa akin ang lalaking kamukhang-kamukha ng anak ko.

Hiding the Professor's SonWhere stories live. Discover now