SECOND CHATBOX (by @cookiemelle)

237 24 456
                                    

Tungkol na naman ba saan ang kaartehang ito? Well, gusto ko lang ulit mag-rant. Deh, joke. Malapit na nga kasi ang opening of classes di ba? Isang linggo na lang. Kaya may special back-to-school announcement ako (naks!)


First of all, I just want to say thank you to all of you who had been part of this book club. And that I want to continue with this book club kahit pa nga ba magtatapos na ang bakasyon.


Yes, hindi ito ang pinakasikat na book club. Yes, hindi ito ang pinakamataong book club. Yes, hindi ito ang pinakamagandang book club. Pero kahit paano, this is one organized book club (sabi ko). Hangga't maaaari, we follow our schedule. At sa inyo na rin nanggaling, at home na kayo rito (oy walang magsasabing in-assume ko lang yan ah, wag n'yo 'ko ilaglag!)


What I mean is, napamahal na tayo sa book club na ito (di ba? Di ba? Pu-push ko talaga!) Masaya kayo rito (oo, ipinipilit ko) at marami kayong naging kaibigan kahit pa war freak at rant maniac ang inyong admin (ayan, wala nang kokontra for sure).


So, masakit sa'kin yung naging result ng 9th attendance (hindi sa late reaction ako, late ko lang talaga natapos yung dapat kong tapusin). Expected ko na rin naman yung mga sagot pero masakit pa rin. Majority, hindi sigurado sa kung magiging active pa ba sila. May nag-yes, may nag-no, pero karamihan hindi alam kung kaya ba nila o hindi.


Sisisihin ko na ang aking false optimism. May interpretation ako sa naging sagot ng karamihan. Ito yon: Gusto ko pang sumali pero gusto ko ring mag-aral nang mabuti.


Okay. That's understandable. Ito lang ang masasabi ko, tama lang ang desisyon ninyo. Writing may be your passion pero mahalaga pa rin na mag-aral kayo at makatapos.


Siguro yung iba, kaya rin maybe/ I'm not sure ang sagot ay dahil hindi pa sila sigurado sa mga schedules nila. Well, in my experience in my three colleges (oo ganyan ako kasutil at nagpalipat-lipat-lipat ako ng college!) nalaman kong hindi pala porke college student eh zombie na agad. Well, iba pa rin siyempre kung university student ka. Di hamak naman kasing mas madugo ang pag-aaral sa universities kesa sa mga simpleng colleges lang. Depende rin sa course.

Mahirap din kung irreg student ka, especially kung may mga hinahabol kay subjects dahil transferee ka or sadyang masipag ka at working student.


Sa high school naman... ewan ko. Iba na kasi ang high school ngayon kaya hindi ko na sigurado yung set up. Ang alam ko lang, mas mahirap na ang itinuturo ngayon sa high school compared sa mga itinuro sa amin nung batch ko. (Okay, ako na matanda. Dibale, dyosa pa rin wahahah!)


So... para saan nga ba talaga ang madramang speech este announcement na ito? Guys, I just want to say that I really don't want to give up this club. As you see, second attempt ko na 'to sa paggawa ng book club. Yung first attempt ko, fail. Ito, masasabi kong successful. Kaya nga gusto kong ituloy.


Pero alam kong hindi ko 'to mapapanindigan nang ako lang. Hindi ito magiging active kung wala kayo. At sa totoo lang, mas active pa nga kayo kaysa sa'kin eh. Kaya naman naisip ko na... mukhang kailangan ko na ngang isara ang book club na ito. *insert madramang background music here*


Pero! Tulad ng sinabi ko sa 9th attendance, gusto kong gumawa ng book club na pwede at kayang mag-adjust sa inyo. Alam ko naman kasing mahirap panindigan ang book club na ito kung nag-aaral na kayo. I mean, hello, three pairings per week? Tas may ARA pa every Sunday.


Ang title po ng magiging book club ay After School. Oha! Talagang I'm taking you guys into consideration di ba? Ang bait ko! Maniwala kayo, please?


Sa ngayon, hindi ko pa tapos ang mga importanteng parte ng After School kaya hindi ko pa mai-post. Pero pag nai-post ko na, sana masuportahan n'yo pa rin. Hindi na yon magiging kasinggulo ng book club na 'to, but hopefully, magagawa pa rin non na pagsama-samahin tayo kahit isa o dalawang beses lang sa isang linggo, depende sa trip at schedules ninyo. Guys, we're a family here, you know!


Sa ngayon, habang hindi pa naman nag-uumpisa ang pasukan, sana maipagpatuloy natin ang pagiging active *winks*


Yun lang!



——————-

EDIT:


Dahil ginawa nang chat box ni @cookiemelle tong chapter na to, panindigan na natin. Kunwari display lang yung announcement wahahahaha

SDA Book Club (Second Wave)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon