2: Connor

293 14 0
                                    

Dali-dali akong nagpunta sa entrance gate for VIP tickets. Napatingin ako sa siko ko, "Tss." that annoying careless girl, nagkagasgas pa tuloy ako.

"Next po." rinig kong tawag ng security. Iniabot ko sa kanya yung ticket ko at nagulat ako sa sinabi niya.

"Sir, pasensya na po pero hindi po rito ang entrance gate for Titanium tickets." sabi niya sa akin.

"What are you saying? I have a VIP ticket, can't you--" naputol yung sasabihin ko nang ibalik niya sa'kin yung ticket.

'Titanium' basa ko doon sa ticket na hawak ko. What the?!

"That girl." napalingon ako sa paligid. Kailangan ko siyang makita!

I searched for her. Binalikan ko rin pati yung lugar kung saan niya ako nabundol pero hindi ko siya nakita. Oo, siya yung nakabundol sa'kin. Paano ba naman, may pagpikit pa siya kanina. Kung malanghap yung hangin kala mo sariwang gaya ng sa bukid. For short, para siyang baliw.

Di ba niya naisip, nasa gitna siya ng daan?! Paano kung mabundol siya? Paano kung matisod siya? Or worst, paano kung makaapak siya ng tae?

Hinahanap ko pa rin siya sa pero hindi ko talaga siya makita.

Apat na minuto na lang bago ang concert nang marinig kong pinatugtog 'yung isa nilang hit na kanta.

"Damn. Magsisimula na!" di ko mapigilang hindi magpanic. No choice. Kailangan kong makahanap ng magandang pwesto. Titanium na nga lang yung ticket ko tapos nasa pinakadulo pa ako!

"Kasalan 'to nung babae!" nanggagalaiti kong sabi. Gusot na gusot na yung ticket na hawak ko.

***

"Ang pangit tuloy ng kuha ko!" di ko mapigilang hindi mapamura habang pinapanood video na kinuhanan ko sa concert kanina.

Hindi ako galit kasi hindi ko nakuhanan ng ayos yung mga lalaking 'yon. Naiinis ako kasi hindi ko maiipakita kay Caroline ng close up ang favorite nyang boyband. Nangako pa naman ako sa kanya.

"Bro, okay lang 'yan." tatapik tapik si Travis sa likod ko.

Napatingin ako sa kanya at may bigla akong naalala.

Sayang lang at kulang yung mga kumag na nagconcert. 'Tong kamukha kasi nitong si Travis wala dun sa concert e. Sa pagkakaalam ko ang pangalan nung lalaki ay Zach.

Artistahin 'tong pinsan ko. Kaya nga kilig na kilig sa kanya ang mga babae.

Inalis ko naman yung kamay niya, naiinis pa rin talaga ako.

"Anong okay dun? Pag minamalas ka nga naman. Ang stupid kasi nung babae e!" Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan 'yung nangyari sa concert. Tuwing maaalala ko 'yung Titanium ticket na 'yon pati yung babae. Naiinis talaga ako.

"Swerte kamo nung babae. Biruin mo, sa isang iglap, nagkaro'n siya ng instant na VIP Ticket." tatawa-tawa pa niyang sabi.

"Ugh! Makita ko lang talaga 'yon, sisingilin ko 'yon. Kahit pa buhay niya ang kapalit."

"Chill bro. Oh, nandyan na pala si Penelope." nakita ko naman ang paglapit sa amin ni Pen. Dala niya yung tablet niya.

"Kuya, pasensya ka na. Medyo shaky yung kuha ko. Masyado kasi akong naoverwhelmed sa presence ni Hanson." tuwang tuwa niyang sabi. Isa pa 'tong si Pen, para rin siyang yung baliw na babae e. Lakas ng tama sa boyband na yun.

"Ok lang 'yun, atleast meron." sabi ko, "Pakibluetooth na lang."

"Okay. Gwapo talaga nila!" napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae at feeling ko, never ko silang maiintindihan.

Itong si Pen at si Caroline, pati na rin yung baliw na babae sa concert, ano ba talagang nakikita nila sa mga yun at patay na patay sila? Tao lang naman din sila. Humihinga at kumakain. Ano bang espesyal sa kanila at patay na patay ang mga babae sa kanila? Tss.

Ilang sandali pa ay natapos rin yung pagpapasa niya sa akin nung video. Medyo malaki rin yung file.

"Salamat."

"No thanks Kuya! Sayang lang at nawala mo 'yung ticket mo. VIP pa man din yun. Swerte siguro nung nakakuha no'n."

Ayan na naman 'yung issue about sa VIP ticket na nawala. Sa tuwing maaalala ko 'yong, umaakyat ang dugo ko sa utak. Asar.

"Pen laksan mo pa." sabi pa ni Travis, 'tong magkapatid na 'to. Kung hindi ko lang 'to mga pinsan, napagbuhol ko na 'to.

Napatingin ako sa relo ko.

Tanghali na pala. Pupuntahan ko pa si Caroline. "Sige, alis na ako."

Palabas na ako ng pinto nang habulin ako ni Travis.

"Sandali bro, ano ngang oras ng meeting mamaya?" tanong niya.

Meeting? Napaisip naman ako.

Oo nga pala, may meeting ang board mamaya. "1PM, don't be late."

"Ano pa nga ba?" napangiti siya "Kung pwede nga lang hindi pumunta. Day off ko naman e."

"Alam mong hindi pwede. Ikaw ang tagapagmana." biro ko.

"Anong ako? Ikaw kaya."

Ipinasa pa talaga. "Sus. Ikaw mas matanda sa'ting dalawa saka paborito ka ni Lolo."

"Ayos sana kung developing company kaso pabagsak na e. Katamad tuloy."

Nagkatawanan na lang kami. "Sige, aalis na ako. Mamaya na lang."

Tumango siya at tuluyan na akong lumabas.

Oo, tama si Travis. Pabagsak na ang kumpanya namin. Napabuntong hininga na lamang ako.

Muli akong napatingin sa relo ko. Bakit ganun? Bakit ang bilis lumipas ng oras? Bakit ang bilis lumipas ng panahon?

Parang kahapon lang ng isa pa lang akong musmos na batang walang ginawa kung hindi ang tumanggap ng napakaraming pera. Wala akong ibang ginawa kundi ang mag-aral, kumain, huminga at mabuhay. Parang kahapon lang ng wala pa akong masyadong pinoproblema.

Pero wala na e. Lahat lumilipas. Hindi ka naman habang buhay na magiging bata. Lahat tumatanda.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang video na ipinasa ni Phen.

'Siguradong matutuwa si Caroline.' sabi ko sa sarili ko.

Itinago ko na ang phone ko.

Binuksan ko na ang aking sasakyan at inistart ko na ang engine ng kotse.

"Sht, bakit ayaw?" Ilang beses kong sinubukang paandarin pero hindi talaga magbukas.

"Sht naman oh."

Inulit ko ulit pero wala talaga. Napatingin ako sa fuel.

Kaya naman pala.

Wala na akong choice.

Bumaba na ako at muling bumalik sa bahay nina Travis.

May video nga ako ng concert, ubos naman ang gasolina ko.

"Kapag nga naman minamalas ka."

The Least Compatible SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon